Nalia/Shivani
PAGKAPASOK ko sa portal ay gubat agad ang bumungad sakin. Umayos ako ng tayo at hinarap ang dalawang kasama ko. Nawala na rin ang ginawang portal ni Karlo kanina. Tiyak akong hahanapin kami ng mga kawal kaya kailangan naming magingat.
"Cutie Monster, ano next na gagawin natin?" Nakangiting tanong ni Karlo. Tinignan ko naman siya ng mariit na mukhang kinailang niya. "Pwede ba tigil tigilan mo ako sa pagtawag ng Cutie Monster, ang baduy katulad mo." Inis na sabi ko. Natawa naman yung matandang kasama namin at napanguso lang si Karlo.
"Ang cute kaya." Sabi niya sinamaan ko siya ng tingin kaya nanahimik na agad. Binalingan ko ng tingin yung matanda. "Ikaw, Ikaw ang Vampire Slayer di'ba?" Malamig na tanong ko, ngumiti naman siya sakin. Kanina pa siya ngiti ng ngiti nawewerduhan na ako.
"The one in only, bakit pinapabalik na ba ako ng alpha?" Sabi niya at umupo sa sanga ng puno. "Obvious ba lolo? Kaya nga kami pumuslit sa pesting mundong to para lang pauwiin ka." Malamig na sabi ko at umirap sa kawalan.
"Cutie Monster! Respeto mo siya! Siya ang pinakamagaling sa pakikipaglaban sa mga bampira." Bulong sakin ni Karlo. Wala akong pake! "I don't care." Aniya ko lumayo sa kanila. Bahala silang dalawa roon total malaki na sila.
"Cutie Monster, sa tingin ko kailangan na nating umalis sa lugar na to. Baka kase matunton tayo ng mga kawal na naghahanap satin. Ayoko na bumalik don no, nakakatakot yung mga kawal. Ang haharass nila." Hindi ko namalayan na sumunod pala sakin yung potato na to.
"Tama si Karlo, may alam akong daan para makalabas rito sa gubat" Sabi naman nong matanda.
"Kailangan din nating hanapin yung mga kasama natin, Cutie Monster. Baka nag aalala na yung mga yun lalo na si Kuya Kaito. Nako! Baka mabatukan ako non pagnakita tayo." Sumangayon na lang ako sa kanilang dalawa dahil may point naman sila. Nagsimula na kaming naglakad paalis sa gubat.
"Ako nga pala si Ricky Martin." Pakilala nong matanda habang naglalakad kami. Hindi ko na lang siya pinansin dahil hindi naman ako interesado. "Siya po si Shivani Luther. Ang monster sa University namin hehehe." Aniya ni Karlo kaya nabaling at tingin ko sa kaniya.
"Eh kung tadyakan kaya kita." Inis na sabi ko, bakit ko ba kasama ang dalawang to? Sana man lang ako na lang magisa ang nahuli kanina kaysa naman ang makasama ang dalawang to. "Joke lang, siya po ang pinaka cute sa university. Ok kana ok kana, Cutie Monster." Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaiwas ito ng tingin. Rinig ko naman ang pagtawa ni lolo Ricky.
"Isuot niya ang takip ng mukha niyo. Para hindi tayo nakilala ng mga taga bayro. Pagkalabas natin ng gubat ay bayan agad ang bubungad satin kaya kailangan nating magingat dahil baka asa tabi tabi lang ang mga kawal." Sabi ni Ricky kaya sinunod namin. Siya lang ang nakakaalam sa lugar na to kaya pagbibigyan ko siyang utos utusan ako.
Sinuot ko naman ang hoodie ng kapa kaya natakpan na ang mukha namin. Ilang sandaling katahimikan lang ay nakarating na kami sa pinakadulo ng gubat. Paglabas namin sa gubat ay napatigil kami dahil sa nabungaran.
Tama nga si lolo Ricky. Bayan agad ang nabungaran namin pagkalabas ng gubat. Nagsimula ulit kaming maglakad. Sa bawat dadaanan naming bahay ay may mga tinda sila sa tabi. Kapansin pansin yung ibang tao ay may kaliskis ng kung ano. Yung iba naman ay wala.
Maingat kaming naglalakad dahil yung iba ay nagtatakang nakatingin samin. "Kababayan, bili na kayo ng gulay ko. Kapipitas lang ito kaya fresh na fresh pa." Napatigil kami sa paglalakad ng bigla na lang may humarang na isang ginang habang may hawak itong basket na puno ng gulay.
"Pasensya na po, hindi po kase kami kumain ng gulay at nagmamadali rin kami." Sabi ni Karlo. "May mga karne din akong ulam. Sige na bili na kayo." Pagpupumilit nong ginang. Hindi niya ha naintindihan na nagmamadali nga kami? Pagtalaga ako napikon bibirahin ko tong babaeng to.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...