Nalia/Shivani
Nakaupo kami ngayon sa isang field. Pabilog ito at malawak rin sa gitna at malawak sa lupa. Nakaupo kami sa upoan na pataas. Hindi ko alam kong bakit pa kami dito umupo dahil malapit na malapit lang samin yung mga ayaw kong makita. Katabi na nga namin eh. Pinapagitnaan ako nina Tierra at Dorothea sa tabi naman ni Teirra ay si Nikky at ang iba pa niyang kasama.
Nakatingin nga sila sakin pero hinayaan ko na lang. Kakaiba lang yung tingin ni Kairos dahil parang pinapatay na niya ako sa tingin niya. Nung makita ko nga yung pagmumukha niya kanina hindi ko naiwasan na hindi tumawa ng malakas.
Puro naman kase pasa buti ako sa gilid lang ng labi. Tumigil lang ako sa kakatawa kanina dahil inaantok na naman ako. Hanggang ngayon nga inaantok parin ako, anytime baka makakatulog na lang ako. Papikit pikit yung mata ko. Iidlip lang ako kahit saglit wala pa naman yung headmaster ehh.
Hinayaan ko na lang yung ulo ko na bumagsak sa balikat ni Dorothea. Hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
•••••
Tierra
Napatingin ako kay Shivani na mahimbing ng natutulog sa balikat ni Dorothea. Ano kayang nangyare sa kaniya at bakit antok na antok? Nag alala kami ng sobra ni Dorothea ng hindi na siya umuwi sa dorm pagkatapos nong nangyare sa raining ground.
Hindi kami tumigil sa paghahanap hindi na nga kami naka pag training ni Dorothea dahil sa kakahanap sa kaniya. Sinabi na rin naman namin ito sa elfair tinulungan nila kami kahit na yung iba ay labag sa loob nila pero hindi parin namin nakita.
Mabuti na lang at nagtungo ako kanina sa kwarto niya at don ko siya nakitang mahimbing ng natutulog. Natawa na lang ako sa naging rason niya. Hindi raw siya nakalabas ng gubat kaya hindi agad siya nakauwi. Alam ko kung saang gubat siya nanggaling sa likod ng university. Yun lang naman ang malapit na gubat rito ehh.
"Saan niyo siya nahanap?" Napatingin naman ako kay Princess Nikky ng tanongin niya ako. "Sa kwarto niya po. Nakita na lang namin siyang mahimbing na natutulog kanina sa kwarto niya." Sagot ko napatingin rin sakin ang ibang kaibigan niya.
"Ganon ba! Saan daw siya nagpunta?" Tanong naman ni Princess Serenity. "Sa gubat daw, Ang sabi niya hindi daw siya nakalabas, naligaw ata." Natatawang sabi ko.
Tumingin ng masama si Kairos kay Shivani na mahimbing na natutulog. Walang kaalam alam si Shivani na sinasamaan na pala siya ng tingin. "Nako! Hindi niya siguro maalala kong paano lumabas sa gubat na yon." Natatawa ring sabi ni Nikky natawa na lang ako.
"Bakit antok na antok ang My loves ko?" Tanong naman ni Prince Hayes at nakatingin sakin. My loves? Natatawa na lang ako ng palihim sa tinatawag niya kay Shivani. "Wala daw siyang tulog dahil sa paghahanap ng daan." Natatawa na namang sagot ko. Natawa rin silang lahat maliban lang kay Kallias, Kaiser, Kaito at Kairos. Buti na lang at nakikisabay sakin ang bunso nilang kapatid na si Karlos.
"Mabuti naman at nakalabas pa siya." Sabi naman ni Karlos kaya tumango ako. Natigilan kami sa pagkwekwento ng bigla na lang sumulpot si Headmaster sa gitna ng field habang may hawak itong mic.
"Good morning fellow Students! And now! Sisimulan na natin ang Ranking Battle!" Naghiyawan naman yung mga studyante dahilan para magising si Shivani. Nakakunot ang noo dito at mukhang nainis sa sigawan nila. Natawa na lang ako ng mahina dahil ang cute niya.
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...