CHAPTER 8

617 35 7
                                    

Nalia/Shivani

Pagkarating namin sa training ground ay
bumungad samin ang sandamakmak na studyante na nag iinsayo. Kahit na marami ng studyante ay malawak parin ang lugar. Open field to kumbaga.

"Saan tayo pwepwesto niyan?" Takang tanong ko. "Meron nakong nakita pero kuha muna tayo ng weapon!" Aniya naman ni Tierra at naglakad sumunod si Dorothea kaya sumunod na rin ako hindi ko naman kase alam kong saan ako pupunta.

Habang naglalakad kami ay napapatingin sakin yung mga studyante na madadaanan ko. Tumitigil sila sa pag eensayo para lang tignan ako? Ganda ko talaga pang dyosa! Nakailang lakad pa kami bago pumasok sa isang pintoan.

Pagkapasok namin ay napanganga ako dahil sa dami ng patalim ang nakikita ko! "Wow!" Aniya ko halos mangningning na yung mata ko sa dami. Naglakad naman ako at isa isang tinignan yung mga patalim. Napansin ko naman na agad na kumuha si Tierra ng espada. Habang si Dorothea naman ay isang Balangis. Ang balangis ay parang isang kahoy yung weapon ni danaya sa engcantadia.

May nakaagaw naman ng pansin ko kaya ikuha ko ito at tinignan. Para siyang normal na bagay lang may butas sa gitna. Maganda naman yung design pero hindi ko alam kong anong meron rito. "Hoy! Ano to?" Tanong ko sa dalawa at pinakita sa kanila ang hawak ko.

"Ah yan ba, yan ay lasso. Ang lasso ay parang latigo kung titignan mo ay parang normal na bagay lang pero pag winaksi mo ay may lalabas na latigo." Paliwanag na sabi ni Tierra. Muli naman akong napatingin sa hawak ko at winaksi ito.

Napatalon naman kaming tatlo ng may lumabas ditong latigo at natamaan yung ibang weapon kaya nagkanda hulog hulog. Limikha rin yun ng malakas na tunog. "Shivani!" Gulat na sigaw ni Dorothea. Napakibit balikat na lang ako. Hindi ko naman sinadya. Ito na lang kukunin ko!

"Tara na." Sabi ko ay nilagay sa bandang likod ko yung lasso. Hindi ito makikita dahil sa suot kong jacket. Naglakad naman kami palabas. Pagkalabas namin ay napatigil kami ng nakatingin samin yung mga studyante na malapit lang.

Napataas naman ako ng kilay kaya nagsiiwas sila ng tingin. "Ikaw kase, Shivani. Bakit mo kase winaksi." Paninisi sakin ni Tierra. Inirapan ko naman siya. "Malay ko bang tatama pala. Hindi ko ngarin alam na malaki palang latigo ang lalabas, tsk." Masungit na sabi ko.

"Tara na nga." Aya naman ni Dorothea kaya nagsimula na ulit kaming maglakad. As usual habang dumadaan kami tumitingin sila sakin. Hindi ko alam kung nagagandahan ba sila o kaya naman jinajugde na buong pagkatao ko.

Nakailang lakad pa kami bago kami nakarating sa isang malaking puno hindi masiyadong matao rito kaya pwedeng pwedeng gumagawa ng gyera. "Shivani! Halika na tulungan kana naming mag ensayo." Nakangiting sabi ni Tierra, tinuro ko naman yung sarili ko.

"Oo! May iba pabang nagmamayare ng pangalang Shivani?" Sarcastic na sabi ni Dorothea pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya agad siyang napatikom ng bibig. "Hindi na kailangan, I know how to fight." Sabi ko at naglakad palapit sa puno bago naupo sa sanga nito.

"We! Hindi ka kaya marunong lumaban" Aniya naman ni Tierra. "Yeah! Don't mind me." Sabi ko kahit na mukhang hindi sila naniniwala ay hinayaan na lang ako. Matutulog na lang ako kaysa magensayo.

Pinanood ko naman silang maglabanan, medyo magaling silang humawak ng mga napili nilang sandata. "Bakit hindi ka tinuturuan ng mga walang kwenta mong kaibigan? Napagod naba sila sa kakaturo sayo? Hirap na hirap na siguro sila." Napatingin naman ako sa uud na dumating. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Nagsama pa siya ng dalawang linta.

"Eh ikaw? Bakit ka andito? Wala kana bang magawa sa buhay mo? Pwede ka ng magpakamatay." Malamig na sabi ko. Mukha naman siyang nagalit kaya sinamaan ako ng tingin.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon