29

5 0 0
                                    

Warning: R:18

Nakasimangot tuloy ako nang lumabas na ako ng elevator. Nilipat ko ang kanta at iwinaglit sa isip ko ang mga alaalang kusang pumasok sa isip ko.

I should remove it from my memory. It's not important anymore. It's just part of my past.

Thinking about what happened in the past makes me feel sick and tired. Kusang bumabalik sakin ang mga alaalang hindi naman na dapat balikan pa. I should move forward without any memories of him in my mind.

Isang taon lang iyon. Isang taon na halos nakalimutan ko na ang sarili ko dahil sa pagmamahal na iyan. Wala naman palang magandang maidudulot sakin, sumugal pa ako.

I regret everything. I regret that I have loved him. I regret that I met him. I regret taking a risk with him.

Napagod lang ako. Pinagod nya ako. At ang masakit, wala siya kung kailan kailangan na kailangan ko siya.

Palaging ganoon. Akala ko ay sa umpisa lang ganoon, pero sa umpisa lang pala talaga siya magpapakita na mahal na mahal niya ako.

Sa una lang siya magaling. Sa una nya lang ako mahal, pero kapag nagtagal, wala na. Para nalang akong anino sa kanya.

Napabuntong hininga ako at sumakay sa puting kotse na BMW na nasa harapan ko. Sumakay ako sa likod at nilingon ang bintana nang makapasok na ako sa loob at kaagad isinarado ang pinto ng kotse.

"Manong, tara na po," sabi ko roon sa driver. Hindi na ako nag abalang lingunin ang driver dahil lumilipad ang isip ko.

Nang magsimulang umandar ang kotse, nagsimulang magplay ang panibagong music. Napabuntong hininga ako nang marinig iyon.

Now playing: Masyado Pang Maaga by Ben&Ben

Bakit ba ang hirap-hirap

Magsabi nang diretsahan?

'Di pagkakaunawaan

Pwede sanang pag usapan

Tahan, pwede pa bang malaman?

Laman ng iyong isipan

Para walang maling akala

Sa isang taon na relasyon namin, sa una lang ako naging masaya. Sa una lang ako napuno ng tawa at saya. Hindi ko akalain na ganoon lang din kabilis matatapos ang lahat.

One year. Isang taon na hindi ko alam kung anong dapat kong gawin dahil kung para sa kanya ay maayos kami, para sa akin ay unti unti na siyang kumakawala sa pagkakahawak ko.

Parang kay bilis ng iyong pag alis

Teka lang, teka lang muna

Sa'n nagkamali? Pwede pa bang bumawi?

Teka lang, teka lang, teka lang muna

Masyado pang maaga

Kung gaano kabilis naging kami, ganoon rin kabilis nawala ang lahat.

Ano bang kulang sakin para hindi ako ang hanapin nya? Hindi ba ako sapat para paglaanan nya naman ako ng oras?

Habang malalim ang pag iisip ko, napakunot ang noo ko nang biglang magsalita ang driver sa unahan.

"Hindi na ba talaga ako pwedeng bumawi?" Seryosong tanong nya. Napakunot lalo ang noo ko nang mapagtantong pamilyar ang boses nya.

That voice... It can't be.

Hinawakan kong mabuti ang sling bag at cellphone na hawak ko at akmang bubuksan ang pinto nang mapagtanto kong nakalock iyon.

"Open the damn door!" I shouted at him.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now