CHAPTER 11

646 37 5
                                    

Nalia/Shivani

Ilang oras na kaming naglalakad at ilang mga halimaw na rin kaming nakakasalubong. Sa dami nga non ay nakaipon na kami ng 1560 na points. Nagtulong tulong lang kami sa paglaban sa mga halimaw kaya hindi kami masiyadong napagod.

Habang naglalakad kami ay bigla na lang kaming nakakita ng isang falls. "Guys! Pahinga muna kaya tayo?" Tanong ni Karolina, sumangayon naman ang iba kaya sumangayon na rin ako. Lumapit kami sa falls at naupo sa mga malalaking bato.

"Parang gusto kong maligo." Aniya naman ni Zach habang nakatingin sa falls. "Ako din, parang ang sarap maligo sa falls." Sabi naman ni Danica. Napataas na lang ako ng kilay ng tumingin sila sakin.

"Leader? Pwede maligo muna kami?" Alinlangan na tanong ni Niel. "Yes, hindi niyo naman kailangan ipaalam sakin. Do what ever you want wag niyo lang kakalimutan kong anong goal natin." Malamig na sabi ko at humikab inaantok na naman ako.

Natuwa naman sila kaya agad silang nag alis ng damit. Napataas na lang ako ng kilay ng pagkahubad nila ng damit ay naka swimsuit na sila. Samantalang yung mga lalaki naman ay naka short lang.

"Hindi kayo prepared niyan a." Sarcastic na sabi ko, tumawa naman sila bago nagtatalon sa falls. Naiwan naman ako dahil ayokong maligo. Pati sina Tierra at naligo na rin. Matutulog muna ako.

Bumaba naman ako sa di gaanong malaking bato at naupo sa maliliit na bato. Sumadal ako sa bato bago ipikit ang mga mata. Dahil sa kakulangan sa tulog ay agad akong nilamon ng dilim.

"Nalia!"

"Nalia!"

"Nalia!"

Napamulat ako ng makarinig ako ng taong tumatawag sa pangalan ko. Madilim! Wala akong makita. Asan ba ako? Panaginip ba to! Napatingin ako sa kaliwa ng biglang may lumiwanag roon. Pagkawala ng liwanag ay napatulala na lang ako sa nakita.

"Karen." Mahinang bulalas ko, si karen at ang iba pa! Nagluluksa parin sila sa pagkawala ko? Kitang kita ko kung paano maghirap si Karen sa pagkawala ko pati na ang iba. Sorry!

"Hindi ko sinasadya! Hindi ko ginustong mapunta rito! Gusto ko kayong balikan pero hindi ko alam kong paano!" Sigaw ko at humagolgol. Hindi ko kayang makita silang maghihirap dahil sakin. I treasure them the most. Dahil sila lang ang tumanggap sakin at nagmahal.

Pero ako pala ang dahilan ng paghihirap nila ngayon. Totoo ang sinabi ko! Gustong gusto ko ng bumalik sa dati kong mundo! Ayoko rito! Hindi ko gusto ang lugar na to! Pero hindi ko alam kong paano ba ako babalik.

Napahiga na lang ako sa madilim na sahig, habang rinig na rinig ko ang iyakan nila. Miski ako ay napahagulgol na lang. Babalik ako! Maghahanap ako ng paraan para bumalik kahit na ito na ang katauhan ko babalik ako!

"Shi!"

"Leader!"

"Shivani!"

Napamulat ako dahil sa ingay. Bumungad sakin ang mga mukha nilang nag aalala basang basa rin sila. Agad naman akong napaayos ng upo.

"Leader, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Vince. Tumango na lamang ako. "Ginising ka namin kase para kang binabangungot tsaka umiiyak karin habang tulog." Nag aalalang sabi rin ni Dorothea. Napahawak naman ako bigla sa pisnge ko at doon ko nalaman na totoo ang sinabi niya dahil may naramdaman akong likido.

"Yeah ayos lang ako nanaginip lang ako ng masama." Malamig na sabi ko. "Napanaginipan mo ba ulit ang pagkawala ng magulang mo?" Malumanay na tanong ni Tierra. Napakunot naman ako ng noo sa sinabi niya.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon