CHAPTER 35

389 19 3
                                    

Nalia/Shivani

NAPASIGAW ako ng malakas ng bumungad sakin ang nakakakilabot na pagmumukha ni Shenna. Dahil sa gulat ko at naitulak ko ito ng malakas kaya nahulog siya sa sahig. Anong ginagawa ng taong to sa kwarto ko?

"Aray ko naman, sakit ng puwet ko." Daing niya habang nakasalampak sa sahig at hawak ang pang upo. Hindi ko alam pero hingal na hingal ako, naramdaman ko rin na nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Sino ba naman ang hindi magugulat kong maaalimpungatan ka tapus ganon agad ang bubungad sayo. "What the hell are you doing here?" Malamig na tanong ko ng makabawi ako sa gulat. Pano siya nakapasok?

"Ahmm ano." Hindi niya alam kong ano ba ang isasagot sakin tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo. "Pano ka nakapasok sa kwarto ko?" Muling tanong ko.

"Ah eh kase dumaan ako sa bintana." Sagot niya sabay turo sa nakabukas na bintana at tumawa pa ng peke. "Aha! this is my chance." Sabi niya na para bang may nagtanto na kung ano. Muli na naman ako kinilabotan ng tignan niya ako ng kakaiba. Para bang sabik na sabik siya.

Muli na naman akong napasigaw ng bigla na lang niya akong dambahan ng yakap kaya napahiga kami sa kama ko. "Tangina, lumayo ka nga sakin." Inis na sabi ko at pilit siyang inilalayo pero humigpit lang ang kapit siya sakin.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong kinikiskis niya ang pisnge niya sa gitna ng dalawa kong dibdib. Ano bang kalukuhan ang ginagawa ng babaeng to? "Wow, ang lambot at ang sarap sa pakiramdam." Sabi niya na para bang sarap na sarap siya sa ginagawa niya.

Tangina

Kinikilabutan ako.

"Hoy! Lumayo ka nga sakin!" Galit na sigaw ko at sinubukan na kalasin ang pagkakayakap niya sakin pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sakin na para bang wala ng bukas.

"Ayoko nga! Kanina pako nagpipigil na yakapin ka simula nong makita kita kaninang umaga!" Sigaw nga habang patuloy na nagsumiksik sa dibdib ko. Lalo akong kinilabotan sa ginagawa niya.

"Sinabi ng lumayo ka ehh!" Malakas na sigaw ko at tinulak siya palayo sakin. "Ayoko nga!' Sigaw niya at akma na naman sana akong yayakapin ng malakas ko siyang sinuntok at tumilapon siya palabas ng bintana.

"Wag ka ng babalik pa!"

•••••

Tierra

"SHENNA, anong nangyare sa mukha mo?" Tanong ni Arwin kahit ako nagtataka kong bakit nag karoon siya ng bukol sa noo. May nangyare ba sa kaniya na di maganda?

"Hehehe ito ba? Nadulas lang ako sa banyo kagabi." Sagot ni Shenna at tumawa ng peke. "May narinig rin ba kayo kagabi? Parang may nagsisigawan?" Singit ni Nikky. Andito kami ngayon sa hapagkainan nag hihinatay ng pagkain.

Nagluluto pa lang kase hanggang ngayon si Serenity at Lacey sa kusina. Kape muna ang pinagsasaluhan namin ngayon. Oo nga may narinig din akong sigawan kagabi para ngang familiar sakin yung boses.

"May narinig rin ako, nahulog pa nga ako sa kama ko dahil don." Inis na sabi ni Yohan isa sa mga kaklase nila Nikky. Nalaman ko yung mga pangalan nila kahapon.

"Muntik na nga rin akong madulas sa banyo dahil sa sigaw na yon. Ang lakas pa naman parang malapit lang sakin yung sigaw." Kamot ulong sabi ni Ailene. Sino naman kaya yung sumigaw kagabi? Saan rin galing?

"Ang tagal naman nilang mag luto gutom nako." Reklamo ni Mico at rinig na rinig namin ang malakas na tunog ng simura niya.

"Hayaan mong ako na lang ang kainin mo ng mapawi ang pagkagutom mo, Mico. Karangalan kong gawin yon!" Sigaw ni Warren at lumuhod sa harapan ni Mico habang nakataas ang dalawa niyang kamay sa ere. Na para bang sinusuko na niya sa isang halimaw ang katawan niya.

Reincarnated In Her Body Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon