Nalia/Shivani
GABI na pero andito parin kami ngayon sa himpapawid. Hindi ko alam na malayo layo pala ang Fallenvale Pack. Mag isa ako sa isang kwarto na andito sa cabin. Nakabalik na din ako sa katawan ni Shivani. Muntik ko ng sinipa paalis si Danica dito Kristina dahil mas malala pa ang napuntahan kong katawan.
Nung una ay hindi nag tagumpay na ibalik kaming lahat ni Danica sa dati naming katawan. Napunta lang naman ako sa pisteng katawan ni Karlo na kahit minsan hindi ko pinangarap maging lalaki. Bwesit na bwesit ako kanina halos sakalin ko na lahat ng nakapalibot sakin.
Pero kalaunan ay nabalik rin kami sa dati. Hindi ko alam kong pano yun ginawa ni Danica dahil hindi ko na inalam pa.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil kanina pako hindi makatulog kahit na kanina lang ay inaantok ako ng sobra dahil wala akong tulog pero ngayon gising na gising ang duwa ko. Hindi ko naman alam kong bakit. Napagpasiyahan ko na lang na lumabas sa cabin at tumambay muna sa labas.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tahimik na pasilyo ang bumungad sakin. Nagsimula na akong maglakad at hindi lumikha ng kahit na anong ingay. Mahirap na baka may bomulabog na naman sa tahimik kong buhay.
Pagkalabas ko ng cabin ay wala akong nadatnan na kahit na sino dito sa labas. Ako na lang siguro ang gising maliban sa taong nag papaandar ng Kristina. Naglakad ako hanggang sa makarating sa pinaka dulo ng Kristina. Humawak ako sa kahoy na nagsisilbing harang para hindi mahulog sa baba.
San ba patungo tong buhay ko?
Ano bang dahilan ng pagpunta ko rito?
Mission ko bang patayin ang alpha?
Pero ayoko naman gawin yon. Maraming tanong ang bumabagabag sakin pero kahit ni isa wala akong nakuhang sagot. Parang ayoko na rin umalis sa mundong to kahit pa miss na miss kuna sila Karen. Napalapit na ang puso ko sa mundong to na sana hindi dapat nangyare.
Ano bang dapat kong gawin?
*just go with the flow, nalia*
Napalinga linga ako ng makarinig ako ng babaeng boses pero wala akong makita na tao man lang. Sino yon? Kaluluwa ba o guni guni ko lang? Pero familiar yung boses niya san ko nga ba narinig?
*Ouch, ilang buwan lang ang lumipas nakalimutan mo nako*
Nang makilala ko ang nakakiritang boses na yon ay parang nawalan ako ng buhay.
"Walang hiya kang babae ka, ngayon ka lang nagparamdam sakin." Inis na sabi ko sa kawalan. Kung may makakakita lang sakin malamang napagkamalan na akong baliw.
*Sorry, nag bakasyon kase kami ng boyfriend ko.* Aniya ni Tori.
"Wow, may boyfriend kana? Hoy ginayuma mo ba yan? Nakakapagtaka naman kase may pumatol sa katulad mo." Sarcastic na sabi ko.
*Hmp sama mo talaga, nalia. Sa ganda kong to malamang may papatol sakin. Ikaw wala kabang boyfriend?* Muling sabi niya, bakit ba hindi siya nagpapakita sakin? Nag mumukha tuloy akong tanga.
"San banda? wala akong balak."
*Wala lang may gusto sayo eh* Rinig ko naman ang nakakairitang tawa niya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...