Nalia/Shivani
Ilang araw na ang nakakalipas simula nong mapunta ako sa mundong to. Sa bawat araw na lumipas kahit papano ay naging matiwasay ang araw ko. Hindi ko na kase nakakaharap yung mga bugok na yon. Saka lang nasisira yung araw ko sa isip batang kasama ko rito sa dorm.
Walang pasok ngayon dahil sabado. Parang sa dating mundo ko lang. Andito ako ngayon sa sala nanonood ng putanginang wonder pets. Bagot na bagot na ako sa kakanood. Kasama ko yung dalawa rito na tutok na tutok sa pinapanood nilang wonder pets.
Sa lapag pa nga sila umupo sa mismong harap pa ng tv. Naalala ko pa nga yong nangyare kanina. Pagkaopen ko kase kanina ng tv ay wonder pets agad ang bumungad. Ililipat ko na sana kaso lang nakarinig ako ng malakas na kalabog sa taas.
Pagkatingin ko sa hagdan ay nakita ko yung dalawang nagunahang makababa ng hagdan. Binabanggit rin nila ng paulit ulit ang salitang wonder pets. Bago sila tuluyang makababa ay sabay silang nahulog sa hagdan kaya ang ending ay gumulong gulong sila.
Pagkabawi nila ay agad silang naupo sa harapan ng tv. Hanggang ngayon ay tutok na tutok parin sila. Apaka isip bata naman jusko. Napabuntong hininga na lang ako sa ugaling meron ang dalawa. Tumayo ako at nagtungo sa kusina dahil nagugutom ako.
Pagkarating ko sa kusina ay wala akong nadatnan na kahit anong pagkain. Naghalungkat naman ako ng pwedeng lutuin ako na lang ang magluluto total wala namang balak yung dalawa na magluto. Nakapajama ako ngayon ng terno, kulay pink at may design na mga pusa. Nakasuot rin ako ng malambot na tsinelas ang design rin ay mga pusa. Nagsuot ako ng apron na kulay pink ang design naman ay aso. Nagsuot na rin ako ng headband sa ulo para hindi maging sagabal ang buhok ko sa pagluluto. Nakakita naman ako ng isang buong manok kaya kinuha ko na ito para gawing adobo.
Pagkahiwa ko ng manok ay agad ko itong niluto. Naghanap ako ng tuyo ang kaso lang ay wala akong mahanap. Napagpasiyahan ko naman na bumili na lang sa labas pero medyo malayo ay pamilihan pero no choice. Pinatay ko muna ang kalan bago naglakad palabas ng dorm. Nadaan ko payong dalawa na tutok na tutok parin sa tv napailing na lang ako.
Paglabas ko ng dorm ay agad akong naglakad paalis. Marami akong nadadaan na mga tao na pinagtitinginan ako. Naririnig ko naman na nagbubulong bulungan Sila.
"Grabe ang cute ni Shivani sa suot niya*
"Ang cute niya*
"Shit! Si Shivani ba Yan*
Marami pa akong naririnig na sinasabi nila pero pariparihas lang naman. Mga studyante rin ang mga nakakasalubong ko. Bigla naman akong napatingin sa hawak ko. Napatampal na lang ako ng noo ng makita kong hawak hawak ko parin yung sandok. Dibale wala naman silang pake alam kong ano ang hawak ko.
Pinagtaluloy ko na lang ang paglalakad. Taas noo akong naglalakad kahit na pinagtitinginan nako ng mga tao. Wala naman akong pake sa sasabihin nila ehh. Bago ka pala makarating sa pamilihan ay kailangan mo munang lumabas sa isang malaking gate. Kaya pala puro student ang nakikita ko kanina kase bawal pa lang pumasok ang hindi nag aaral rito. Pagkarating ko sa pamilihan ay pinagtitinginan parin ako kahit na ang mga matatanda. Napapansin ko rin yung mga lalaki na nakangangang nakatingin sakin.
May pumasok sanang langaw sa bibig nila, tsk. Huminto naman ako sa pinakaunang nagtitinda. "Ali may tuyo kayo!" Malamig na tanong ko, natulala naman siya sakin. "A-ah wala iha." Nauutal na sabi niya kaya umalis na ako. Sinunod ko naman yung pangalawang tindahan pero wala parin.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...