Nalia/Shivani
This is it!
Natapos na rin ang pangalawang battle. Kaya ngayon ay ang panghuling battle na sabi ni Headmaster. Pero nakahilata parin ako hanggang ngayon. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil pakiramdam ko ay may nanonood sakin habang natutulog.
Pero sa tuwing ididilat ko naman ang mata ko ay wala akong makitang tao pero naaamoy ko ang kakaibang amoy dito sa kwarto ko gabi gabi. Hindi ko naman alam kong anong klaseng pabango yon o parang bulalak.
Para ngang nasasanay nako sa amoy na yon eh. Naaadik na rin ako sa amoy na yon. Ang bango kase hindi masakit sa ilong at hindi nakakahilo. Napagpasiyahan ko ng bumangon dahil exiting ang susunod na battle.
Pagkabangon ko ay agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo ay nagsuot lang ako ng puting cargo pants at black na t-shirt. Pinarisan ko na rin ng puting sapatos. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko bago ako bumaba.
Pagkababa ko ay dumeretso ako sa kusina dahil paniguradong andon yung dalawa. Hindi nga ako nagkamali dahil nadatnan ko silang hinihintay ako. Naupo na rin agad ako kaya nagsimula na kaming kumain.
"Hiindi parin ako makapaniwala na anim na lang na section ang natira. Akala ko madaming singsing ang kinalat nila headmaster sa gubat na yon. Anim lang pala." Aniya no Dorothea habang kumakain. Anim na lang ang natirang section dahil sinadya yon ni tanda.
"Oo nga eh, mabuti na lang at nahanap ni Shi yung isang singsing." Aniya rin ni Teirra at saglit akong tinapunan ng tingin. "Pero, kinakabahan ako! Possibilidad na makalaban natin ang isa sa mga section waves." Hinayaan ko lang silang magusap pero nakikinig naman ako.
Ang section waves ay section ng mga bugok. Sila raw kase ang pinaka malakas na section dito sa Meridian University. Tsk! Wala naman akong pake alam. Yun ang kinaeexcite ko ngayon ang makalaban silang lahat.
"Sinabi mo pa. Hindi ko nga alam kong saan nakuha ni headmaster ang ganong klaseng battle." Sabi ni Tierra. Marami pa silang sinabi ng kung ano ano pero hinayaan ko na lang dahil puro naman walang kwenta. Pagkatapos naming kumain ay umalis kami agad ng dorm papunta sa field kung saan gaganapin ang huling battle.
Habang naglalakad kami ay madami kaming nakakasalubong na nilalang. Pinayagan ni tanda na makapasok ang tagalabas para manood. Kaya maraming mga tao ang nakakasabay naming maglakad. Pero napapansin ko rin na may mga studyante na hindi magaaral rito dahil iba ang suot nilang uniform. May iba pa bang university rito?
"May taga ibang school rin pala ang manonood ngayon." Napukaw naman ng attention ko ang sinabi ni Tierra. So meron pa nga? "Oo hindi mo ba nabalitaan yung sinabi ni headmaster?" Tanong ni Dorothea. Asa likod nila ako dahil ayokong nauna at nakikisabay sa kanila. Ayokong masyadong mapalapit sa kanila dahil balang araw ay aalis rin ako sa lugar na to.
"Nabalitaan." Simpleng sabi ni Tierra. Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan ako ng mga taga ibang school kuno. Lalo na yung mga lalaki. Pero sinawalang bahala ko lang wala naman akong pake. Nakailang lakad pa kami bago nakarating sa field.
Malawak ang field pero punong puno ito ngayong ng ibat ibang mga nilalang. Mabuti na lang at may nakaasign na saming pwedeng mauupuan. Naglakad na kami papasok sa isang pintoan, madilim na pasilyo at bumungad sakin kaya naglakad na kami hanggang na makakita kami ng hagdan.
Pagkalagpas ng hagdan ay pasilyo na naman pero sa dulo ng pasilyo ay naaaninag na namin ang mga kasama namin. Hindi na rin ako magtataka kong bakit hugis bilog na ang field. Dahil sa minndong to ay lahat impossible yun nga ang sabi ni Tori eh. Kamusta na kaya ang bubetang yon.
"Leader! Good morning." Bati ni Danica ng makalapit kami. Para itong viranda! Kaya kitang kita mo ang paligid lalo na ang baba. May pito na viranda ang nakapalibot sa field. Naupo na lang ako sa harang ng viranda.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...