Nalia/Shivani
Tuloy parin ang party dito sa palasyo habang ako naman ay kumakain parin. Masarap kase yung mga pagkain kaya hindi ko maiwanan. Hinahayaan ko na lang silang lahat na sumayaw inaaya nga ako kanina nila Tierra pero tumanggi ako. Mas gugustohin ko na lang umupo habang kumakain kaysa ang sumayaw.Wala naman akong mapapala sa pagsasayaw pero sa pagkain mabubusog pako. Hindi pa daw sinasabi nila tanda kong sino nga ba ang nanalo. Mamaya pa raw ito i-aanounce magsaya muna raw kami.
Magkakaharap kaming apat dito sa lamesa dahil yung iba naming kasama ay andon gumagawa ng kabaliwan. Sina Zach, Kallias at Kaiser ang kasama ko rito sa lamesa. Napapansin ko rin kanina pa nila ako ninanakawan ng tingin. Paminsan minsan rin nahuhuli ko silang nagpapalitan ng masamang tingin.
Hindi ko na lang pinansin dahil mas importante sakin ang pagkain. Naka sampung plato na nga ako ehh. Iwan ko din kong bakit hindi pa ako nabubusog.
"Good evening fellow Students!!" Natigilan kaming lahat ng marinig namin ang matinis na boses ni tanda. Napatingin naman ako sa taas ng hagdan dahil andon siya kasama ang hari at reyna ng palasyong to.
Nagsibalik na rin sa mga upuan ang mga studyante na kanina ay nagsasayawan. "Hindi na natin patatagalin ang announcement na ito. Sasabihin ko na kung sino nga ba ang nanalo sa Rangking Battle ngayong taon!!!" Naghiyawan naman ang mga studyante kaya napairap na lang ako.
"Ang points na pinaka mataas ay 6,551.." nagbulong bulungan naman lahat ng studyante dahil sa sinabi ni tanda. Kesyo bakit ang taas daw at marami pang iba. Pati tong mga kasama ko ay nagbulungan narin.
"Ang section na may 6,551 points ayyy.......... Section Ocean!!" Nahulog naman ako sa kinakaupuan ko ng bigla na lang nagsisigaw sina Dorothea para silang hayop na nakatakas sa kulungan nila, nagkanda gulo gulo na rin yung lamesa namin.
Nagsasabunutan naman sina Niel at Darcy habang sina Ailene, Miko at Danica ay magkakahawak ang kamay habang sumisigaw at tumatalon. Habang yung iba naman ay ano ano na ang ginagawa. Nag twerk pa nga si Arwin at si Vince sa taas ng lamesa kaya nagtawanan naman lahat ng studyante nakakita sa kaniya.
Ok hindi ko sila kilala!
"Leader, ayos ka lang?" Nagaalalang tanong ni Zach buti na lang at matino tong isang to. Inalalayan niya naman ako nakatayo kaya napasapo ako ng pangupo ko dahil ang sakit. Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya dahil may subo subo pa akong karne.
"Ok!! Hahaha enough Section Ocean. Mukha na kayong mga halimaw na nakalabas lang sa kulungan ang wild niyo!!" Tumatawang sabi ni tanda tumigil naman silang lahat pero halata parin sa mga mukha nila ang saya.
Tsk.
"Congrats guys!!" Sabay na sabi nina Nikky at Serenity. "My I call your Leader, Miss Shivani Luther." Napatingin naman ako kay tanda ng banggitin niya ang pangalan ni Shivani. Ayoko nga! Kita niyang kumakain pa ako. May kasalanan pa siya sakin hindi niya ako pinakain non.
"Hoy Leader tawag ka ni headmaster." Nakangiting sabi ni Danica pero umiling ako. Aalis na sana ako ng sabay sabay nila akong hinila sa braso. Gusto ko sanang sumigaw ang kaso lang may subo subo pa akong karne. Hindi ko naman magawang tanggalin dahil hawak hawak nila ang kamay ko.
Sinamaan ko sila ng tingin pero nginitian lang nila ako kaya lalo akong nainis. Bwesit! Sana pala umalis na ako kanina! Humanda talaga sila sakin! Nakakatikim sila ng tigiisang batok.
Sinubukan ko ulit na magpumiglas pero bigla na lang nila akong binuhat kaya lalong sumama ang tingin ko sa kanila. Habang rinig na rinig ko naman ang tawanan ng mga studyante. Bwesit! Tangina!
BINABASA MO ANG
Reincarnated In Her Body
FantasyMeet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous gang. Her group is the highest rank in the underground. She's the strongest leader. No one has ever...