CHAPTER 25

522 34 1
                                    

Nalia/Shivani

NAGLALAKAD ulit kami ngayon dahil pagkatapos naming magpahinga ay sinimulan na namin ulit ang paglalakbay. Sinuot ko naman yung hoodie ng kapa na bigay ni headmaster dahil bigla na lang akong nilamig kanina. Nakakapagtaka dahil ako lang ang nilamig sa aming lahat.

Tinatong ko kase kanina sila Dorothea kung nilalamig sila pero hindi naman daw. Nasa isang gubat ulit kami pero hindi katulad kanina na madilim. Pumapasok ang sinag ng araw kahit na matataas ang mga puno.

"Ayos ka lang ba, Shi?" Nag aalalang tanong ni Dorothea dahil siya ang katabi ko sa paglalakad. "Yeah, nilalamig lang ako." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila. Napatingin naman silang lahat sakin.

"Nilalamig ka? Pinagpapawisan na nga ako sa init ng araw." Takang sabi naman ni Isaac. Inirapan ko siya at humalukipkip. "Magkaiba tayo ng katawan." Malamig na sabi ko.

"Kaya ka naman pala nilalamig, my loves. Kase anlamig lamig ng boses mo." Sabi ni Hayes at humalakhak. Sumabay naman sa kaniya si Perseus na parang bintang binta sa kaniya yung joke ni Hayes.

"Oo kaseng lamig ng bangkay mo mamaya sa oras na gilitan ko yang leeg mo." Malamig na sabi ko, napaubo ubo naman silang dalawa at tumigil na sa pagtawa.

"Magpahinga muna kaya tayo." Sabi ni Serenity kaya sumangayon naman ang lahat sa kaniya. "No, ayos lang naman ako." Sabi ko at naunang naglakad. Kailangan ko ng makahanap ng impormasiyon. Naramdaman ko naman na sumunod sila sakin.

Habang naglalakad kami ay bigla na lang naging mahamog ang dinaraanan namin. "Bakit bigla na lang naging mahamog ang paligid?" Rinig kong sabi ni Alana. Parang may kakaiba sa mga hamog. Lalo rin itong kumakapal sa bawat paghakbang namin.

Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayare. Napatigil naman ako sa paglalakad ng bigla na lang may humawak sa balikat ko. "Ahm ano Shi, hindi ko na sila makita." Napalingon ako sa likuran ko at bumungad sakin si Karlo na mukhang natatakot na.

Napatingin naman ako sa paligid at lalong kumapal ang mga hamog halos wala na akong makitang mga dahon at puno. Hindi ko na din makita yung mga kasama ko maliban lang kay Karlo na nakahawak na ngayon sa braso ko.

"Natatakot ako, wag kang aalis sa paningin ko, Shivani. Pagtitiisan na lang kitang pakisamahan kahit na nakakatakot ka pero mas lalo akong natatakot sa mga nakatago sa makapal na hamog na to." napataas ako ng kilay sa mga sinasabi niya.

"Eh kung iwanan kaya kita rito." Malamig na sabi ko mabilis naman siyang napailing iling.

"He he he, joke lang. Bait bait mo nga ehh sa bait mo pwede ka ng kunin ng mga diyosa." Nakangiwing sabi niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin na ikinatikom ng bibig niya.

Nabalik yung tingin ko sa paligid at hamog na lang talaga ang nakikita ko. "Shivani." Tawag sakin ni Karlo kaya napatingin ako sa kaniya. "Parang may paparating." Mahinang sabi niya habang nakatingin sa paligid at lalo rin humigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko.

Pinakiramdaman ko rin ang paligid ko at tama nga siya may nararamdaman akong papalapit. Halimaw ba yon? O isa sa mga angkan rito? Nagkatinginan naman kami ni Karlo ng makaamoy kami ng mabangon amoy pero bigla na lang kaming nahilo.

Napahawak ako sa uluhan ko ng sumakit rin ito. Lalo rin lumamig ang pakiramdam ko. Ilang sandali lang ay sabay kaming bumagsak ni Karlo sa lupa at nilamon na ng dilim.

•••••

"CUTIE Monster, wake up." Napakunot noo ako dahil sa yumuyug-yog sa balikat ko. Ang tigas rin ng bagay na kinahihigaan ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko at bumungad sakin si Karlo na subrang lapit ng mukha niya na kulang na lang magkapalit na kami ng mukha.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon