Nalia/Shivani
Lunes na naman, nakakaumay na pumasok. Bagot na bagot na ako sa bawat araw na lumilipas. Kung asa mundo lang sana ako ng mga tao edi araw araw din akong nakikipagbasag ulo. Samantalang dito masyadong payapa. Ang boring!
Naglalakad ako magisa ngayon sa hallway dahil nagpahuli na naman ako sa klase. Ganto naman araw araw lagi akong nahuhuli. Lagi rin akong pinapatayo ni Cris sa may tabi ng pinto dahil daw sa late ako. Hindi naman yun kaso sakin.
"Your late again." Halos mapatalon naman ako sa gulat ng bigla na lang may nagsalita sa gilid ko. Pagkalingon ko ay napabusangot na lang ako dahil sa nakita ko na naman ang pagmumukha ng lalaking to.
"Ano naman sayo? Nagsalita ang hindi late" Malamig na tanong ko, sinasabayan niya lang bawat lakad ko. "Gustong gusto mo talagang tumatayo sa gilid ng pinto." Nakakunot noong sabi niya, ano naman sa kaniya?
"Pake mo ba, ano bang kailangan mo sakin Mr. Mushroom?" Sarcastic na sabi ko, napatingin naman siya sakin dahil sa tinawag mo sa kaniya, kabute kase sulpot siya ng sulpot kong saan saan.
"Kaiser is my name not that fucking Mushroom." Masungit na sabi niya at inirapan pako. Wow! Sungit ng lalaking to may dalaw rin ba siya? Kung makairap akala mo kinagwapo niya.
"I know! I just want to call you like that." Aniya ko rin at lumiko, malapit na pala kami sa classroom namin. "Tskk, Silly woman. Your so very stubborn." Iling iling na sabi niya at parang problemado sa ugali ng anak niya kong kumasta.
"You don't care." Aniya at pumasok na sa loob ng classroom namin. Napatigil ako ng bumungad sakin ang seryosong mukha ni Cris. "Your late again Miss Luther." Seryosong sabi ni Cris agad naman akong tumayo sa gilid ng pintuan. Naka-krus na lang ako ng braso.
"You know what your gonna do ha." Iling iling na sabi ni Cris, inismiran ko na lang siya at umirap sa eri. Pinanlakihan ko naman sina Dorothea dahil nagpipigil sila ng tawa maliban lang kay ailene na nakahalumbaba habang nakatitig kay Cris. Halos mag laway na ang gaga sa kakatitig.
Magsisimula ulit sana si Cris ng may marinig kaming nagsalita sa Speaker na andito sa classroom.
"Good morning, Section Ocean and Waves.
Go to my office now all of the Elfair, prince, princess, and all of the section Ocean, I will wait you here." Rinig namin na sabi ni Headmaster."You my go now." Nakangiting sabi ni Cris kaya naman tumayo na silang lahat. Dahil nga sa malapit ako sa pinto ay ako na ang naunang lumabas.
Pagkalabas ko ay kasabay rin ng pagkalabas ni Kallias kaya nagtama ang mata naming dalawa. Ako na ang unang umiwas at baka bigla na naman akong mamula. Kasalanan niya naman kase! Nauna na rin akong naglakad. Ramdam ko naman na sumunod sila sakin.
"Good morning sa inyo." Rinig kong sabi ni Nikky. Bumati rin naman sila Dorothea. "Ano kayang kailangan satin nila ni headmaster at pinatawag tayo?" Takang tanong ni Lacey.
"Baka naman may mission tayong lahat! Oh my god I'm so excited." Halata nga Alana. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko dahil naiirita ako sa kaingayan nila. Wala na silang ibang ginawa kundi ang dumada. Tskk.
Ilang sandali lang ay agad akong nakarating sa tapat ng pinto ni tanda. Hindi na ako kumatok at agad na itong binuksan. "Ay tikbalang!" Aniya ni tanda at naihagis ang mga papel na hawak niya. Napalakas ata ang pagbukas ko ng pinto.
"Ano kaba naman! Miss Luther! Hindi ba uso sayo ang kumatok man lang ng pinto." Gulat na gulat na sabi niya, napakibit balikat na lang ako at naglakad palapit sa upuan sa tabi ng mesa niya. Pagkaupo ko ay kasabay ng pagdating nila.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...