CHAPTER 23

695 36 5
                                    

Nalia/Shivani

Pagkarating namin sa tarangkahan ay napamura na lang kaming dalawa ni Kallias dahil wasak na wasak na ang mga bahay na malapit sa tarangkahan. Pati na ang tarangkahan ay wasak na rin. Nagsisigawan naman ang mga tao at nagtatakbo papunta sa pinakagitna ng bayan na to.

Nagkalat na rin lahat ng halimaw at bambira sa paligid. Marami rin kaming nakikitang mga nakahandusay na katawan ng halimaw at bampira. Kahit nga kawal ay meron din. Agad naman na bumaba si Kallias bago ako.

Nakatingin naman ako don sa limang kawal na pinapalibutan ng hindi ko alam kung anong klaseng halimaw. Ang papangit nila. Sampung halimaw ang nakapalibot sa kanila. Kurbang tao yung halimaw pero yung mukha at katawan ay pinapalibutan ng matutulis na kahoy. Hindi ko alam kong kahoy nga ba iyon.

Napatingin naman ako sa katabi ko pero wala na siya roon. Kita mo tong bugok na to! Nangiiwan na lang basta basta! Ano naman pake ko!

Muli kong tinuon yung attention ko sa limang kawal na pinapalibutan ng mga halimaw. Susugod na sana yung mga halimaw ng agad akong nagpalabas ng sampung katana at tinutok sa leeg nila. Mukha naman na nagulat yung mga kawal at napatingin sakin.

Ngumisi ako sa kanila at pinatarak sa leeg ng mga halimaw yung katana. Napangiwi naman ako ng tumalsik yung kulay green na dugo nila sa mga kawal. Masang sang ang amoy at malagkit, ewww. Pero hindi man lang iyon ininda ng limang kawal dahil tulala lang silang nakatingin sakin.

Iniwan ko na lang silang tulala roon at agad na umalis. Tinulungan ko yung ibang kawal na nahihirapan sa pagpatay sa halimaw. Pinupugutan ko lahat ng halimaw o kaya naman hinuhugod ang mga puso nito.

Hanggang sa unti na lang ang natira. Natigilan kaming lahat ng bigla na lang yumanig ang buong paligid. Napatingin ako sa paparating na malaking halimaw. Ang laki! Para lang kaming mga langgam sa laki nito. Naningkit ang mata ko ng may maaninang akong bulto ng tao sa uluhan nito. Mataba yung halimaw at malaki rin. Tatlo rin ang ulo nito.

"Shivani!!" Napatingin naman ako sa likuran ko ng may sumigaw. Nakita ko sila Dorothea at ang iba pang studyante na nakasakay sa kabayo pero yung mga elf ay lumilipad sa kalangitan. May mga kasama rin silang iba pang kawal.

Bigla na lang akong napaupo sa lupa ng sumakit ang ulo ko. Napapikit ako habang hawak hawak ang sentido. Anong nangyayare sakin?

"Ina ama!"

"Jan ka lang, Nerissa . Babalik din kami ng iyong ama. Wag na wag kang lalabas rito kahit na anong mangyare."

"Ina! Ayoko po, isama niyo na lang ako."

"Hindi maaari anak, baka mapahamak ka lang! Alam mo naman diba kung sino ka sa buhay ng alpha."

"Sinabi na namin iyon ng iyong ina, kaya manatili ka rito Nerissa sa loob ng limang taon. Naiintindihan mo ba ako?"

"Pero ama! Bakit ba kailangan kong magtago sa alpha hindi ko siya kayang patayin."

"Dahil yon ang sinabi ng matandang propesiya. Makinig ka na lang saamin ng iyong ama."

"Sige po ina, bumalik po kayo hihintayin ko po ang iyong pagbabalik."

"Mabuti, kahit na anong mangyare wag na wag kang lalabas sa kagubatan na ito at sa kuwebang ito."

"Tandaan mo rin na hindi na Nerissa ang pangalan mo kundi ikaw na si Shivani Luther."

"Opo ina ama, magiingat po kayong dalawa."

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon