CHAPTER 29

422 20 0
                                    

Nalia/Shivani

"LEADER, anong nangyare kanina? Balita ko napunta kayo sa office ni headmaster." Sabi sakin ailene. Andito silang lahat sa dorm namin hindi ko alam kong bakit. Nadatnan ko na lang silang andito na at nanonood ng wonder pets.

"Karlos's Fault." Malamig na sagot ko habang nakakrus na nakatingin sa kanilang lahat na nagkukumpulan sa may sofa. Lahat sila may hawak hawak na chitchirya ang kalat din ng buong bahay.

"Napapansin ko lang, Leader ha. Parang madalas kanang kausapin ni Karlo mula nong makabalik tayo galing sa mission." Sabi naman ni Perseus habang ngumunguya ng chips.

"Whatever! Ano bang ginagawa niyo rito ha? Masakit ang dorm namin tapos makikisiksik pa kayong lahat." Sabay sabay naman silang lahat na napatingin sakin.

"Ang boring kase sa dorm namin eh. Kaya napagpasiyahan namin na tumambay muna rito. Sa susunod dito ulit kami tumambay daming pagkain." Sagot ni Mico kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Kung pagkain rin lang naman bakit hindi kapa sa pamilihan tumambay?" Napakamot siya sa ulo ng sabihin ko yon.

"Kung pwede nga lang di sana araw araw akong nakatambay roon. Tsaka hindi libre no kaya dito na lang libre pa." Muling sabi niya.

"Dorothea, ano bang pagkain sa kusina ang niluto niyo ni Thea? Gutom na gutom nako." Tanong ko sa dalawa na tutok na tutok sa tv. Gabi na kase ng makauwi ako, sinimulan na rin namin kanina ang paglinis ng garden. Nakakapagod dahil sa lawak ng garden. Amoy pawis na nga ako at ang lagkit na rin ng katawan ko. Hindi rin ako nagtanghalian kanina at nag meryenda dahil sa wala akong gana pero ngayon lang ako ginutom.

"Pretong isda pero ubos na eh. Inubos nilang lahat." Sagot ni Thea habang di nakatingin sakin. Tinignan ko naman silang lahat pero nginitian lang ako ng labas ang ngipit. Inirapan ko sila at padabog na umakyat sa taas. Hindi man lang ako tinirhan. Kakain na lang ako sa labas siguro naman may bukas pang kainan rito.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong naghubad ng damit at nagpunta sa banyo para maligo. Lagkit na lagkit na ako sa katawan ko hindi ko na matiis. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng tuwalya sa katawan, Pagkalabas ko sa banyo ay natigilan ako ng bumungad sakin ang isang lalaking nakatalikod habang may kinakalikot sa mga gamit ko.

Hindi ko makita ang itsura niya dahil sa balot na balot siya ng kapa. Pinaningkitan ko siya ng mata at isang iglap lang ay asa likuran na niya ako habang nakatutok sa kaniya ang isang katana. "Who the hell are you?" Malamig na tanong ko, natigilan naman siya sa ginawa niya.

Natigilan ako ng bigla na lang umalingasaw ang amoy na ilang araw ko din hindi naamoy. Wag mong sabihin na sa taong to nanggagaling ang amoy na yon. Bigla rin uminit ang suot kong bracelet na napulot ko lang. "Tinatanong kita! Sino ka at anong ginagawa mo sa kwarto ko? Pano ka nakapasok?" Muling sabi ko at lalong diniinan ang pagkakatutok sa may leeg niya.

Hindi siya sumagot o ano man kaya dahil sa inis ko ay marahas ko siyang hinarap sakin at nagulat ako ng makita ko ang itsura niya. Nakatakip ng tila ang buong mukha niya pero nakikita ko parin ang gintong matang meron siya. Kaparihas niya yong isang hari sa ibang mundo. Impossible naman na siya yon dahil hindi sila nagpupunta rito.

"Sino ka?" Mahinang tanong ko. Napaatras naman ako ng humakbang siya palapit sakin bigla na lang naningkit ang mata niya na para bang ngumiti siya. "Hoy! Anong binabalak mo ha?" Tarantang sabi ko at napayakap sa sarili. Hanggang sa naramdam ko ang pader sa likod ko.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon