Nang mapansin na mabilis ang pila at malapit na sila makapasok, tumayo na ako at lumapit sa kanila. Nilingon nila ako at napangisi silang umalis roon.
"Nandito ka na pala, eh. Ikaw na ang sumama kay Yves sa rides," ani ni Yuki bago nila kami iwan roon. Sinamaan ko sila ng tingin at muling tinignan si Yves na tahimik na nakangiti sa akin.
"Kanina mo pa gustong mag rides dito, diba?" Nakangiting tanong nya sakin habang nakatitig siya sa akin habang ako ay nakatitig sa rides na sasakyan namin, pinapanood ang pag ikot no'n. "Niyayaya ka namin kanina, pero sabi mo ayaw mo. Anong nangyari?"
"Napansin ko kasi kayo rito. Lalapitan ko lang sana kayo para itanong kung nasaan ang iba pa nating kaklase, pero heto ako at mukhang mapapasubok na ngayon," sagot ko habang napapapikit, kinakabahan na baka tamaan kami ng pakpak ng eroplano.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Nakikita kasi nila na gusto mo ring subukan. You know, try and try until you succeed. Ayy, iba pala 'yon."
Ako naman ang natawa dahil doon.
"Baka kasi face yours fears since takot talaga ako sa heights," natatawang sabi ko sa kaniya. Natawa rin siya at sabay kaming naghintay na makapasok kami sa loob para doon maghintay. Habang lumilipas ang ilang minuto, palapit kami ng palapit.
Wala sa sarili akong napalingon sa exit at nagulat ako nang makitang nakasandal sa railings sina Yuki at Mizuki habang diretsong nakatitig sa gawi namin. Nakangiti sila habang nagsasalita si yuki at para bang may sinasabi na hindi ko maintindihan. Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin.
Nagkwentuhan lang kami ni Yves habang naghihintay sa pagsakay namin hanggang sa matapos ang rides at kami na ang susunod. Hihintay lang namin na makalabas ang mga tao roon bago kami pinapasok ng staff. Nakangiti kaming pumasok ni Yves sa loob at naghanap ng eroplano. Sumakay kami sa number six na eroplano at naupo sa pinakadulo.
Palihim kong sinulyapan si Mizuki na diretso ang titig skain, dahilan para mapaubo ako at nag iwas ng tingin. Ayokong mapansin nyang tinititigan ko siya. Baka asarin niya ako mamaya.
Lumapit sa amin ang staff at ibinaba ang animong seatbelt namin. Naghintay lang kami na malagyan ang iba pa ng seatbelt hanggang sa mag umpisa ang tugtog ng air race. Bukod kasi sa curious ako sa rides na ito, naeengganyo ako sa kanta. Marami rin kasing nag eenjoy rito kaya hindi ko alam kung talaga bang nakakaenjoy rito o trauma ang hatid nito.
Nang magsimula ang rides, napapikit ako nang mag umpisa na rin kaming dahan dahan na gumalaw. Hindi pa iyon umikot hanggang sa tuluyan na kaming idinuyan na para bang mga pinapatulog na bata. Doon na ako napatili sa takot at pagkahilo. Nanginginig na rin ang mga braso at binti ko. Nakahawak ang isa kong kamay kay Yves habang siya ay hindi ko man lang marinig ang tili.
Wala akong ginawa kundi tumili habang nakapikit. Nang kalagitnaan, tumigil ako sa pagtili, kaya nangatal pati ang labi ko sa kaba at takot na baka matanggal ang seatbelt ko at tumilapon ako.
Hanggang sa matapos ang rides, hindi ko maramdaman ang sarili ko dahil sa matinding pagkahilo. Pakiramdam ko ay sobrang putla ko dahil sa pati pintig ng puso ko ay bumabagal ng bumabagal imbes na bumibilis.
Nang tanggalin sa amin ang seatbelt, naglakad na kami palabas. Kaagad kaming sinalubong ng dalawang lalaki. Nakaalalay sakin si Mizuki dahil sa pag aalalang matumba ako. Nanginginig ako at hindi ko alam kung bakit ganoon nalang ang pag aalala ko. Nalaman ko lang nang ibulong nya sakin ang dahilan.
"Namumutla ka," aniya, kaya tumango lang ako at hinayaan siyang alalayan ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero nagpatianod nalang kami.
"Nahihilio ka ba talaga, Daichi?" tanong sakin ni Yuki. Tumango ako, pero kaagad akong parang nanumbalik ang lakas ko nang magsalita si Mizuki.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...