"Mag iingat kayo doon, ah?" Paalala ni Mama nang nasa labas na kami ng airport. Bitbit ko na ang maleta at hand carry ko habang si ate ay dala ang maleta nya pati na rin si Tiffany.
Matamis akong ngumiti kay Mama habang naririnig ko ang mga bilin ni Papa kay ate at kay Tiffany.
Inangat ni Mama ang kamay nya at inabot ang pisngi ko. Sasama ako ngayon kila ate sa ibang bansa dahil gusto ko munang huminga pagkatapos ng mga nangyari.
"Yes po, Ma. I will always remember that," I assured her. She smiled sadly while looking at me.
"I will miss you, anak. Mamimiss ka talaga namin ng Papa mo," pumiyok ang tinig nya, kaya naman kinabig ko siya para yakapin. Niyakap niya kaagad ako pabalik at hinaplos ang buhok ko.
"Ma, uuwi rin naman po ako, pero matatagalan lang po. I will call you everyday, Ma. Don't worry," I said.
"Basta! Mamimiss ka parin namin ng Papa mo," ungot nya, dahilan para bahagya akong matawa. Nnag kumalas na kami sa pagyayakapan, bumaling ako ng tingin kay Papa at napansin kong nakatitig na siya sakin, naghihintay ng yakap ko. Napansin naman iyon ni Mama, kaya muli siyang nagsalita. "Sige na, go to your father."
"I love you, Ma," I wholeheartedly said to her before walking towards Papa who was still looking at me. "Pa..."
He spread his arms, making me hug him. Mas lumapit pa ako sa kanya at kaagad siyang niyakap. Mahigpit nya akong niyakap habang pinapatakan ng halik ang sentido ko.
"Mag iingat kayo roon, ah? Don't forget to update us," bilin nya habang nakayakap parin sakin. "Ibinilin kita sa ate mo. Siya muna ang kasama mo habang naghihintay kami sa pagbalik nyong magkapatid, ah? Mamimiss ko kayo, mga anak."
Napabuntong hininga ako at mas isinubsob pa ang mukha ko sa kanyang dibdib. Bahagya kong nilingon si Mama na ngayon ay niyayakap na ni ate at ni Tiffany. Napangiti ako dahil doon.
"Mag iingat rin po kayo dito, Pa. Take care of yourself and especially, Mama. Don't forget to visit your psychiatrist, hmm?"
Naramdaman ko naman ang pagtango nya bilang sagot, dahilan para mamuo ang luha sa mga mata ko.
"I'm sorry for being selfish this time, Pa," paghingi ko ng tawad. Naramdaman ko naman ang kamay niyang humahagod sa likod ko, pinapakalma ako. "I will just take a deep breath and I will definitely go back here when I'm finally fine."
"Anak, it's not being selfish to prioritize yourself. Sometimes because of being selfless, we tend to forget about ourselves, but look at you. We're so proud of you. You've gone too far, anak... kayo ng ate mo. Kayo lang ang kayamanan namin ng Mama mo at masaya na kami kapag masaya kayo," he sincerely said.
"I will miss you big time, Pa... kayo po ni Mama. Please also update us."
"Yes, anak. Basta, 'wag kalimutan ang medication mo," paalala nya bago kumalas sa pagkakayakap sakin. Malungkot siyang ngumiti nang makita ang kwintas ko. "Keep that necklace as a promise of not to kill yourself. Ihahatid pa kita sa altar, anak."
May paninigurado akong ngumti kay Papa bago tumango. They already know what my condition is, which makes them more worried about me.
"I will, Pa. I will," I answered with a smile plastered on my lips.
Ngumiti sya at bahagyang ginulo ang buhok ko. Pagkatapos ng limang minuto, nagpaalam na kaming kailangan na naming pumasok sa loob dahil baka malate kami sa flight namin at baka maiwan kami ng eroplano.
Niyakap nila ulit kami bago kami tuluyang pumasok ng airport. Nag asikaso na kaagad kami bago kami naghintay na tawagin para sa flight namin. Habang nakaupo, napalingon ako sa labas ng airport at napansin ko na wala na sila doon sa labas. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko at nag unahan iyon sa pagpatak. Hindi ko akalain na iiyak ulit ako sa ganitong sitwasyon, pero dahil mamimiss ko sina Mama at Papa.
YOU ARE READING
This I Promise You
De TodoHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...