CHAPTER 19

570 34 3
                                    

Nalia/Shivani

Halos mag iisang oras na kami ni Kallias nagpapalitan ng suntok at sipa. Hindi kami gumagamit ng kapangyarihan hindi ko din alam kong bakit. Bigla bigla na lang kaseng sumusugod ang bugok na to eh.

Hayes Kimura vs Perseus Velasquez

Hayes Kimura wins.

Section Waves- get 20 points

Natalo na naman pala si Perseus pero ayos lang yon. Kaya ko naman ipanalo tong laban nato. Hindi naman naiwasan ni Kallias yung binigay kong sundok kaya medyo napalayo siya sakin.

Agad niya namang pinunasan ang gilid ng labi niya dahil pumutok ito. Puro bugbog na ang mukha niya kagaya ko pero mas lamang ang kaniya.

"Kaya paba, Mr. Tender juicy hotdog?" Nakangising tanong ko. Tinignan niya lang naman ako ng malamig. Kaya lalong lumawak ang pagkakangisi ko.

"Yes, Miss Amazonian." Sagot niya at umayos mg tayo. Kaming dalawa na lang ngayon ang naglalaban. Dahil natapos na yong laban kanina nila, Zachary, Dorothea, Tierra at Karolina. Silang apat ang nanalo pero nong nakaharap na nila si Kaiser ay natalo silang lahat.

Natalo na rin yung iba pa kaya kami na lang ang hindi pa tapos sa laban. Bigla naman nawala ang pagkakangisi ko ng may bumalot ulit na asul na kidlat sa katawan niya.

"Gagamit naba tayo ng powers?" Nakangising tanong ko. Ngumisi rin siya sakin.

Nagpalabas naman ako ng dalawang katana sa katawan ko pero hindi lang katana ang lumabas. Napalitan rin ang suot ko. Nakasuot ako na parang tube na kulay puti. Tapos sa pans naman ay kulay itim na hindi fitted wala rin akong suot na sapin sa paa.

Nakatali rin ang buhok ko ng mataas kaya bags lang ang naiwan. Aniyare? Katana lang naman ang nilabas ko a? Bakit nag changed outfit ako? Pero ok na rin bagay na bagay naman sakin. Labas puson.

Tumingin naman ako sa kaniya at nakita ko itong titig na titig sakin. Lalaki nga naman hindi maiwasan tskk?

"Paglalaban ba tayo o pagnanasahan mo lang ako magdamag?" Nakangising sabi ko, mukha naman siyang natauhan at sinamaan ako ng tingin.

"I'm not, hindi kita pinagnanasahan tinitignan ko lang yang bilbil mo." Masungit na sabi niya, wala naman akong bilbil a. Ang flat flat kaya ng tiyan ko, para ngang wala akong pinasok kanina na pagkain eh.

"Epal ka! Wala akong bilbil no." Mataray na sabi ko, gumuhit naman ang ngisi niya sa labi. Naalerto naman ako ng bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Wow! Bilis niya hindi ko nalaman ang galaw niyang yon.

Naramdaman ko naman na may paparating sa likuran ko kaya agad akong lumingon sabay salag sa sundok niya gamit ang isang katana. Mukha naman siyang nagulat kaya ginawa kong pagkakataon yon para sipain ng malakas ang tiyan niya.

Napalayo naman siya sakin. Ako naman ang sumugod ng mabilis. Sasaksakin ko na sana siya ng bigla na lang siyang nawala. Dahil sa bilis ay hindi ko namalayan na asa likod ko na pala siya kaya nasipa niya ako palayo. Tumama naman ako sa pader ng usang bahay.

Tangina nauna yong mukha ko! Agad naman ako nakabawi at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi lang ito sakin. Pinaglaho ko naman ang katana at sumugod sa kaniya bago pinalabas ang she-wolf ko. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko kaya hindi niya ako naiwasan.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon