24

7 1 0
                                    

"Ano? Pakiulit nga ang sinabi mo?"

Napabuntong hininga ako bago ulitin ang sinabi ko.

"Ang sabi ko, hindi siya ang nakipaghiwalay kundi ako," pag uulit ko ng sinabi ko.

"What the?! Bakit ka nakipaghiwalay? Nagcheat ba?" Sunod sunod na tanong niya. Napabuntong hininga ako at mabilis na umiling bilang sagot. "Then, why?"

"Napagod ako, Miracle. I get overwhelmed," pag amin ko sa kanya. Tumayo kaming dalawa ng yayain nya akong lumipat sa sala sa couch nila habang bitbit nya ang bote ng alak at ang baso. Ako naman ay baso ko ang dala habang naglalakad na kaming dalawa papunta sa couch.

Nang makaupo na kami, doon namin itinuloy ang pag uusap namin.

"Napagod ka? Bakit? Anong ginawa nya para mapagod ka?" Seryosong tanong nya. Mapait akong ngumiti bago abutin ang baso kong may laman ng alak. Pinaikot ko iyon habang inaalala ang mga nangyari noon.

"Hindi na nya ako priority. Nasa iba na ang atensyon nya," natawa pa ako ng mapait habang nagsisimulang sabihin sa kanya ang dahilan ko. "Bakit ko pa ipipilit kung hindi na ako? Bakit ko pa... hahayaan ang sarili ko na masaktan at paulit ulit na maghintay sa kanya habanga masaya naman siyang kausap at kasama ang mga kaibigan at pinsan nya? Ang unfair lang. Bakit ganoon? Noong nililigawan nya ako ay todo effort siya, pero noong nakuha nya na ang oo ko, bigla siyang nagbago. Hindi ba talaga sapat ang presensya ko at mas masaya pa siyang kasama ang mga kaibigan at pinsan nya?"

"Daichi..." Nag aalalang tawag sakin ni Miracle. Tulala lang ako sa basong hawak ko habang nararamdaman ko ang nagsisimulang bigat sa dibdib ko.

"Maayos naman kami noong una, eh. Parati siyang nag aupdate at tumatawag, pero bakit biglang nagbago? Bakit parang nawalan ako ng halaga?" Pumiyok ako at napapikit nang mag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "Putangina, ginawa ko lahat. Kahit sabihin nyong ako ang sumuko, ako rin ang napagod... ako ang naubos. Lumaban ako, Miracle. Ginawa ko ang lahat, pero tangina, bakit ganoon? Ni minsan hindi ko naisumbat sa kanya ang mga pagkukulang nya at kung gaano kasakit ang ginawa nya sakin, pero tangina, minsan gusto kong isumbat sa kanya. Ginawa ko ang lahat... nagpasensya ako, umunawa ako, paulit ulit pa nga, eh, pero bakit parang kulang pa? Bakit kahit anong gawin ko, hindi naman talaga ako ang hanap nya?"

Kinuha ni Miracle ang baso na hawak ko at inilapag iyon sa lamesa. Lumapit pa siya lalo sakin para yakapin ako at kaagad kong sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

"B-Bakit naman ganoon kasakit? Walang nagloko, pero putangina, mas masakit pa pala kapag napagod ka. Unti unti kang pinapatay ng sakit hanggang sa mamanhid ka na. Tangina, wala naman akong ginawa, eh. Binigay ko na lahat ng makakaya ko. Ginawa ko na ang lahat, pero bakit parang ako parin ang mali?" Umiiyak na tanong ko sa kanya. Paulit ulit hinahagod ni Miracle ang likod ko habang umiiyak ako. Ang bigat parin ng pakiramdam ko. Masakit parin.

"I'm sorry. I'm really sorry, Daichi. Shush... nandito na ako. Hindi na kita hahayaang harapin 'to ng mag isa," mahinahon at paniniguradong aniya. Napapikit ako at napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ko ang kirot doon. "Daichi? Daichi, bakit?"

Napaigik ako nang mas tumindi pa lalo ang pagsakit ng dibdib ko. Humiwalay kaagad si Miracle sakin at napatayo at hinahawakan ako sa balikat, pero wala na akong control sa katawan ko.

Ang huli ko nalang naalala bago magdilim ang paningin ko at ang pagtumba ko ay ang pagtawag sakin ni Miracle.

Nang magising ako, nasilaw ako sa ilaw. Kumurap kurap ako at naaninag ko ang puting kisame.

Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?

Iginalaw ko ang daliri ng kamay ko, dahilan para mag angat ng ulo ang nakahiga pala sa gilid ko. Nagulat siya nang makitang gising na ako.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now