Lunes ngayon, kaya naman maaga akong gumising dahil maaga ang pasok namin. Sa EPNU ako nag aaral o Encelan Pelagio National University. Ang mga magulang namin ni Mizuki ang may may ari ng school, kaya naman kilalang kilala kami ni Mizuki roon.
Hindi nila alam na may galit ako sa lalaking iyon. Masyado kasing mayabang! Porket matalino, akala mo kung sino!
Saktong pagbaba ko ng hagdan ay agad bumungad sakin si Tita CJ kasama si Mizuki. Nagkukwentuhan sila nina Mama sa sala habang kumakain ng cookies na ginawa namin ni Mama kahapon. Si Mizuki naman ay seryoso lang na nakatitig sa cookies na akala mo ay may kasalanan iyon sa kaniya. Pansin ko rin na suot ni Mama ang semicolon necklace na binili namin noong isang araw.
Sa dami ng kwintas na naroon na may maganda ring pendant, iyon ang napili niya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto iyon ni Mama.
"Oh, Hija! Papasok ka na ba?" Nakangiting tanong ni Tita CJ sakin nang tuluyan na akong makababa sa hagdan at lumapit sa kanila para halikan si Mama sa pisngi. Nakipag beso muna ako kay Tita CJ bago palihim na inirapan ang anak niyang seryoso na ngayon na nakatitig sakin.
"Yes po, Tita. Baka po kasi malate ako," nakangiting sagot ko kay Tita.
"Sakto at papasok na rin si Hansuke! Magsabay na kayo para makampante kami na sabay kayong papasok," aniya, dahilan para makaramdam agad ako ng pagtutol. Akmang tatanggi ako nang tumayo na ang lalaki at makipag beso kay Mama.
"Sige na, anak. Mas mapapanatag ang loob ko sa tuwing kasama mo si Mizuki," nakangiting ani ni Mama, dahilan para wala na akong magawa.
Nang magpaalam na kami sa kanilang dalawa, lumabas na kami ng bahay at nagsimulang maglakad papuntang sakayan. Aabutin ng sampung minuto ang paglalakad papuntang kanto, kaya naman binilisan ko nalang ang paglalakad ko.
"Pumayag pa kasi! Nakakainis!" iritableng bulong ko habang mabilis na naglalakad.
"Ayaw mo naman pala akong kasabay, bakit pumayag ka rin?" Pabalang na sabi niya, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at samaan siya ng tingin.
"Alam mo, bwisit ka! Kung sana, sinabi mo kay Tita CJ na may iba kang lakad, edi sana hindi tayo pinagsabay! Asungot ka talaga, eh!"
He scoffed. "Ako, asungot?" Tinuro nya pa ang sarili na para bang may iba pa akong sinasabihan ng ganoon. "Excuse me, Hikari Daichi, ikaw ang asungot. Siguro gusto mo ako makasama kaya ka pumayag na magsabay tayo."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Parang gusto kong masuka dahil sa mga naiisip at sinabi niya.
Ngumisi ako sa kanya at nagpamaywang sa harap nya. "Oo, gusto kita. Problema mo doon?" Maangas na tanong ko sa kanya, dahilan para malalim na kumunot ang noo nya.
"What?" Kunot noo na tanong niya.
"Gusto kitang sakalin! Gusto kitang suntukin! Ano akala mo? Gusto kita? Yuck! Feelingero! Assumero!"
"Hoy! Sumosobra ka na, ah!"
"Ang kapal mo! Feeling gwapo, ampotek!" Sigaw ko sa kanya. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at iiling-iling na naglakad palayo. Nakapamulsa pa siya sa pantalon niya habang naglalakd, kaya naman inis akong nag iwas ng tingin sa kaniya. "Baka ikaw ang may gusto sakin! Siguro gusto mo ako kaya hindi ka rin umangal!"
He scoffed. "I will never like you!"
"Me too! Hinding hindi kita magugustuhan!"
Ano daw? Gusto ko siya? Kahit yata siya nalang ang lalaking natitira sa ibabaw ng lupa, hinding hindi ko siya magugustuhan! Ang kapal ng mukha niya para pag isipan ako ng ganoon, samantalang gusto ko nalang pumikit kapag nandyan siya sa paligid.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...