CHAPTER 3

773 39 4
                                    

Nalia/Shivani

"Shivani? Ikaw ba yan?" Tanong ni Tierra habang tulala paring nakatingin sakin. Ilang katol ba ang nasinghot ng dalawang to at bakit ganiyan sila kasabog?

"Oo, kaya pwede ba, nagugutom nako." Inis na sabi ko mukhang natauhan naman sila dahil sabay pa nilang pinulot yung sandok habang nakatingin sakin. Tskkk.

"Wow, ganiyan agad ang bungad wala man lang bang good morning diyan!" Sarcastic na sabi ni Dorothea. Oa talaga ng babaeng to. Naupo naman ako sa harap ng lamesa at humalumbaba.

"Edi, good morning." I said coldly, sinimangot naman nila ako bago ituloy ang pagluluto. "Anyways, guys, do I have a pera?" Natigilan naman sila sa paghahain ng pagkain sa lamesa at kunot noong nakatingin sakin.

"Anong perang sinasabi ko?" Dorothea ask.

"Pera, as in money, buy someone like clothes and food." Aniya ko at kumuha ng isang saging at binalatan ito sabay subo.

"Ahh, cent's kase yon anong pera'ng pinagsasabi mo. Nagka amnesia ka lang iba iba na ang sinasabi mo." Natatawang sabi ni Tierra, natigilan naman ako dahil iba pala ang tawag nila sa pera.

Cent's not bad.

"So, do I have? Samahan niyo naman akong mamili ng bagong damit. Ang papangit ng damit ko sa taas." Umirap ako sa hangin. "Hahaha yes, it's make over time. Kay tagal akong naghintay na palitan mo ang mga damit mo. Ang amnesia lang pala ang solusyon di sana kung sa una pa lang alam ko di matagal na sana kitang inumpog sa pader." Binato ko naman si Dorothea ng saging dahil sa huling sinabi niya.

Bwesit na to.

"Sasamahan ka namin, excited nako." Anya ni Tierra at naupo sa harapan ko. Naupo na rin si Dorothea kaya nagsimula na kaming kumain. Same lang din naman pala ang kinakain sa mundo ko sa mundo nila kaya hindi ako mahihirapan mag adjust.

Pagkatapos naming kumain ay nagpalit muna sila ng damit bago kami lumabas ng dorm. Naglakad lang kami ng sa gilid ng kalsada, may mga karwahe kaseng dumadaan sa may ginta ng kalsada, makalumang kalsada rin ang meron dito. Madami ring mga tao na naglalakad.

Kakaiba yung mga itsura nila. Yung iba may mga matutulis na tenga katulad ni Tierra. Meron din naman yung normal kagaya ko at ni Dorothea. Ano kayang klaseng mga tao sila Tierra.

"Tierra, bakit ganiyan ang tenga mo?" Curious na tanong ko, natawa naman siya ng mahina at hinawakan pa ang tenga. "Pati talaga yon kinalimutan mo, baka naman hindi mo rin alam kong saang angkan ka galing." Pabirong sabi ni Dorothea, seryoso ko lang siyang tinignan.

"Hindi mo alam!" Sigaw niya kaya napatingin samin ung ibang taong nakakasalubong namin. "Dorothea, yang boses mo hinaan mo naman." Suway sa kaniya ni Tierra.

"My god pati yon nawala utak mo, jusko naman yan magsisimula ka na naman sa umpisa hahaha. Mukhang kang bumalik sa pagkabata niyan." I glared at her but she continued to laugh.

"Wag mo na lang siyang pansinin, nakalimutan ko kaseng painomin yan ng gamot." Aniya sakin ni Tierra, napasimangot naman si Dorothea sa sinabi ni Tierra.

"Isa akong elf, Shivani. Ang elf ay ang mga nilalang na matutulis ang tenga may pakpak rin kami. Ang angkan namin ang pinakamagaling pagdating sa malayuang labanan. Kaya naming gumawa ng kahit na anong lason o kaya naman gamot sa sarili naming kapangyarihan. Nakakapaggamot rin kami ng mga sugat sa katawan gamit lang ang kapangyarihan meron kami. Nilalabas rin namin kapag kailangan ang pakpak namin pero kapag hindi kailangan ay pinaglalaho muna namin ito. Pinangangalagaan kami ng dyosa ng kalikasan, na si Goddess Hollis" Mahabang paliwanag ni Tierra, napatango tango naman ako.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon