2

19 0 0
                                    

Nang dumating ang uwian, tahimik lang kaming naglakad ni Mizuki hanggang sa makasakay na kami ng bus. Nakatitig lang ako sa bintana habang si Mizuki ay nasa kabilang upuan sa likod ko.

Tahimik lang ako hanggang sa makauwi kami. Nang makarating sa compound, agad kong hinanap sina Mama at Papa, pero ang naabutan ko lang sa bahay ay sina Tita CJ at Tito Cy. Nauna ng umuwi si Mizuki sa bahay nila, habang ako ay dumiretso na sa bahay namin.

"Hija! Oh, nasaan si Mizuki?" Tanong ni Tita CJ sakin pagpasok ko ng bahay. Kasama niya si Tito Clyden na seryoso rin na nakatitig sakin.

Inilapag ko sa sofa ang bag ko at nagmano sa kanila.

"Sina Mama po?" Tanong ko sa kanila.

"Naku, nagdate sila! Ang sabi ko nga ay kami na ang bahala sayo. Si Mizuki ba kasabay mo?"

"Opo, nauna na po siyang umuwi," magalang na sagot ko. Tinawag naman ni Tita CJ si Tito Clyden.

"Puntahan mo muna ang anak mo roon. Samahan mo at may basketball practice iyon. Babalik yata siya sa school," aniya kay Tito Clyden. Tumayo naman si Tito Clyden at humalik muna sya Tita CJ bago magpaalam sa amin na mauuna na siya.

Nang makaalis na si Tito Cy, nakangiti akong tinignan ni Tita CJ.

"Mukhang pagod ka, ah. Tara, kwentuhan muna tayo," nakangiting aniya bago tinapik ang katabi niyang couch. Wala akong nagawa kundi ang lumapit at tumabi sa kaniya.

Nang maupo na ako sa tabi niya, nagsimulang magtanong si Tita CJ.

"Sa ganyang mukha, alam ko na may hindi ka sinasabi, eh," panimula niya. Seryoso siyang tumitig sa mga mata ko bago muling magsalita. "May pinagdadaanan ka ba, inaanak ko?"

Napalunok ako at naramdaman ko ang bigat ng paghinga ko.

"Tita, tungkol po kay Mama at Papa," panimula ko. Napansin ko ang pagiging seryoso ng mga mata niya na para bang alam niya na ang sunod kong sasabihin. "Gusto ko pong malaman kung ano pong lagay nila?"

"Lagay nila? Masaya naman ang pagsasama nila, ah? Bakit, maghihiwalay ba sila?" Takang tanong niya.

"Tita, hindi po. Gusto ko pong malaman kung nakakapagpa-check up po ba sila sa psychiatrist."

Doon natigilan si Tita Dove. Para bang dumoble ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas gusto kong magsalita siya kaysa manahimik nalang dahil mas nag ooverthink ako sa kakaisip.

"Daichi, ang Mama at Papa mo, hindi sila okay," seryosong pagpapaliwanag niya. "Maayos ang pagsasama nila, pero sa mental health nila, hindi ko na matandaan kung nakakapunta pa ba sila sa psychiatrist para magpagamot. May PTSD ang Mama mo, Daichi. At may Anxiety Depression ang Papa mo."

Nangilid ang luha sa mga mata ko. Para akong nabingi sa narinig. Parang gusto ko nalang silang yakapin at manatili sa tabi nila. Ayokong malingat ako ng tingin dahil baka may gawin silang hindi maganda.

"Ang Mama mo, hindi maganda ang pinagdaanan niya sa lola mo. Pinalayas siya ng lola mo at pinatira sa ibang bahay, sa bahay namin. Laging umiiyak ang Mama mo dahil sa mga ginagawa ng lola mo sa kanya. Noong nakaya ng Mama mo na tumayo sa sariling paa, mas nagalit ang lola mo sa Mama mo. Hindi kinaya ng Mama mo hanggang sa naisipan niyang tapusin ang buhay niya." Doon nag unahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko. Para bang hindi ko kinaya ang narinig ko, kaya naman napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. "Pero ang Papa mo, Daichi, hindi niya iniwan ang Mama mo. Ang Papa mo ang naging sandalan niya hanggang sa makaya niya ulit. Nakabangon ang Mama mo sa tulong ng Papa mo, kaya naman noong ang Papa mo ang may matinding pinagdaanan, ibinigay lahat ng Mama mo sa Papa mo ang lahat. Naaalala ko pa noong nakwento niya sakin noong bago palang sila, sinurprise ng Mama mo ang Papa mo. Matagal nang hindi nagkikita ang Papa mo at ang mga kaibigan niya na taga Dasma, kaya naman kinuntsaba ng Mama mo ang mga kaibigan niya para magkita na sila. Doon ko lang nakitang masayang masaya si Dove kahit siya naman ang nagsurprise."

This I Promise YouWhere stories live. Discover now