Mabilis lumipas ang oras. Maaga kaming natulog dahil maaga rin ang flight namin bukas pauwi ng Pilipinas.
Habang nasa loob na kami ng eroplano, magkatabi kami ni Ichad. Naagaw ng atensyon ko ang isang lalaking animong may kausap sa kaniyang cellphone. Isa siyang flight attendant.
“Pauwi na ako, mahal ko,” emosyonal na aniya. “Kapag nakauwi na ako, ibibigay ko sayo ang lahat ng oras ko. Sayong sayo ang atensyon at buong oras ko.”
“Sus! Tapos nagpapaalam ka na pupunta ka sa mga kaibigan mo!” Asik naman ng babae sa kabilang linya. Natawa naman ang lalaki sa sinabi ng babae.
“Promise, hindi!” Itinaas nya pa ang isang kamay nya, nangangako. “Miss na miss na kita, eh. Sayo lang ang oras at atensyon ko ‘pag uwi ko dyan, promise.”
Sana all.
Napabuntong hininga nalang ako at ininom ang wine na inorder ko. Naramdaman ko namang nakatitig sakin si Ichad, kaya naman nag angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso lang siyang nakatitig sa akin na para bang inoobserbahan ako. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
“What?” Nagmamalditang tanong ko sa kaniya.
“Nothing,” napapabuntong hiningang sagot nya. Napailing nalang ako at sumimsim ng wine sa baso ko.
I suddenly remembered him and our relationship. How our relationship became happy until it became more hurtful.
Natatandaan ko lahat. Naaalala ko pa ang… lahat. Kung anong mga ginawa nya. Hind ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko sa kaniya para maging ganoon siya sakin.
Time. Love. Devotion.
Iyon ang nawala sa isang iglap. Para bang isang pitik lang, nawala ang lahat ng pinangarap kong relasyon.
Buong flight namin, natulog lang ako sa eroplano para maiwasan na rin ang pag iisip tungkol sa lalaking minsan ko nang minahal.
Our relationship made me feel not important. It made me feel insecured. Made me feel stupid for waiting for a change. His immaturity… it’s nothing buy a mistake. I mistakenly loved him.
And now, his now with Sakura… his ex M.U. Naglalaan na siya ngayon ng oras sa kaniya na samantalang sakin ay pahirapan nya pang ibigay.
His now matured enough to handle a relationship. Baka naman kasi hindi niya sakin gustong ilaan ang oras nya kundi sa ibang tao. Baka hindi ako ganoon kaimportante para paglaanan ng oras.
I guess our relationship was just a lesson… lesson for the both of us. We learned alot from it.
From being an inseparable couple to a separated couple.
I suddenly remembered how much I cried because of him. I cried day and night just to ease the pain that I felt, but it became more painful for me. Ni hindi ko siya nakikitang umiyak kahit isang beses. I guess, hindi naman niya ako ganoon kamahal para iyakan at panghinayangan.
Pero ako, matinding panghihinayang ang naramdaman ko kahit isang taon lang naman ang relasyon namin. Sabay kaming gumraduate. Sabay kaming nagplano ng mga pagbuo ng pangarap namin, pero heto at maghiwalay kaming tinahak at inabot ang mga pangarap namin.
Bigla kong naalala ang mga ngiti niya noong nagkita kami kahapon. Para bang ang saya saya niya habang kausap niya ang girlfriend niya. That smile… It used to be because of me.
Dahil connected flights kami dahil pagmamay ari ni Ichad ang isa sa eroplanong sinasakyan namin, nag stop over lang kami para kumain. Nagrefill na rin ng gas ang eroplano, kaya naman nang matapos, umalis na rin kami kaagad at bumalik sa eroplano. Natulog lang ulit ako hanggang sa magising nalang ako sa announcement ng piloto na nandito na kami. Nasa Pilipinas na kami.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...