CHAPTER 14

600 35 4
                                    

Nalia/Shivani

The first battle is over. Sa umpisa man ay naminus ang points namin pero sa bandang huli ay nadagdagan pa kami ng 20 points. Talagang bumawi si Perseus. Dalawang kalaban ang natalo niya pero natalo lang siya kay Hayes.

But it's fine. Maayos na ang ginawa niya kahit na medyo marami siyang tinamong sugat. Agad naman un naagapan ng mga elf na nagtratrabaho sa healing ward kuno. Kaya ngayon ay nagpapahinga na siya kasama namin rito sa may viranda.

"The first battle is intense! Hindi na natin patatagalin pa sisimulan na ulit natin ang pangalawang battle. Ang pangalawang battle ay para sa mga babae lamang. Swimming battle! Ang swimming battle ay papasok lahat ng kalahok sa bolang tubig. Kailangan lang nilang palabasin ang mga kalaban at ang panghuling matitira sa loob ng bolang tubig ay siyang panalo! Kapag may natirang dalawang kalahok sa laban ay bibigyan natin sila ng tatlong minuto para talunin ang isa't isa!" Aniya ni headmaster kaya naghiyawan lahat ng tao, sinisigaw nila ang pambato nilang section.

Napatingin naman ako sa isang senior ng pumunta ito sa gitna at gumawa ng malaking bilog na tubig. Pagkatapos ay umalis na rin ito agad. Ang laki ng bilog! Nakalutang rin ito kaya kung sino ang mahuhulog ay talagang babagsak sa lupa.

"Ako na lalaban!" Rinig kong sabi ni Dorothea. Tubig nga pala ang kapangyarihan niya kaya tamang tama ito para sa kaniya. Tumango ako sa kaniya habang hindi nakatingin. Bakit pakiramdam ko ay may mangyayareng hindi maganda? Bigla akong kinabahan.

Napailing na lang ako at tinuon ang attention sa baba. Tsk! Kalaban pa talaga ni Dorothea ang isang babaeng isda walang iba kundi si Freya. Nakangisi pa itong nakatingin sakin kaya inirapan ko na lang. Ang pangit niya ngumisi para siyang cat fish! Kalaban rin pala ni Dorothea ang isa sa mga princesa. Si Nikky. Sinabi rin muna ni headmaster ang pangalan ng mga kalahok.

Lalong naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga lalaki ng bigla na lang silang naghubad ay swimsuit na lang ang suot nila kaya kitang kita ang hubog ng katawan nila. Sexy din pala tong si Freya, Dorothea at Nikky. Hindi na masama pero mas sexy parin ako, tskk.

Pagkatapos nilang maghubad ay agad silang pumasok sa bilog na tubig. Makakahinga sila roon dahil sa kapangyarihan ng Senior. "Let's the battle begin!" Sigaw ni tanda. Nagpakiramdaman muna silang anim. Hanggang sa nagsimula na silang maglaban laban.

Ang unang nakaharap ni Dorothea ay mula sa section Heaven. Ang tanda ko ang pangalan niya ay Lia. Medyo mataba siya pero makinis naman ang balat. Gumawa ng malaking ipo ipo si Dorothea kaya isa isa silang nagkanda hulog hulog. Si Dorothea lang kase ang tubig ang kapangyarihan. Naningkit ang mata ko ng pasabogin ni Freya ang ipo ipo na ginawa ni Dorothea kaya siya lang ang nakaligtas sa ipo ipong yun.

Bumagsak naman sa sahig ang mga natanggal sa tubig isa na roon si Nikky. Poor her hahaha! Tinuon ko muli ang tingin kila Dorothea. Ngayon ay nagsasamaan na silang dalawa ng tingin. "Not bad! Pero hindi mo ako basta basta mapapahulog rito, bitch." Rinig kong sabi ni Freya.

Oo rinig na rinig ko, Hindi ko alam kong bakit nitong nakaraang araw ay lalong lumakas ang pandinig ko. Nong naglalakad nga ako sa hallway ay bigla na lang akong nakarinig ng malakas na utot pero wala namang tao sa paligid hanggang sa nakarating ako sa garden. May isang studyante roon na nakatambay mag isa niya lang. Nung una akala ko hindi siya pero bigla ko na naman narinig na umutot dahil nga sa malapit ako sa kaniya at malakas iyon kaya nakunpirma kong siya nga.

Hindi ko naman kilala kong sino ang studyante na yon kaya iniwan ko na lang. "Talaga lang! Sabagay dito nga pala yung lungga mo, babaeng isda katulad ni Lyra. Friends kayo diba? Bakit hindi mo siya kasama rito." Napatawa ako ng mahina ng marinig ko ang sinabi ni Dorothea.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon