CHAPTER 15

572 31 2
                                    

Nalia/Shivani

Nang matapos ang pangatlong labanan ay pinatigil muna ni tanda ang battle dahil lunch break daw muna ang lahat. Kaya naman andito kami ngayon sa healing ward sa kwarto ni Dorothea. Dito na namin napagpasiyahan na kumain.

Lumabas lang sina Alana, Mico at Chester para bumili ng makakain naming lahat. Hanggang ngayon rin ay wala paring malay si Dorothea. Punong puno ng pasa ang buong katawan niya dahil sa kagagawan ng babaeng isda 2.0 na yon.

"Ano daw sabi ng manggagamot, Ailene?" Tanong ko kay ailene dahil siya ang nagbantay kay Dorothea.

"Ok na daw si Thea kailangan na lang daw niyang magpahinga at paghilomin lahat ng sugat niya sa katawan. Hindi na rin daw muna siya pwedeng makasali sa laban." Sagot niya kaya napatango ako.

"Bwesit talaga ang babaeng yon! Pandaraya na ang ginawa niya!" Gigil na sabi ni Niel. Hindi ko alam pero daing niya pa ang babae kung manggigil. Bakla ba siya? May naamoy kase akong kakaiba ehh hmmm.

"Kaya nga ehh! Nanggigil rin ako sa ginawa niya!" Aniya naman ni Karolina. Napaupo na lang ako sa gilid habang naka krus-arm at nakayuko. Bigla naman akong naiihi kaya nagpaalam muna ako bago lumabas ng kwarto.

Wala akong nakitang tao man lang sa paligid. May sariling healing ward ang field na pinaglalabanan namin ngayon. Kaya hindi nakakapagtaka na walang ka tao tao. Mga nasugatan lang sa labanan ang pwede rito.

Nagsimula akong hanapin ang Cr dahil hindi ko naman alam kong saan yon at kung anong pasikot sikot dito. Habang naghahanap ako ng cr at napatigil ako sa paglalakad dahil sa humarang sa dinaraanan ko.

"Finding something?" Malamig na tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Aniyare sa bugok na to? Bigla bigla na lang nanghaharang sa daan.

"Cr kaya tumabi ka kung ayaw mong pasipa." Malamig na sabi ko at nilagpasan siya.

"Your so amazona and sadista. Am just trying to help." Aniya niya at sumunod sakin sa paglalakad. Ano bang kailangan ng bugok na to?

"So what? Sige nga ituro mo sakin ang cr ng may maiambag ka namang mabuti sa buhay ko, Mr. Tender juicy hotdog." Sarcastic na sabi ko at hinarap siya. Hindi ko alam kong bakit bigla na lang siyang natawa, wala namang nakakatawa sa sinabi ko? Ngayon mo lang rin siya nakitang tumawa dahil kadalasan ay malamig ang expression nito.

"What did you call me?" Natatawang sabi niya, napatitig naman ako sa kaniya. Infairness ang pogi niyang tumawa kung pogi siyang walang emosyon mas lalo naman siyang pomogi pag tumatawa.

Hindi ko rin alam pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko? May sakit ba ako? Bumalik naman sa walang emosyon ang mukha niya ng mapansin niyang nakatitig ako sa mukha niya.

"Sorry ahem! Samahan na lang kita, Miss Amazonian." Malamig na sabi niya. Tumango na lang ako dahil baka abotin na ako ng siyam siyam at hindi ko pa nararating ang cr. Tahimik lang kaming naglalakad na para bang hangin lang kami sa isa't isa.

"What happened to you? Your not the Shivani I know?" Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya. Dahil sa tangkad niya ay kailangan ko pa siyang tingalain.

"Sabihin na lang nating may himala haha. Bakit? Yung kilala mo bang Shivani ay yung desperada sa kapatid mo?" Pabalang na sagot ko. Saglit niya naman akong tinapunan ng tingin.

"I'm sorry." Wow! Hindi ko akalain na marunong pa lang mag sorry ang kagaya niya.

"Sa kaniya kayo mag sorry hindi sakin." Mahinang sabi ko pero mukha atang narinig niya.

"Where here, what did you say?" Tumigil kami sa dalawang pintoan na magkatabi. May sign na female and male. Humarap ako sa kaniya at tiningala.

"Salamat, malay mo hindi naman pala talaga ako ang kilala niyong Shivani." Nakangising sabi niya, nakita ko pang napakunot ang noo nito bago ako pumasok sa loob ng cr. Napabuntong hininga na lang ako, bakit ba kase ako napunta rito?

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon