CHAPTER 16

632 30 2
                                    

Nalia/Shivani

"Ang susunod naman na laban ay labanan sa pagitan ng mga Leader ng bawat section. Kaya ano pang hinihintay natin tatawagin ko na ang Leader ng Section Sunrise at Section Golden!!" Sigaw ni tanda kaya naghiyawan naman ang mga tao. Ako na pala ang lalaban, sakto tapos na rin akong kumain. Natigilan naman ako ng maalalang wala pala akong dalang tubig.

"Leader, oh!" Napatingin naman ako kay Perseus ng inabot niya sakin yung isang tumbler.

"Thank you." Aniya ko at kinuha ito bago inomin, nagsisimula na rin ang laban sa pagitan ng Golden at Sunrise. Dalawang babae ang naglalaban isa na roon si Lyra. Hindi ko na lang pinanood ang laban nila dahil ang boring.

Naghihinayang ako! Dahil hindi ko pala makakalaban ang babaeng isda 1.0. Limang minuto ang binigay ni sa bawat labanan kaya agad na lumipas ang limang minuto at ang babaeng isda 1.0 ang nanalo.

"The winner is Leader of Section Sunrise!!"

"Now ang susunod na maglalaban ay ang leader ng Section Heaven at Section Ocean!" Napatingin ako sa dereksyon ng Section Heaven at nakita ko yung lalaking nakangisi sakin. Agad na rin siyang naglakad papunta sa gitna ng field.

Dahil tinatamad akong maglakad ay tinalon ko na lang ang viranda kaya mabilis akong nakarating sa gitna ng field. Napakrus-arms na lang ako dahil sa tagal niyang makalapit.

"Hi yow!! Miss Beautiful." Nakangiting sabi niya ng makalapit siya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Magkalahi ba sila ni Hayes? Naririnig ko sa kaniya ang boses ni Hayes.

"Go leader!!!" Rinig kong sigaw ng mga kasection ko.

"Sungit mo naman, ganiyan ang gusto ko sa mga babae pa hard to get, kaya nga gusto na kita unang kita ko pa lang sayo eh. By the way I'm Joseph Night." Nakangiting sabi na naman niya.

"Alam mo, Gabi! Hindi kita gusto! Tsaka hindi ako pumapatol sa mga katulad mo." Bagot na sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas.

"Ang sakit naman non! Sige ganto na lang ha. Kapag nanalo ako papayag kang makipag date sakin ng isang linggo kapag nanalo ka gawin mo na lahat ng gusto mo sakin, deal?" Napangisi naman ako sa sinabi niya, mukhang maganda ang alok niya.

"Payag kabang putulin ko ang mga buto mo sa katawan?" Nakangising sabi ko, napalunok naman siya pero agad rin na ngumisi kahit na pilit.

"S-sige ba, ako naman ang mananalo." Aniya niya kaya lalo akong napangisi.

"Let's the battle begin!!" Sigaw ni tanda kaya agad na sumugod sakin ng suntok si Gabi inilagan at sinalang ko naman lahat ng suntok niya. Pero nagtaka ako ng napangisi ito bago lumayo sakin. Pinaningkitan ko ito ng mata, may naaamoy akong kakaiba.

"Wala ka ng kawala pa!" Nakangising sabi niya. Umayos naman ako ng tayo at taas noo siyang hinarap.

"Tap-arghhhhhhh." Natigilan ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong bagay na tumama sa likod ko at sumabog iyon. Napaubo ako ng dugo.

"Tingin sa taas!" Aniya na naman kaya agad akong napatingin sa taas. Tumalon ako palayo ng bigla na lang may bolang tubig na papunta sakin. Akala ko naiwasan ko na pero muli na naman akong napasigaw ng tumama ito sa may tiyan ko.

Tumilapon ako sa di kalayuan at magpagulong gulong. Nang matigil ako sa paggulong ay dahan dahan akong tumayo. Naiwasan ko naman yon kanina pero bakit umiba ito ng dereksyon. Parang kapangyarihan lang ni Babaeng isda 2.0

Naamoy ko naman yung dugo sa bibig ko kaya kuha sa naman na tumunog ang leeg ko ng dalawang besis. Ito na naman!

"Leader!!" Sigaw ng mga kasama ko ng sunod sunod akong pinatamaan ni Gabi ng bolang tubig. Ni isa wala akong naiwasan dahil sumusunod ito sa dereksyon ko. Hanggang sa tumilapon na naman ako sa malayo pero this time ay tumama ako sa pader.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon