Danica
"THEA, Bakit wala parin hanggang ngayon si Leader?" Rinig kong tanong ni Perseus, kahit ako ay nagtataka rin kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siya rito sa classroom. Alam ko naman na laging late yon pero iba naman ata ngayon. Tapos na ang first lecture ni Senior Cris umalis lang ito dahil may meeting raw lahat ng Senior.
"Hindi ko rin alam, nung gigisingin ko siya kanina sa kwarto niya ay wala akong nadatnan." Sagot ni Thea. Asan naman kaya nagpunta si Leader? Baka naman nauna ng pumasok pero tumambay muna siya sa kung saan.
"Guys! may bagong transferre!" Napatingin kaming lahat ng bigla na lang dumating si Ailene. Transferre? Kailan pa tumatanggap sila Hm ng transferre?
"Pano mo naman nalaman yan?" Tanong ni Mico habang may kinakain itong sandwich. Kahit kailan apaka patay gutom niya. Kahit saan siya magpunta ay laging siyang kumakain.
"Edi san pa! sa mga chismosang studyante." Nakangiting timang na sabi ni Ailene.
"Katulad mo." Singit ni Niel habang nakahalumbaba ito.
"Anong katulad ko?! Hindi ako chismosa no." Dipensa ni Ailene. Napatingin naman ako kay Chester na nakadukdok sa lamesa ng upoan niya.
Alam kong tulog ito dahil yan lang naman ang lagi niyang ginagawa sa classe ang matulog. Kahit na ilang besis na siyang sinusuway ni Senior Cris.
"Haysss, Ang tagal naman ni Senior Cris. Ano bang pinagmemeetingan nila?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi niya. Gustong gusto niya talaga si Senior Cris kahit na alam niyang bawal yon.
"Ano ba! Sinabi ko ng layuan muko diba!! Wag na wag kana rin lalapit sakin!" Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Alana ng sumigaw ito.
"Ano bang problema mo?! May itatanong lang sana ako sayo! Bakit galit na galit ka?" Inis naman na sabi ni Layce. Ano bang problema nilang dalawa?
"Sa iba kana lang magtanong! Wag sakin!" Galit na sigaw ni Alana. Ilang araw na namin na papansin ang pagiging mainitin ng ulo ni Alana. Lalapit lang kami sa kaniya ay bigla na lang siyang aalis o kaya naman sisigawan kaming huwag lumapit sa kaniya. Nagtataka na kami sa kinikilos niya.
"Hindi! Tapatin mo nga kami, Alana. May problema kaba samin? Bakit ka galit na galit?" Mataray na sabat ni Karolina at lumapit pa ito sa dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Tierra at lumapit na din sa tatlo. Baka kung saan pa mauwi ang away nilang tatlo.
"Wala kana don! Wag niyo na lang akong lalapitan pa." Inis na sabi ni Alana at tumalikod para umalis. "Hindi eh! Sumusubra kana. Wala naman kaming ginawa na kinagagalit mo!" Inis na sabi ni Karolina at hinigit ang braso ni Alana paharap samin. Lumapit na din ang iba pa.
"Teka lang guys! Huminahon naman kayo. Pwede naman natin tong pagusapan ng maayos." Nag aalalang sabi ni Darcey. "Tumigil na kayong tatlo. Bago pa kayo maabutan ni Leader." Kalmadong sabi ni Zach. Kahit na may nag aaway na ay mahimbing parin na natutulog si Chester.
"No! Gusto ko lang naman malaman kong bakit nag kakaganiyan ka, Alana? Ano bang problema mo ha? Tapatin mo nga kami. Ano bang nangyayare sayo?" Kunot noong sabi ni Karolina. Umiwas lang samin ng tingin si Alana. "Wala na kayo don, problema ko to at hindi niyo na kailangan pang malaman." Aniya ni Alana.
"Kaibigan mo kami kaya pwede mo naman sigurong sabihin samin, nag aalala din kami sayo." Sabat ko at hinawakan siya sa kamay. Saglit siyang tumingin sakin pero umiwas din. "Ayoko at hindi ko kayo kaibigan!!" Galit na sigaw niya at tinabig ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...