Nalia/Shivani
Nagising ako ng makarinig ako ng malalakas na pagsabog. Napaupo ako sa bench na kinauupuan ko habang nakapikit parin. Bwesit! Sino bang putangina ang nambulabog ng tulog ko? Napamulat ako ng may naramdaman akong paparating sakin.
Agad akong umiwas ng may palasong tatama sana sakin kaya sa puno ito tumama. Napatigil naman ako ng makita kong anong nangyayare. May bagyo bang dumating? Hindi ko na makilala yung park na pinagtulogan ko kanina dahil sa wasak na wasak na ang paligid.
Napatingin naman ako sa harapan at nakita ko sila Kallias at ang iba pang Leader ng section na naglalaban laban sa isa't sa. Pero halata naman na si Kallias ang lamang dahil sa kaunti pa lang ang galos nito. Naupo naman ako ng maayos at sumandal sa sandalan ng bench.
Gusto ko munang panoorin kong paano nila labanan ang isa't isa. Wala naman sigurong masama kong manood muna ako diba. Kapansin pansin naman ang kulay asul na kidlat ang bumabalot sa katawan ni Kallias. Hoo thunder pala ang kapangyarihan ni Mr. Tender juicy hotdog.
Habang yong leader naman ng Section Sunrise na si Babaeng isda 1.0 ay nature ang kapangyarihan. Wizard pala ang malansing to. Samantalang yong leader naman ng Heaven ay isang elf at babae rin ito habang may hawak hawak itong palaso at wand. Sa kaniya pala nanggaling tong palasong muntik ng pumatay sakin.
Ang leader naman ng golden ay napalitan na rin. Isa itong wolf kagaya ko nagpapalabas naman siya ng kung ano anong mga sandata, lalaki parin pala ang pinalit nila. Parang gusto ko ang kapangyarihan niya. Habang ang leader naman ng sunset ay isa ring wizard nagpapalabas ito ng hangin.
"Asan ba ang pangit na babaeng yon!" Napataas naman ako ng kilay ng marinig ko ang sinabi ni Lyra. Sino naman kaya ang tinutukoy ng malansang to?
"Kanina kapa nagmamaktol jan. Sino ba ang hinahanap mo ha?" Tanong naman ng Leader ng section Heaven.
"Edi sino pa edi ang bida bidang Luther na yon." Inis na sabi ni Lyra. Napangisi na lang ako ng ako pala ang hinahanap niya. Miss niya ba ako? Magsosorry na lang ako kase hindi ko namimiss ang katulad niyang malansa. Bakit ba nila rito naisipan na maglaban laban?
"Bakit ba inis na inis ka sa kaniya? Dahil ba hinahabol habol niya dati ang boyfriend mo?" Tanong na naman ni heaven habang naglalaban sila ni Lyra. Papangalanan ko na lang siya ng heaven kahit mukha siyang hell.
"Yes and I hate her present! Hindi naman siya maganda! Pero ang yabang yabang. Babawian ko siya sa ginawa niya kay Freya no." Ako babawian niya? Ohh! Talaga ba!
"Bakit mo naman ako hinahanap? Bulag kaba? Hindi niyo man lang ba nakikita na andito ako?!!!" Malakas na sabi ko napatigil naman silang lahat sa pakikipaglaban sa isa't isa.
"Kanina kapa riyan?" Tanong naman ni Heaven.
"Yeah! Binulabog niyo lang naman ang maganda kong tulog." Malamig na sabi ko at tumayo.
"Kanina kapa ba tulog?" Hindi makapaniwalang tanong ni Lyra. Hindi man lang nila naramdam ang magandang kagaya ko.
"Yes! At anong sabi mo? Babawian mo ako?" Nakangising sabi ko at naglakad palapit sa kanila. Napansin ko naman na naalarma sila maliban nga lang may Mr. Tender juicy hotdog na malamig na nakatingin sakin kaya palihim akong ngumisi.
"Eh kung bawiin ko na kaya yang buhay mo." Nakangising sabi ko ng makalapit ako sa kanila ng husto. Tumigil lang ako sa paglalakad nong asa harap ko na sina Lyra.
"Tsk, as if naman kaya mo!" Maarteng sabi niya at nilagay pa ang buhok na nasa kaharap niya patalikod. Ang arte arte akala mo naman maganda. Mas maganda naman ako sa kaniya, kahit na yong dati kong mukha wala parin siyang panama.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...