CHAPTER 12

624 38 1
                                    

Nalia/Shivani

Natapos na rin yung unang battle, nakaipon naman kami ng 6,021. Hindi na rin siguro masama tong naipon naming points. Nakabalik na kami sa kaniya kaniya naming dorm at gabi na rin.

Bukas na lang raw ulit ang susunod na battle sabi ni Headmaster. Hindi niya rin inannounce kung sino ang mas matataas na points. Dahil ang sabi niya ay sa huling battle na lang raw sasabihin.

Nasa habang kainan kami nila Dorothea at Tierra. Naninibago rin ako dahil ang tahimik nilang dalawa. Ramdam na ramdam ko na pasulyap sulyap sila sakin. Parang may gusto silang sabihin na di nila magawang sabihin.

"Speak." Malamig na sabi ko habang kumakain parin. Napansin kong saglit na natigilan yung dalawa at umayos pa ng upo. "Ahmm nakakaalala kana ba?" Alinlangan na tanong ni Dorothea. Tinapunan ko naman sila ng malamig na tingin na ikina lunok nila.

"No." Sagot ko at saktong tapos na akong kumain. Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko para makapagpahinga na rin. "Ikaw ba talaga si Shivani? Pakiramdam ko kase hindi ikaw siya." Tumayo si Tierra at humarang sa dinaraanan ko. Tinignan ko siya sa mata.

"Maybe or maybe not." Blangkong sagot ko at nilagpasan ko siya. Naglakad na ako papasok sa kwarto. Pagkarating ko ay agad akong ginagawa ang mga dapat gawin bago maligo.

Pagkalabas ko ng banyo ay napatingin naman ako sa bintana na ngayon ay bukas na. Teka, sinara ko yun kanina bago ako naligo. Lalapitan ko sana ng napatigil ako dahil sa amoy. Familiar yung amoy, saan ko nga ba naamoy to? Napapikit na lang ako at nilanghap ang mabango nitong amoy.

Nilapitan ko na ng tuluyan yung bintana. Isasara ko na sana ulit ng may makita akong bracelet. Nagtataka ko itong kinuha. Napatingin naman ako sa nakaukit na pangalan.

Lax

Nakakunot noo akong tinignan ang labas ng bintana miski na sa baba pero wala man lang akong maaninang na tao. Napagpasiyahan ko na lang na isara na ang bintana. Sinuot ko na rin ang bracelet pero napaawang ang bibig ko ng saglit itong umilaw pagkasuot ko. Akin na lang tong bracelet total maganda naman tsaka bagay sakin. Napailing na lang ako at nahiga na sa kama para matulog.

•••••

Pinapasok ulit kami ni Tanda sa isang gubat. Hindi na ito yung gubat na nauna naming pinuntahan. Ang sabi ni Tanda ay kailangan raw naming makahanap ng gintong singsing. Nilagay raw nila yun sa buong kagubatan.

Maglalagi lang kami rito ng buong hapon. Kapag daw lumubog na ang araw kapag wala kapang nakuhang singsing ay talo na. Isang singsing lang rin ang kukunin ng bawat section.

"Ang hirap naman nito." Reklamo ni Alana. Kanina pa kase kami palakad lakad pero wala pa kaming nahahanap. "Kaya nga eh, akalain mo yun kailangan nating maghanap ng napakaliit na bagay sa buong gubat na to. Ano ba namang tong naisip ng mga Senior." Reklamo rin ni Perseus.

"Sinabi mo pa! Kung sino talagang nakaisip nito sana madapa ngayon." Pabirong sabi ni Mico habang may subo subong chicken na baon niya. Matakaw kase ang isang yan.

"Kaisa magreklamo kayo, maghanap na lang tayo." Malamig naman na sabi ni Zachary. Tahimik lang siyang lalaki pero minsan naman ay nakikisabay sa mga kaklase namin.

"May mas since pa ang sinabi ni Zack." Aniya naman ni Ailene. Napailing na lang ako at hinayaan silang nagkwentohan. Habang naglalakad kami ay nakaramdam kami ng di gaanong kalakas na pagyanig pero sapat na para maramdaman namin.

"Yumanig diba?" Tanong ni Dorothea tumango naman si Chester dahil ito ang katabi niya. Pinakiramdaman naman naming ang paligid. Bigla na lang may kumaluskus sa harapan namin kaya napatingin kami rito.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon