5

7 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo hanggang sa dumating ang araw na nakapasok na ako sa volleyball team. Saktong one week kaming walang pasok, kaya nagdesisyon kaming magbakasyon muna kasama ang pamilya ni Mizuki.

Kapansin-pansin ang paglayo sakin ng lalaki, kaya naman hinahayaan ko lang siya. Simula kasi noong nangyari ang insidente noon sa court, hindi na niya ako kinausap, sinabayang umuwi at ni dumikit sakin. Mas naging close naman kami ni Yuki.

Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit pakiramdam ko sa tuwing kasama ko si Yuki, si Mizuki ang laman ng isip ko. Minsan pa nga ay bigla kong natatawag na Mizuki si Yuki.

Ano bang ibig sabihin nito?

"Anak, bakit hindi kayo magbonding ni Hansuke? Magkaaway ba kayo?" Tanong ni Papa sakin habang nakaupo swimming pool at nakalubog ang paa ko.

"Pagod po yata siya, Pa," nakangiting sagot ko sa kaniya. "Si Mama po?" pag iiba ko ng usapan.

"Nag iihaw sa likod. Kasama nya ang Tita CJ at Tito Cy mo," nakangiting sagot naman ni Papa. Inilubog nya ron ang paa sa swimming pool at naupo sa tabi ko. "Si Hansuke ba, hindi mo tatanungin kung nasaan?" Nanunuksong tanong ni Papa, dahilan para samaan ko soya ng tingin. Natawa naman siya sa reaksyon ko. "Hay! Dalaga na talaga ang anak ko!" Aniya bago ako inakbayan. Napanguso naman ako habang nakahilig ang ulo ko sa balikat nya.

"Pa, paano mo po ba malalaman kung gusto mo ang isang tao?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Bakit, may nagugustuhan ka na ba?" Pagtatanong nya, dahilan para agad akong umiling bilang sagot. "Pero, sasagutin ko ang tanong mo. Una, malalaman mong kapag may gusto ka sa isang tao kapag hindi mo siya maalis sa isip mo. Kapag hindi mo mapigilang isipin siya. Pangalawa, kapag naiinis ka sa tuwing may kasama siyang ibang babae. Pangatlo, kapag nakukumpara mo siya sa ibang lalaki. At lalo na kapag concern ka sa kaniya hindi lang bilang kaibigan."

Bigla akong napaisip sa mga sinabi ni Papa. Para bang may ganoon akong nararamdaman kay Mizuki, pero hindi ko magawang aminin sa sarili ko na gusto ko nga siya dahil hindi pwede. Magkababata kami. Hindi ko masasabing magkaibigan kami dahil hindi naman kami close, pero baka madisappoint lang sa amin ang mga magulang namin.

Isa pa, hindi ko nga alam kung gusto nya ba ako o hindi. Masyado siyang magulo. Mainit pa ang ulo nya sakin sa hindi ko malamang dahilan.

"Anak, kung may nagugustuhan ka na, 'wag mo kaming isipin. Isipin mo ang nararamdaman mo. Susuporta kami ng Mama mo sayo. Kahit sino pa 'yan, basta masaya ka at nakikita naming mahal ka talaga, susuportahan ka namin kung saan ka masaya," seryosong ani ni Papa, dahilan para makaramdam ako ng tuwa.

They have been very supportive to me ever since. Lahat ng desisyon ko, sinusuportahan nila. Ni hindi nila ako pinagbabawalan. Lahat ng bagay na sinasabi kong gusto ko, nag aapprove sila basta raw ay masaya ako.

"Pa, am I already allowed to have a boyfriend?" Wala na naman sa sariling tanong ko.

Napaangat ang tingin nya, kaya umalis ako sa pagkakahilig sa kaniya.

"Bakit, meron ka na bang boyfriend?" Seryosong tanong nya, dahilan para umiling ako kaagad.

"Wala pa po, Pa. I'm just asking you," nakangusong sabi ko sa kanya, dahilan para bilang siyang matawa. "Papa, stop laughing! Wala pong nakakatawa!"

"Sorry na, anak. Natawa lang ako sa reaksyon mo." Unti-unti siyang tumigil sa pagtawa hanggang sa ngumiti siya ng matamis. "You're already old enough to have a boyfriend, anak. Nag aantay nalang kami ng Mama mo na may dalhin ka sa bahay para naman hindi ka na third wheel sa amin ng Mama mo. But, seriously, sana ay makatagpo ka ng lalaking mahal ka, anak. I'm dying to wish that for you. Kami ng Mama mo, gusto namin na maging masaya ka."

This I Promise YouWhere stories live. Discover now