CHAPTER 32

388 22 2
                                    

Nalia/Shivani

IT'S been a month. April na sa susunod na buwan, ang buwan ng eclipse na sinasabi nila Dorothea. Hindi naman ako nababahala roon pero yung mga kasama ko ay ganon ang nararamdaman. Ito raw kase ang unang besis nilang lumaban sa isang digmaan.

Tatlong linggo na lang bago ang eclipse.

April 8.

This is just a piece of shit!! Hindi ako natatakot lalabanan ko sila sa oras na nagalwin nila ako o kung sino man. Sa buwan na nakalipas ay unti unti na akong nasasanay sa mundong to. Para bang dito na talaga ako nabibilang kahit hindi naman talaga.

I'm just reincarnated in this fucking world.

Yung mga hari? ayon nakikihalubilo na samin lalong lalo na yung princepe. Ako lagi ang bwenibwesit parang si Karlo lang. Lagi rin silang nag aaway kapag nakakasalubong sila o kaya naman nagkakaharap.

Si Lucifer naman ay hindi man lang nagsasalita saka lang mag sasalita kong kakausapin. Hindi marunong mag first move ang mukong. Wala naman kaso yun sakin pero ang kaso sakin ay minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin.

Napapansin ko rin na napapamahal na ako sa mundong to lalo na sa mga taong nakapaligid sakin. Hindi na ba talaga ako makakaalis sa lugar na to? Dito naba talaga ako nabibilang? Hindi ko na ba makakasama at makikita sila Karen?

I guess, I need to accept the fact that I belong this wonderful world.

Mag isa akong naglalakad sa gilid ng kalsada sa labas ng university. Pwede naman lumabas ng university kahit anong oras. Sarado na rin lahat ng tindahan dito sa labas ng university. Sa lugar na to ay may malalaking pader sa nakapalibot sa buong lugar. Samantalang may isa pang pader na humaharang sa university.

Hindi ako makatulog kaya napagpasiyahan kong maglakad lakad muna baka sa kaling antokin ako. Hindi pako nakalalabas mula dito sa matataas na pader. Ano kayang meron sa labas nito? Baka naman isang palasyo o kung ano.

Sa ilang araw na lumipas ay may lumalabas na iba't ibang kapangyarihan sa katawan na to. Katulad na lang ng Fire, Mind reading, and electric. Hindi ko alam kong normal paba yon. Hindi ko pinasabi kahit kanino dahil may pumipigil sakin na hindi ko alam.

Habang naglalakad ako ay saglit akong napatigil ng may maramdaman akong sumusunod sakin. Pero pinagpatuloy ko parin ang paglalakad at hindi pinahalata na alam kong may sumusunod sakin. Ano naman kayang kailangan ng damuhong to?

Ilang lakad pa ang ginawa ko bago ako lumiko sa hindi masiyadong malaking iskinita. Humarap ako sa pinasukan ko at naghintay na dumating ang taong sumusunod sakin.

Baka naman isang bampira?

Impossible, ang pagkakaalam ko ay nung nakaraang linggo ay nilagyan ng mga council ng proteksyon ang buong university pati na rito sa labas. Isa naman kayang taong may galit sa katawan na to?

Napakrus ako ng braso ng dumating na ang taong sumusunod sakin. Pansin ko ang pagkagulat nito ng makita niya akong naghihintay sa pagdating niya. Sa hugis ng katawan niya ay isa itong lalaki. Balot na balot ang katawan niya ng mga itim nakasuotan ang mata niya lang ang nakikita ko.

"Hindi ko alam na malakas ka palang makaramdam." Sabi niya, tama nga ako lalaki boses lalaki eh. Ano naman kayang kailangan niya sakin?

"Malakas makaramdam ang mga babae kaya hindi ka pwedeng magulat sa bagay na yon." Malamig na sabi ko, hindi naman siguro masama kong maglaro muna ako ngayong gabi. Baka sakaling siya ang dahilan para makatulog ako.

"Hindi rin, Nerissa Luther." Nanlaki ang mata ko sa pangalan na binanggit niya. Hindi maaari pano niya nalaman yon? Wala akong pinagsabihan tungkol roon. Kaya paanong alam niya? Inimbestigahan niya ba ang pagkatao ni Nerissa?

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon