4

14 0 0
                                    

Lumipas ang araw at naging close rin kami ni Yuki. I called him Yuki because his name were too long. Nakakatamad namang tawagin siya sa buong pangalan niya, kaya naman nag insist akong tawagin siyang Yuki. It also sounds expensive and cute.

"May P.E ba tayo mamaya?" Tanong ni Yuki sakin habang naglalakad kami papunta sa room. Nakita ko lang siya sa may hallway, kaya naisip kong magsabay na kami.

Tinignan ko siya bago sumagot. "Yes, may dala ka ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nginitian niya rin ako bago sagutin ang tanong ko.

"Yes. In case may P.E tayo ngayon. I also brought my jersey. May basketball practice kami mamaya. Kalaban namin ang team ni Hansuke," nakangiting sagot niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Beb!" Rinig kong sigaw ni Miracle, dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Napatigil ako sa paglalakad at ganoon rin si Yuki na nasa tabi ko parin.

Patakbo siyang lumapit sa amin at kinawayan muna si Yuki bago muling tumingin sakin. Sakto namang may tumawag kay Yuki kaya't nagpaalam na rin siya sa amin ni Miracle bago maglakad palapit sa lalaking tumawag sa kaniya. Inakbayan siya nito nang makalapit.

Bumalik lang ang atensyon ko kay Miracle nang umubo siya sa tabi ko. Pinakunutan ko siya ng noo dahil sa pagtataka nang masalubong ko ang nanunukso niyang tingin.

"What?" Pagsusungit ko sa kaniya.

"Anong what?" Pinagtaasan niya rin ako ng kilay at hinawi pa ang hanggang bewang niyang buhok. "What was that? One week palang, ah. Bakit parang close na close naman kaagad kayo, ante?"

Napailing nalang ako at nagsimula nang maglakad. Sumunod naman siya at sinabayan ang paglalakad ko. Dahil magkasing tangkad lang kami, mabilis niya akong nasabayan. Almost 5'9 ang height ko. Si Mizuki naman ay 6'3. Magkasing tangkad lang sila Mizuki at Yuki. Magkasing puti rin sila, pero chinito si Yuki. Parehas lang silang gwapo, pero mas mabait at approachable si Yuki kaysa kay Mizuki.

Teka, bakit ko ba sila pinagkukumpara?

"Baka mamaya nanliligaw na sayo si Daisuki, ah. Sabihin mo sakin para informed ako. Bestfriend mo ako, 'no!" Aniya pa habang naglalakad kami. Paakyat na kami ngayon sa second floor dahil sa second floor pa ang room namin.

"Hindi siya nanliligaw. Magkaibigan lang kami," malumanay na sagot ko. "Baka ikaw ang may dapat ikwento sakin. Tutal, parang close na close na rin kayo ni Mizuki porket magkatabi kayo."

"Bakit tunog nagseselos, bhie? Gusto mo ba si Hansuke?"

Hindi ko alam kung bakit, pero napaisip ako sa tanong niya. Madali lang namang sabihin na hindi, pero para bang may pumipigil sakin.

"Hindi 'no!" Sagot ko nang makarecover. "I will never fall for that guy!"

"Grabe ka naman! Masyado ka! Para namang may nakakahawang sakit si Hansuke! Ang gwapo-gwapo kaya ng baby ko!"

Napailing nalang ako at nauna na sa pagpasok sa room. Pero kaagad rin akong natigilan nang makita si Mizuki na masama ang tingin sakin na para bang may ginawa akong masama sa kaniya. Napakunot nalang ang noo ko nang kaagad siyang mag iwas ng tingin.

Inalis ko na rin kaagad ang tingin sa kaniya at naglakad na papunta sa upuan ko. Kaagad naman akong kinausap ni Yuki.

"I heard from your friend na mahilig ka raw sa libro. Anong books ang binabasa mo?" curious na tanong niya.

Lumingon ako sa kaniya at sinagot ang tanong niya.

"Kahit anong genre naman binabasa ko. Mas trip ko lang ang romance books," sagot ko sa kanya. Nagliwanag naman ang mukha niya at mas lumawak ang ngiti niya sakin.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now