CHAPTER 6

732 39 14
                                    

Serenity

"Did she just say na pangit tayo?" Tulalang tanong ni Hayes. Kahit ako natulala rin sa mga sinabi ni Shivani. Hindi naman siya ganon dati. She respect us all. Lahat ng tao nirerespeto niya. Lalo na kaming mga anak ng pinuno ng angkan.

"Namali ka lang ng dinig ang sabi niya pangit ka." Pabalang naman na sabi ni Isaac. Bigla naman siyang sinuntok ni Hayes sa braso hindi naman masiyadong malakas.

"Gago! Baka ikaw yon! Ikaw lang naman ang pangit satin eh." Aniya rin ni Hayes.

"Gago ka rin! Kong pangit ako mas pangit ka." Ganti ni Isaac. "Kayong dalawa yong pangit." Sabat ni Karlos. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sinasabi kanina ni Shivani. We're close! Hindi ko alam na kaya niya pala akong sagotin ng ganon.

Sa tuwing naguusap nga kami ay para siyang hindi makabasag pinggan dahil sa hinhin niya magsalita pero ngayon nawalan lang siya ng alalala nag bago na. Hindi rin ako makapaniwala na kaya niyang makipag sabayan ng tingin kay Kallias.

Dahil nong wala pa siyang amnesia ay hindi siya makatingin man lang kay Kallias. Takot na takot ito kay Kallias pero ngayon sa tingin ko hindi na. What happened kaya? Pero I like her attitude now. Palaban na siya hindi gaya noon na mahina di man lang makapanakit ng tao.

"That woman." Galit na bulong ni Kallias at lumabas rin ang pangil niya. Napansin ko naman ang panginginig ng mga studyante sa paligid namin. Malamang sino ba naman ang hindi matatakot kong si Kallias na ang galit.

"Let's go." Malamig na sabi niya bago naglakad. "Hindi muna ba tayo kakain? Gutom nako eh." Aniya naman ni Mason. Agad kong siyang binatukan. "Mananahimik ka o kakainin mo ang kamao ni Kallias?" Aniya ko bago ko sila sinundan.

"Busog pa pala ako eh!" Rinig kong sabi niya bago ako pantayan ng lakad. I guess, may mangyayareng napakagandang kaganapan. Nararamdaman ko na nahanap na ni Kallias ang katapad niya. Ang malala lang ay si Shivani pa. Si Shivani na baliw na baliw kay Kairos.

•••••

Nalia/Shivani

Natapos na ang klase namin ngayong araw. Nauna ng umuwi sina Dorothea dahil ang sabi ko mag lilibang muna ako para naman mawala kahit kaunti ang galit ko sa magkakapatid na yon. Pero kahit nga ata anong gawin ko hindi parin nawawala.

Naglalakad ako ngayon sa gilid ng kalsada. Uuwi na ako dahil gutom na gutom nako. Kasalanan kase ng mga yon kaya hindi ko naubos yung pagkain ko kanina. Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang tindahan ng mga ice cream. Nang ningning ang mga mata ko at agad na pumasok sa loob.

Pagkapasok ko ay agad akong pumunta sa counter. Walang masiyadong tao rito kaya makakabili ako ng mabilis. "Miss, what can I do for you?" Nakangiting tanong ng babaeng nagtitinda. Kung titignan siya hula ko isa siyang wizard.

"May tinda ba kayong ulam rito?" Pabalang na sagot ko napaawang naman ang bibig niya. "Kidding, hmm pabili ako ng isang garapon na ice cream, strawberry flavor." Aniya ko tumango naman siya at agad na inasikaso ang order ko.

"Here your order ma'am." Nakangiting sabi niya at binigay sakin ang isang plastic na may lamang garapon ng ice cream. Alangan naman na garapon ng isda, tskk. Binayaran ko na to agad. Aalis na sana ako ng may naalala ako.

"Miss, may kutsara ba kayo? Pwede makahingi?" Tanong ko napakurap kurap naman siya. "Yes ma'am." Sabi niya umalis pagkabalik niya ay binigyan na siya sakin ang isang kutsara. "Thank you.." nakangiting sabi ko natulala naman siya pero iniwan ko na lang. Bahala siyang matulala sa ganda ko.

Pagkalabas ko ng tindahan ay agad kong kinuha yong garapon ng ice cream at binuksan ito. Tinapon ko na rin yung plastic at takip ng ice cream. Kakainin ko itong ice cream hanggang sa nakauwi ako. Sinimulan ko na itong lantakan habang kumakain.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon