Nalia/Shivani
Papunta kami ngayon sa kaharian ng Lakeburgh Kingdom. Umaga nong umalis kami pero tanghali na ay andito parin kami sa loob ng karwahe. Andami ngang nakahilirang karwahe sa daan dahil buong school talaga ang pupunta sa kaharian na yon.
Ayoko nga sanang sumama pero kinaladkad naman ako nila Dorothea kasama niya kanina yung buong section namin. Magkakasama rin kaming lahat ngayon dito sa malawak na karwahe. Bawat isang karwahe ay isang section ang nakasakay.
Sumama lang ako rito para mapuntahan ko ang kingdom na yon, baka rin may makuha akong information. Hindi ako aattend sa celebration na gaganapin. Siguro kong sisipagin ako baka pumunta rin ako.
Sa palasyo pa naman yon, baka may mahalaga akong matuklasan. Kanina pa rin ako bagot na bagot dahil kanina pa talaga kami nakasakay sa karwahe. Sumasakit na nga yong pwet ko pero hindi parin kami nakakarating.
"Ano ba Mico! Ang baho ng bibig mo lumayo ka nga sakin."
"Arte nito, anong mabaho yung bibig ko? Hoy nag toothbrush ako ng limang besis bago ako umalis ng dorm. Yang bibig mo ang naaamoy mo hindi akin."
"Chester umusog ka nga naiipit na ako oh."
"Pano naman ako uusog miski nga ako naiipit na."
"Bakit ba kase ang taba taba mo Danica."
"Langya ka, mas mataba ka sakin."
"Ang bastos mo Vince, ngayon kapa mangungulangot."
"Ano ba! ang ingay ingay niyong lahat."
"Hindi ako nakakulangot kaninang umaga eh kaya dito na lang."
"Galit na si pareng Zach."
"Grabe napadami ata ang kain ko, natatae ako guys!"
"Hoy pigilan mo yan."
"Hoy mahiya ka naman, Alana."
"Eh sa natatae na ako, ano magagawa niyo?"
"Kuya pakitigil ang karwahe."
"Puntangina ang baho!!!" Malakas na sigaw ko ng bigla na lang umalingasaw ang amoy ng utot ni Alana. "Hoy, manong pakitigil ang karwahe!!" Malas na sigaw ko bigla na lang tumigil yung karwahe kaya mabilis kaming lahat na lumabas. Napatigil rin yung mga karawahe na kasunod lang namin.
Huminga naman ako ng malalim para makalanghap ng sariwa. Pero naamoy ko parin ang nakakamatay na utot ni Alana. Nagsilabasan rin yung mga kasunod namin. Dumaba naman si manong na nagpapaandar sa mga kabayo.
"Mga bata akong nangyare?" Takang tanong ni manong. Tinuro naman namin ang loob ng karwahe. Nagtataka siyang lumapit pagkasilip niya sa loob ng karwahe ay bigla na lang itong nahimatay.
"Hala, manong!" Gulat na sabi ng karamihan.
•••••••
Nakarating naman kaming lahat ng ligtas dito sa Lakeburgh Kingdom. Yung nangyare kanina? Hinintay lang naman namin na magising na ulit si manong. Nakakamatay naman kase yung utot ni Alana. Kababaeng tao ganon kabaho ang utot niya.
Mabuti na lang yung mga wizard ang kapangyarihan ay pinalipad nila yung hangin na mabaho. Muntik ko na rin masakal si Alana dahil hanggang ngayon nakadikit parin sa ilong ko ang mabahong amoy non.
Pinatuloy kami ng hari at reyna sa isang mansion na malaki. Hindi ko nga akalain na may mansion para rito. Pero mukha ng palasyo dahil sa laki. Magkakasama sa iisang kwarto ang mag kakasection. Kaya alam kong hindi magiging matiwasay ang araw ko rito.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...