18

5 0 0
                                    

"Bakit umiyak kanina si Daichi?" Pagtatanong ng prof namin sa dalawang lalaki. Hindi ako nag abalang sagutin ang tanong niya dahil abala ang isip ko sa nangyari kanina.

"Natrauma po sa rides, Sir," sagot naman ni Yuki. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng guilt at tumabi kay Mizuki. Hinawakan nya kaagad ang kamay ko nang mapansin na tumabi ako sa kaniya.

Hindi ako nagsalita. Walang nagsalita sa aming tatlo lalo na nang umalis na si Sir at nauna na sa amin. Sinundo siya ng isang kotse, kaya kaming tatlo ang naiwang naglalakad.

Habang naglalakad kami, biglang nagsalita si Mizuki. Malayo sa amin si Yuki, pero nasa gilid lang namin siya habang sinasabayan kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit siya lumalayo, pero hinayaan ko lang siya.

"'Pag uwi mo, kumain at maligo ka. Pagkatapos, matulog ka," seryosong bilin nya. Napapikit ako nang maramdaman na naman ang pag ikot ng paningin ko. Napailing ako habang nakayuko.

"Ayoko," biglaang sagot ko, hindi ko alam na naiboses ko iyon. Napatigil kami sa paglalakad at padabog na binitawan ni Mizuki ang kamay ko. Nasaktan ako dahil doon.

Mula sa pheriperal vision ko, napansin kong humakbang siya at itinaas ang kamao nya na para bang gigil na gigil at galit na galit.

Nauna siyang naglakad nang bitawan nya ang kamay nyang inaangat nya kanina at iniwan ako roon. Nilingon naman ako ni Yuki bago maglakad at sundan si Mizuki. Naglakad ako ng mabagal at tumigil nang tawagin ni Yuki si Mizuki.

"Pre!" Tawag ni Yuki sa lalaki. Lumingon naman si Mizuki kay Yuki bago ako tinignan. Napabuntong hininga siya at mariin na napapikit. Naglakad siya palapit sakin at hinawakan ako sa kamay.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa ginagawa ko. Pagod siya. Pagod siya dahil sa byahe at dahil sa mga nangyari buong araw, tapos sasagutin ko siya ng ganoon. Kasalanan ko iyon.

"S-Sorry," nanginig ang boses ko nang sabihin ko iyon sa kaniya. Hindi siya nagsalita, kaya para akong sinuntok sa dibdib dahil sa sakit.

"'Pag uwi mo sa bahay, magpahinga ka. Kung nagugutom ka, kumain ka. Matulog ka at 'wag kang magpupuyat," dire-diretsong aniya, inuulit ang sinabi nya kanina.

"O-Oo, gagawin ko 'yon," naluluhang sagot ko sa kaniya.

Pagod siya, galit, pero ako parin ang iniisip nya.

"Ikaw lang ang iniisip ko. Sana gawin mo lahat ng sinasabi ko," seryosong aniya. Halata sa boses nya ang lamig at pagiging seryoso.

"S-Sorry talaga," nagiguilty na sabi ko sa kaniya. Napabuntong hininga lang siya at inayos ang buhok na nakakalat sa mukha ko bago isabit iyon sa likod ng tenga ko.

"Ayos lang 'yon. 'Wag mo akong alalahanin. Isipin mo ang sarili mo," malumanay na sabi nya. Kahit papaano, naging kampante ako at kumalma.

Nagtuloy tuloy kami sa paglalakad hanggang sa magpaalam na si Yuki. Sumakay kami ng bus ni Mizuki, pero hindi na kami nag usap. Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makauwi.

Sinunod ko ang bilin ni Mizuki. Naligo ako at kumain nang magutom. Nagpahinga rin ako at hindi na ako nakapagcellphone.

Pero ang guilt na nararamdaman ko dahil nagalit siya kagabi ay nanuot sa isip ko hanggang sa makatulog ako.

After what happened, he became distant to me. I also noticed how close he was to our classmate, Bianca. They seem too close.

I left that for about how many months. Nilunok ko ang selos at pride at hinayaan siya dahil kagaya ng sinabi nya, nakikipagkaibigan lang naman si Bianca.

I let it pass kahit pa halos mahirapan na ako sa pagpasok dahil sa nakikita sa araw-araw. It broke me. It broke me big time, but I never bothered to tell him... to them.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now