8

3 0 0
                                    

Nag angat lang ako ng tingin nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Papa na nakangiti habang bitbit ang bag niya. Pero napatayo ako kaagad nang mapagtanto kong hindi siya nag iisa. Kasama niya si Mizuki.

"Pasok ka, hijo," nakangiting sabi ni Papa kay Mizuki. Napatayo rin si Mama at nilapitan ang dalawa. Kinuha ni Mama ang bag ni Papa at agad naman siyang pinatakan ng halik sa labi ni Papa. "Good evening sa maganda kong mag ina," nakangiting bati ni Papa sa amin ni Mama.

"Good evening po, Tita," bati ni Mizuki kay Mama. Nag iwas ako ng tingin at binitbit ang tatlo pang box ng brownies at isang malaking bote ng chocolate drink. Akmang maglalakad na ako paakyat ng hagdan para pumunta sa kwarto ko nang magsalita si Papa.

"Good evening rin," nakangiting bati rin ni Mama sa lalaki.

"Anak, may bisita ka. Aakyat ka na ba kaagad?" Malumanay na tanong ni Papa sakin. Napalunok ako at humarap sa kanila. Agad na nasalubong ko kaagad ang seryosong mga mata ni Mizuki, dahilan para mabilis akong mag iwas ng tingin.

"Maliligo lang po ako, Pa," baling ko kay Papa. Napakunot ang noo niya, mukhang nagtataka sa nangyayari.

"Uh, anak, aakyat muna kami ng Papa mo. Kung gusto nyo sa sala kayo sa taas mag usap. Kumain kayo ng brownies. Masarap iyon, hijo," nakangiting ani ni Mama sa amin.

"I would love to po, Tita," sagot naman ng lalaki.

"May brownies?" Tanong ni Papa kay Mama, mukhang tuwang tuwa dahil bumili si Mama ng paborito rin niya. "Tara na, mahal! Kain tayo sa taas sa kwarto natin!"

Tumawa si Mama at nagtungo sa two door ref namin at kumuha ng apat na box ng brownies at kinuha rin ang isa pang bote ng chocolate drink sa carpeted na sahig. Nakangiti silang umakyat kaya naman naiwan kaming dalawa ni Mizuki. Hawak ko parin ang box ng brownies at chocolate drink. Hinintay ko lang na makapasok sila Mama sa kwarto nila bago ako magsalita.

"Sumunod ka," malamig na sabi ko sa kaniya. Tinalikuran ko na siya at naunang umakyat ng hagdan. Nararamdaman ko naman ang yabag niya paakyat, kaya mas binilisan ko pa ang bawat hakbang ko hanggang sa tuluyan na akong makarating ng second floor.

Nagtungo ako sa sala namin dito sa second floor.Binuksan ko ang sliding door no'n at naupo sa carpeted floor at ibinaba ko ang mga dala ko roon. Naramdaman kong naupo rin si Mizuki sa tapat ko habang ramdam ko rin ang mga titig niya sakin.

"Ba't ka nandito?" Seryosong tanong ko sa kaniya nang mag angat ako ng tingin. Nasalubong ko kaagad ang mapupungay niyang mga mata.

"You know that I want to talk to you about what happened earlier," giit niya. Hindi nagbago ang emosyon sa mukha ko.

"Nakalimutan ko na 'yon. Ano pa bang gusto mong pag usapan?" Medyo inis na tanong ko sa kanya. "Hindi ka makalimot dahil sa halik ng babaeng 'yon sayo kanina? I get it. Don't rub it on my face."

Kumunot ang noo niya at para bang nainis rin dahil sa sinabi ko.

"What? Anong nakalimutan? For pete's sake, wala akong pakialam sa putanginang halik na 'yon! Hindi ikaw ang humalik sakin, kaya bakit ako magkakaroon ng pake?!" Tumaas ang tinig niya, pero hindi ako nagpatinag. Ngumisi pa ako ng sarkastiko.

"And why would I kiss you? Tanga ako kung hahalikan kita! Hindi nga kita gusto! Ano pa bang hindi mo naiintindihan doon?!" Napatayo ako, kaya napatayo rin siya.

"Gusto kita! Gustong gusto nga kita! Ano din sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?!" Hindi rin siya nagpatinag. Nagsisigawan na kami. Mabuti nalang at sound proof ang sala na ito.

"Ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo na wala nga akong pakialam sa nararamdaman mo?! Hindi kita gusto at kahit kailan, hinding hindi ako magkakagusto sa isang katulad mo!" May diin ang bawat katagang sinasabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis at nanggigigil. I even want to slap him real hard.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now