CHAPTER 21

541 33 4
                                    

Nalia/Shivani

Habang kinakain ko yung manok na bigay ni Zack ay bigla na lang may naglapag ng isang tray na puno ng pagkain sa harap ko. Nang i-angat ko ang ulo ko ay bumungad sakin ang seryosong mukha ni Kaiser. Adito na pala ang weirdong lalaking to.

"Ganiyan kana ba katamad para hindi ka pumili." Nababahidan ng inis ang boses nito. May hawak hawak din siyang isang tray na mukhang para sa kaniya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, medyo naiilang pako sa kaniya dahil sa nangyare kanina.

"Sakin ba to?" Malamig na tanong ko at tinuro pa yung tray na asa harap ko. Tumango na lang siya at umupo sa mismong harap ko. Nang tignan ko naman yung mga kasama ko namin ay nakatanga silang lahat kay Kaiser na ngayon ay busy ng kumain.

Hinayaan ko na lang sila at kumain na lang ng bigay ni Kaiser. Ayoko ng maginarte pa dahil gutom na gutom na talaga ako. Mukha ring natauhan na silang lahat at pinagpatuloy na ang pagkain. Nababakasan parin ng pagtataka ang mukha nila.

Napatingin naman ako sa entrance ng cafeteria. Napangisi na lang ako dahil nakikita ko sila Lyra na palapit samin. Habang pinagtitinginan ng mga studyante yung likod nila. Hindi man lang nila naramdam ang mga tingin ng iba.

"Hi babe." Aniya ni Lyra nang makalapit ito kay Kairos.

"Where have you been?" Seryosong tanong ni Kairos at saglit niya pa akong tinignan.

"Naligo lang kami." Nakangiting sagot naman ni Lyra bago ako tapunan ng masamang tingin. Nginisihan ko lang naman siya. "Lyra, kanina pa ako nagtataka dahil kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga studyante." Nagtataka naman na tanong nong alipores niya.

Hindi ko naman maiwasan ang hindi napahagikgik kaya hininaan ko na lang ito. "Don't mind them, baka lang naman nagagandahan sila satin kaya pinagtitinginan tayo." Napayuko at napatakip naman ako ng bibig dahil sa sinabi ni Lyra.

"Siguro nga." Nakangiwing sabi nong alipores niya.

"Pero kanina ko pa din naaamoy ang malansa." Aniya din ng isa pa. Tatlo silang magkakaibigan ehh. Napadiin naman ang pagkakatakip ko sa bibig ko para hindi lumabas ang tawa ko. Halos mamula na ako sa ginagawa ko.

"Oo nga, nong dumating kayo amoy malansa na." Sabat naman ni Tierra, rinig ko naman ang hagikgik ng mga kasection ko. Pati na sina, Nikky at Serenity ay napahagikgik rin.

"So! You said na kami ang malansa. Ganon ba!" Inis na sabi nong nakalaban ni Tierra.

"Hoy hoy, wala akong sinasabing ganon no." Tanggi naman ni Tierra.

"Beh! Tignan mo yung likod nila Lyra, my dugo."

"Hala oo nga hahaha."

"Kadiri naman niya."

"Eww bakit hindi pa sila nagpapalitan nakakadiri kaya."

Rinig ko naman na bulungan ng nakapaligid samin. Hindi ko alam kong naririnig din ba nila iyon. Kinuha ko na lang ang isang buong hita ng manok at sinubo ng buo sa bibig ko para hindi lumabas ang tawa ko. Napansin ko naman si Zach ng nagtatakang nakatingin sakin.

"Parang ganon na rin yon. Wag ka ngang mag maang maangan riyan, bitch." Inis na sabi ni Fiona. Ngayon ko lang natandaan ang pangalan niya hahaha.

"Pano ka naman nakakasiguro? Ikaw ang nagsasabi niyan hindi ako." Inis rin na sabi ni Tierra.

"Pwede ba tumigil na kayo! Hindi na kayo nahiya." Inis na sabi ni Kaito. Kahit kailan talaga apaka initin ng ulo ng lalaking to.

"Omg, Lyra may dugo yang palda mo." Muntik nang lumabas yung tawa ko ng sabihin yon ng isa pa niyang alipores. "Ano! Omg. Kakatapos ko lang kaya paanong meron." Tarantang sabi ni Lyra at sinubukan na tignan ang likod niya.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon