CHAPTER 27

453 26 1
                                    

THIRD PERSON

Mundo ng Arendelle

LIMANG hari ng kabilang mundo ang nagtitipon sa isang kwarto. Pare-parehas silang walang imik at kalmado lang kahit pa naramdaman nilang may pumasok na ibang nilalang sa mundo nila. Kahit na asa palasyo lang sila ay mararamdaman agad nilang may pumasok na ibang nilalang sa mundo nila.

Mararamdaman nila ito dahil sa kakaiba nilang presensiya. Alam nila agad kong taga rito kaba talaga o hindi. Malaking kasalanan ang pagpasok sa mundo nila kung hindi ka naman talaga taga-roon. Kamatayan agad ang ipapatol sayo sa oras na pumasok ka.

Ayon nga lang may isang matanda ang nakaligtas sa pakiramdam ng limang hari pero nahuli rin ito kamakailan lang. Hindi nila lubos akalain na ilang taon na pala itong naninirahan sa mundo nila ng hindi nila alam. Nadakip nila ito kahapon dahil sa pagpunta nito sa loob ng palasyo.

Asa pihitan na ito ngayon at pinagbabayaran ang ginawa niyang malaking kalabagan sa mundo nila. Nagtitipon sila ngayon dahil kailangan nilang mapakingan ang bawat hinain ng limang hari. Kahit na may nakakataas sa kanila ay hindi sila pwedeng magdesisiyon ng basta basta na lang.

"What should we do? Meron na naman pumasok rito sa mundo natin hindi lang isa kundi marami sila." Seryosong sabi ng hari ng mga phoenix. Nakatingin lang silang apat sa hari ng mga dragon dahil siya ang pinuno sa kanilang lima.

"We need to do something! Hindi pwedeng hindi maparusahan ang mga lapastangan na yon!" Nababahiran ng inis ang boses ng hari ng mga Winged. Sa kanilang lima ay siya ang pinaka mainitin ang ulo.

"Calm down, Indego. Inutusan ko na ang mga kawal ko na hanapin at dakpin ang mga lapastangan." Sabi naman ng hari ng mga Pegasus. Napaismid na lang ang hari ng mga Winged.

"Where's Apollo?" Malamig na tanong ng hari ng mga dragon. Si Apollo ang nakakabatang kapatid ng hari ng dragon. "We don't know, Maybe gumagawa na naman yun ng kalukuhan kung saan." Sagot ng Hari ng Phoenix. Bigla naman naputol ang paguusap nila ng may bigla na lang kumatok sa pinto.

"Mga Kamahalan, pinapabalita ng punong heneral na may nahuli silang dalawang tagalabas!" Sigaw ng kumatok sa may pinto.

"Mga hangal! Bakit dadalawa lang?! Sa rami niyong lahat dalawa lang ang nahuli niyo!" Galit na sigaw ng hari ng Winged.

"Stup up! Indego, let's go." Malamig na sabi ng hari ng dragon bago ito tumayo at naglakad na palabas ng kwarto. Wala ng nagawa pa ang ibang hari kundi ang sumunod sa kaniya. Pagkalabas nila sa kwarto ay bumungad sa kanila ang babaeng tagasilbi ng palasyo. Mabilis naman na yumuko ang babae at ang ibang kawal na asa tabi ng pinto upang mag bigay galang.

"Mga kamahal asa pihitan na po ang mga tagalabas." Nakayukong sabi ng babae. "Ipahanda ang Trial room at dalhin ang mga tagalabas." Malamig na utos ng Hari ng dragon bago ito naglakad paalis. Tinanaw lang siya ng ibang hari bago rin umalis sa harap ng kwartong yun.

Pagkarating ng hari ng mga dragon sa kaniyang kwarto ay agad siyang naupo sa gilid ng kama at binuksan ang maliit na kahon kung saan doon nakatago ang isang bagay na pinakaiingatan niya sa buong buhay niya.

"We will meet soon! My Little One."

••••••

PATUNGO ngayon ang Limang hari sa Trial Room upang bigyang parusa ang mga tagalabas na pumasok sa mundo nila. "Magbigay pugay sa paparating na limang hari!!" Aniya ng babaeng tagapagsilbi pagkapasok nila sa isang malaking pinto. Nagbigay pugay naman agad ang mga kawal at iba pang konseho.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon