Nalia/Shivani
"HALIKA dito dito! dito ko sila nakita kanina." Aniya ni Karlo habang hila hila niya ang kamay ko. Pinuntahan kase namin kong saan niya nga ba nakita yung honey peanut niya na may kaholding hands na lalaki.
"Wala naman sila rito eh." Sabi ko ng makarating kami sa tapat ng cr ng mga babae. Wala kaming nadatnan kahit isang studyante man lang. Bakit ko nga ba pinapatulan tong kalukuhan ng batang to?
"Halla, asan na sila? nakita ko lang sila rito kanina. Baka naman tinangay na niya ang honey peanut ko at lumayo na sila dito sa university. Tinanan niya na ang honey peanut ko!! pano nako nito, Cutie Monster!!! Ang sakit sakit sa heart! pinagtaksilan ako ng honey peanut ko!" Malakas na sabi niya at umiyak ng malakas na parang bata.
Pinitik ko naman ang noo niya kaya napatigil ito at napadaing. "Aray ko! Bakit mo yon ginawa?" Nakangusong sabi niya. "Ang oa mo! Manahimik kana lang riyan at umalis na tayo rito! Marami pa akong dapat gawin. Inaabala mo ang araw ko." Inis na sabi ko at tinalikurin na siya.
"Sandali! Sabay na tayo lumabas ng building." Aniya niya at sumabay sakin. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Habang naglalakad kami ay salita siya ng salita patungkol sa nakita niya kanina.
"Siya! siya yung lalaking humawak sa kamay ng honey peanut ko!!" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang siyang sumigaw at tinuro ang asa harap namin. Unti na lang talaga sasapakin ko na ang batang to. Tinignan ko naman ang tinuro niya at nakita kong apat na lalaki yun na naguusap habang naglalakad.
"San jan?" Tanong ko, pinagdikit niya ang pisnge naming dalawa at tinuro ulit yung lalaki. "Ayon yo! yung mukhang goldfish ang mata! yung asa ginta. Yong lalaking hindi gwapo." Tinignan ko siya saglit dahil sa mga pinagsasabi niya. Mapanlait tong batang to akala mo kagwapohan.
Muli kong tinignan yung mga lalaki at nakilala ko na kung sino ang tinutukoy niya. Sinungaling tong batang to! eh gwapo naman yung lalaki a pero mas gwapo parin yung nga limang hari sa kabilang mundo.
"Sinungaling ka, hindi naman pangit yan eh! gwapo kaya." Bulong ko sa kaniya dahil medyo malapit samin yung pinaguusapan namin bigla na lang kase silang huminto eh. "Hindi a, sabi ni kuya Kaito masama ang magsinungaling. Tsaka totoo naman sinabi ko pangit siya dahil mas gwapo ako." Bulong niya rin sakin habang tumatango na nakatingin ng masama don sa lalaki.
Wala naman kaalam alam yung lalaking yon na pinaguusapan namin siya. "We! Sinabi niya yon? gwapo siya pangit ka." Pang aasar ko, sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Eh kung tusikin ko kaya mata mo.
"Oo no kaya nga hindi ako nagsisinungaling. Pangit siya gwapo ako, Cutie Monster?" Inis na sabi niya, nagbubulungan parin kami hanggang ngayon.
"Himala, pangit ka gwapo siya." Aniya ko.
"Sige pangit ka maganda siya!" Sinamaan ko siya ng tingin ng sabihin niya yon at tinuro pa yung isang babae na napadaan samin na subrang kapal ng make up sa mukha.
"Eh kung ihagis kaya kita palabas ng building na to." Diing sabi ko.
"Hehehe, joke lang. Sige na andito na yong lalaki eh upakan muna." Utos niya sakin.
"Ano ka swerte? Ayoko nga baka mapunta pa ako sa mabahong office ni tanda." Tanggi ko, para na kaming tanga rito sa gitna ng hallway nag bubulungan. Pinagtitinginan na kami ng ibang studyanteng dumadaan.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasiaMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...