Prologue

83 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names,
characters, businesses, places, events are fictitious.

Any resemblance to a person living or dead or any actual events are purely coincidental and is not intended to do so.

Any typo or grammatical errors is observed as the story goes on. After the story is done, it is the time I'll edit it, if it should be done.

This is only fictitious story so any scenes and a little bit inappropriate words inside the story is for the novel only. This doesn't apply to anyone or anything.

Date Started: 04/13/2024
Finished: 05/02/2024

© Peinstories 2021

******************************************
"Anak, kamusta ang school mo? Kumportable ka ba sa bago mong school?" Nakangiting tanong ni Papa habang nasa loob kami ng kwarto ko. Nagpapatulong kasi ako sa kanya sa isang major subject namin sa IT. Kami lang ang nandito sa bahay dahil umalis si Mama. Niyaya siya ni Tita CJ na mag Mall.

"Ayos naman po, Pa. Ang babait po ng mga kaklase ko! Tsaka, sobrang overwhelming lang po ng school ko. Pakiramdam ko nga po ay nagiging center of attraction ako dahil kayo po sina Mama at Tita CJ po ang may ari ng school."

Schoolmate ko ang matapobre niyang anak na si Hansuke Mizuki. Nakakainis dahil akala mong napakagwapo.

"Eh, kayo ni Mizuki? Close rin ba kayo?" Curious na tanong ni Papa. Pinigilan ko ang sarili kong mapairap dahil sa tanong ni Papa.

Hindi niya kasi alam na may galit ako sa lalaking 'yon. Hindi pa naiiwasan na makita ko araw-araw ang lalaking 'yon dahil magkapitbahay kami! Nasa iisang compound kami na matagal nang pinagawa nina Mama at Papabago pa ako dumating sa buhay nila.

Sabay nila kaming ipinanganak ni Mizuki. Nakakainis dahil iisa ang birthday namin. Nakakapikon lang talaga!

"That guy, Pa. He's so annoying! Napakasungit!" Pagkukwento ko. Natawa naman si Papa, dahilan para mapasimangot ako.

"That young man, anak, siya ang nagligtas sayo noon noong muntik ka nang mapahamak. Hindi mo na natatandaan iyon. Kaya 'wag ka nang magalit kay Mizuki dahil mabait naman siyang bata. Sadyang masungit lang talaga," nakangiting pagpapaliwanag ni Papa. Napabuntong hininga nalang ako dahil as usual, hindi ko naman pwedeng sabihin kay Mama na makipag friendship over kay Tita CJ dahil sa masungit na anak nito. Matagal na silang magkaibigan, kaya naman kailangan ko lang talagang magpasensya.

Pero ang tanong, hanggang kailan?

"Naaalala ko sayo ang Mama mo, anak," biglang pagkukwento ni Papa, dahilan para macurious ako sa kwentong sasabihin niya.

"Bakit naman po, Pa?" Takang tanong ko sa kaniya. Umayos siya ng pagkakaupo sa isa pang swivel chair sa tabi ko. Nakaharap siya sa computer ko, kaya naman nakangisi siyang itinuon sakin ang atensyon niya bago magsimulang magkwento.

"Your mother also has thin patience. Maldita siya at noong unang beses ko siyang nakausap sa gc namin sa research, napakasungit nya. Para bang ang hirap lapitan." Sa kwento palang ni Papa, naiimagine ko na kaagad ang scenario at hindi ko mapigilang matawa ng bahagya.

"Wala akong ibang ginawa kundi inisin, asarin at galitin siya. Shiniship namin ang Mama mo sa classmate namin, si Mar. Galit na galit siya kapag ginagawa namin iyon. Pero gusto mo bang malaman kung paano naging kami?"

"Paano po?"

Huminga siya ng malalim bago sumandal sa swivel chair. Matamis siyang ngumiti habang nakatiingala sa kisame ng kwarto ko.

"Noong nasa call kami para sa paggawa ng research title namin para sa research, I heard for the first time her laugh. It automatically gets me. Sa simpleng pagtawa niya palang, nakuha niya na kaagad ang kiliti ko. Wala siyang kaalam-alam na doon na nagsimulang humubog ang loob ko para sa kanya." Ikinuwento niya iyon habang nakangiti. Para bang kahit matagal nang nangyari iyon, ganoon parin ang epekto sa kaniya.

Ganoon ba talaga kapag love?

"Paano po kayo umamin?"

"Ang totoo nyan, hindi ako ang umamin sa kaniya," sagot niya, dahilan para mapakunot ang noo ko. "Tara, sa sala tayo. Nag order ako ng meryenda natin. Doon natin ituloy ang kwentuhan," nakangiting anyaya niya bago kuhanin ang laptop ko dahil nakaconnect naman iyon sa computer ko. Sa google docs kasi ako at nakaconnect iyon sa gmail ko, kaya naman madali lang para sakin kahit ano sa dalawa ang gamitin ko.

Tumayo na kami at bumaba na ng hagdan papunta sa sala. Pumwesto kami sa carpeted na sahig at inilapag ang laptop sa ibabaw no'n. Ayaw kasi ni Mama ang masyadong maraming gamit sa bahay dahil ayaw niya ng masikip. Gusto niya ay nakakagalaw siya ng maayos.

Nang dumating ang inorder ni Papa na tatlong box ng pizza, ipinagpatuloy namin ang kwentuhan.

"Paano po 'yon Papa kung hindi kayo ang umamin? Si Mama po ba?" Pagtatanong ko. Agad siyang umiling bilang sagot. Hindi ko mapigilang mas magtaka. Paano 'yon?

"Si Tita Yohan mo ang umamin, anak. Sinabi niya ang mga sinabi ko sa kaniya tungkol sa Mama mo. Akala tuloy ng Mama mo ay torpe ako. Well, torpe naman ako, pero balak ko na talagang umamin no'n," pag amin niya ng totoo, dahilan para mapahalakhak ako.

"Talaga po? Kahit ako yata, ganoon ang iisipin, Pa! Sana inunahan mo na kaagad si Tita Yohan, Pa!"

"Naku, hindi ko naman alam na gagawin niya iyon. Wala akong kaalam-alam na fino-forward niya pala sa Mama mo ang mga sinabi ko sa kanya! Kaya nga todo ang pang aalaska sakin ng Mama mo na torpe ako dahil doon."

Hindi ko mapigilang mapangiti at mapabuntong hininga. Sana soon ako naman. Sana mahawa ako kay Mama at Papa na swerte sa pagpili ng mapapangasawa.

Napansin naman ni Papa ang naging reaksyon ko, kaya naman lumapit siya sakin at inakbayan ako. Humilig ako sa balikat niya at nagpakawala ng buntong hininga.

"Pagdating ng tamang panahon, anak, matatagpuan at matatagpuan mo ang lalaking magmamahal sayo ng totoo," sinserong sabi ni Papa. Maliit akong napangiti dahil doon. "Ano bang hinahanap mo sa isang lalaki?"

"Gusto ko po yung katulad nyo, Pa! Gusto ko 'yung mamahalin ako kagaya po ng pagmamahal mo sa amin ni Mama. Sana lang po ay may katulad nyo pa po. Para po kasing imposible na po sa ngayon, eh," nawawalan ng pag asang ani ko sa kanya.

"Ganyan rin ako dati, anak. Minsan na akong nabigo sa pag ibig, pero noong nakilala ko ang Mama mo, doon ko nalaman na hindi pala dapat hinahanap ang pag ibig. Mas maayos at mas masaya kung hihintayin mo ito. Sa tamang panahon, tamang oras, tamang pagkakataon at sa tamang tao, walang magiging problema."

Umalis ako sa pagkahilig kay Papa at tinitigan siya.

"Bakit po sa dami ng babae, bakit po si Mama ang pinili mong mahalin, Pa?"

"Dahil iba siya sa ibang babae na nakikita at kilala ko. Akala ko ay maldita siya at walang pakialam sa paligid nya, pero hindi ko akalain na kaya pala siya ganoon ay dahil sa mga pinagdaanan niya sa nakaraan. Pero kung gusto mo malaman iyon, anak, you should ask your Mom. It's not my story to tell, anak. Dahil kahit ako, hindi ko rin alam ang lahat ng mga pinagdaanan nya."

And that's what I admire from my father. He knows where he should stand. He knows his limitations.

I just hope to have a man like Papa. I want to be loved the way my father loves Mama.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now