Nalia/Shivani
"Ayus kana ba, leader?"
"Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo, Leader."
"Ang galing mo, Leader."
"Bakit hindi ka nagpagamot, Shi?"
"Hindi ka man lang pumunta rito kahapon pagkatapos ng laban mo, Leader."
"Nakakatakot ka kahapon."
"Nangatog nga yong tuhod ko dahil sa nakakatakot mong presensiya."
"Grabe! Lahat nga ata ng nanonood kahapon natakot sayo eh."
"Pinalitan na si Joseph, dahil hanggang ngayon ay nasa healing ward parin siya."
"Mas malala nga ata natamo ni Joseph, kaysa may Thea eh."
Mali ata yong decision kong magpunta rito ng ganito kaaga. Hindi ko naman kase alam na andito na rin tong mga kumag na to. Pagkapasok ko palang sa loob binabaril nako ng kung ano anong salita. Tahimik naman akong naglakad palapit kay Dorothea. Isang oras na lang ay gaganapin na ulit ang panghuling laban.
"Hoy! Leader pansinin mo naman kami." Napatingin naman ako kay Mico, nakaupo ito habang may hawak hawak na chitchirya.
"Tumigil ka nga sa kakanguso mo, Mico. Nagmumukha kang basang Pato." Aniya ko, napasimangot naman siya.
"Yuck! Kaya nga nguso ng nguso hindi naman cute." Aniya naman ni Alana kaya ayon nagsumbatan na naman silang dalawa.
"Magaling kana ba? Ngayon na ang huling battle." Sabi ko may Dorothea at naupo sa paanan niya.
"Sabi ng-- magaling na daw yung mga sugat niya sabi ng mang gagamot." Naputol yung sasabihin niya ng sumabat si Neil.
"Ganon ba, kamusta pakiramdam mo? Ayos kana ba?" Muling tanong ko, ngumiti naman siya ng tipid at umupo sa kama.
"Kay- tinanong ko siya kanina ang sabi niya ay maayos na ang pakiramdam niya. Pwede na niyang bawian yung babaeng isda 2.0" muli na naman na sumabat si Neil. Sabat ng sabat ng lalaki na to? Isa na lang talaga lilipad siya palabas ng kwartong to.
"Kaya mo na ba talaga? Kung kaya mo naman ay pwede ka ng lumaban ulit. Baiwan mo yong babaeng yon ng magtanda na." Malamig na sabi ko at saglit na tinapunan ng tingin si Niel.
"Oo na- Ang sabi niya kanina, handang handa na daw siyang lampasuhin ang babaeng isda 2.0! Pinapatay na nga niya kanina eh." Napapikit na lang ako dahil sa sumabat na naman ang walang hiyang lalaki na to.
"Gusto mo bang lumipad, Niel?" Tanong ko at mariin na tumingin kay Niel na busy sa hawak niyang libro. Nagtataka naman akong tinignan ni Dorothea.
"Oo naman, kaya lang wala akong pakpak ehh." Sagot ni Neil. Kinuha ko naman yong unan na nasa paanan ni Dorothea at binato ito kay Niel kaya sapol sa mukha.
"Kanina kapa sabat ng sabat!! Ikaw ba ang kausap ko ha?! Ikaw ba si Dorothea?!! Hmmmm!." Aniya ko at pinanlakihan siya ng mata. Napalunok naman siya at alanganin na tumingin sakin.
"Ahh ehh hehehe sorry, Leader, sige tuloy niyo na yan hindi na ako sasabat." Kinakabahan na sabi niya at binalik sa libro ang tingin. Rinig ko naman ang mahihina nilang tawanan.
•••••
Andito na kami ngayon sa viranda, mas lalo naman na dumami ang nanonood ngayon. Hindi ko naman alam kong bakit. Dahil siguro sa finally na to. Kasama na rin namin ngayon si Dorothea, pinayagan na siya kanina ng mangagamot.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...