27

6 0 0
                                    

Busy ako sa pagsasayaw sa music hall nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Mukhang may nagchat. Pero dahil busy ako sa pagsasayaw, hindi ko na iyon pinagkaabalahan na tignan.

I'm grinding while biting my lips because of the beat of the song. I'm trying to dance the trending dance in Tiktok. The song's name is Fantasize. May mga steps akong iniba, kaya naman ganado akong sumayaw. Naka sports bra lang ako habang naka sweatpants. 

Naka bun ang buhok ko dahil alam kong pagpapawisan ako. Pawis na pawis ako dahil kanina pa ako.

Dalawang linggo na ang nakakalipas simula nang makalabas na ako ng ospital. May check up ako ngayon kay Yuki at kasabay din noon ay ang paghatid namin kay Ichad sa airport dahil babalik na siya ng America. Mamaya pa naman tanghali ang paghahatid kay Ichad habang ang check up ko naman ay sa hapon pa kaya baka doon na ako dumiretso sa ospital kung saan nagtatrabaho si Yuki.

Nang matapos sa pagsasayaw, uminom na muna ako ng tubig sa aqua flask ko bago maupo sa kama. Sumandal ako sa headboard ng kama at inabot ang cellphone ko sa kama kung saan ako mismo nakasandal ngayon.

I opened it and checked the chat. My eyes furrowed when I noticed the unknown account messaged me. Dummy account iyon.

I opened it in my message request and read the message.

Only Yours:

hi, miss.

Hmm... lowecase typings. Parang ang gwapo naman nito. Ang lakas makagwapo ng typings nya.

Nag isip pa ako kung magrereply ako sa kanya, pero nang maisip na wala namang dahilan para hindi ko siya replyan, nagtipa na ako ng irereply sa kanya.

Hikari Daichi Pelagio:

Do I know you?

Naghintay lang ako ng ilang minuto hanggang sa mapansin kong nagta-type na siya. Nang tumunog ang cellphone ko, agad kong binasa iyon.

Only Yours:

does it matter?

Napakunot ang noo ko dahil kahit sa chat, para bang naririnig ko ang nagsusungit nyang boses. Aba, kayang kaya ko siyang tapatan! Wala akong inuurungan!

Hikari Daichi Pelagio:

I'm asking you, whoever you are. Answer my question. Damn you!

Napahilot ako sa sentido ko para kumalma. Ito palang ang convo namin, pero para na akong sasabog dahil sa inis.

Only Yours:

I'm only yours. You're not mine, but I'm yours. Only yours.

Napamura ako nang mabasa ang sagot nya. Hindi ko inaasahan na talagang lalandiin nya ako. Hindi ko man siya kilala, pero para bang alam nya kung paano ako makuha.

Damn this whoever he or she is!

Hikari Daichi Pelagio:

Let me tell you na hindi ako pumapatol sa babae. Straight ako.

Only Yours:

straight rin ako. lalaki ako, 'wag kang mag alala.

Hikari Daichi Pelagio:

Do I know you? Magkakilala ba tayo?

Naghintay ako ng ilang isang minuto at kaagad siyang nagsend ng reply.

Only Yours:

take a guess.

At talagang pinag isip nya pa ako! Gago rin 'to, ah!

Hikari Daichi Pelagio:

Just tell me who you are! Wala akong panahong makipaglaro sayo.

Only Yours:

This I Promise YouWhere stories live. Discover now