6

3 0 0
                                    

“Ikaw ang tangi kong iniibig…” Pagkanta ni Miracle habang naglalakad kami papunta sa susunod na subject namin. Dati kasi ay kami ang pupuntahan, ngayon naman biglang nag iba ang memo sa amin at kami na raw ang pupunta per subject kagaya ng ibang schools and universities.

May pagka unique kasi noong una ang campus namin dahil syempre, ayaw ng mga magulang namin na nahihirapan kami, pero ngayon, nag iba na ang patakaran.

Namula ang pisngi ko nang maalala ang pagkanta ni Mizuki kanina. Tatlo lang iyon, pero para bang sa mga sandaling nanonood at nakikinig ako sa mga kanta niya, para bang lumalabo ang mga tao sa paligid ko at siya lang ang nakikita ko.

Posible palang mangyari iyon.

“Siguro inlove si Mizuki. Madalas ko siyang nakikitang nakatitig sa phone niya kapag walang prof. Hindi ko naman makita dahil ceramic ang tempered glass niya,” nakasimangot na pagkukwento niya. Kung normal na araw ito, tatawanan at babatukan ko pa siya dahil sa kalokohan niya, pero dahil sa nangyari kanina, wala akong lakas para gawin iyon.

“Timang! Kumanta lang, inlove na kaagad? Baka naman inspired lang,” pagbibiro ko sa kaniya. Nagkibit balikat siya at para bang nawawalan ng pag asa.

“Pwede naman siyang magkagirlfriend kahit hindi ako! Pero papayag lang ako kung ikaw iyon,” pagmamaktol niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. “Baka kung ibang babae, masampal ko kaagad at ma-Dean’s Office pa ako. Lagot ako kina Tita Dove at Tita CJ.”

Napalunok ako at hindi kaagad nakapagsalita. Nang makitang malapit na ako sa room ko, nagpaalam muna ako sa kaniya bago pumasok sa loob. Nakaupo ang babaeng prof sa teacher’s chair habang ang mga gamit ay nasa ibabaw ng teacher’s table kung saan nasa harap niya ito at nakapatong rin ang dalawang kamay niyang magkasiklop sa ibabaw no’n.

Dire-diretso akong pumasok sa loob at naghanap ng bakanteng upuan. Napabuntong hininga ako nang makitang bakante sa upuang katabi ni Yuki. Mabilis akong kumilos papunta roon at naupo sa tabi nya.

“Look who’s almost late,” aniya habang inaayos ko ang bag ko sa upuan ko.

“Whatever,” pagsusungit ko sa kaniya.

“Our dean will be here any minute. Be ready,” ani ng prof namin, dahilan para makaramdam ako ng kaba. Mrs. Salistre, our dean, is very strict and very meticulous. Lahat ng bagay napapansin nya, kaya dapat ay maingat ang bawat galaw namin sa loob at labas ng campus.

Natameme kami sandali bago ko narinig muling magsalita ang katabi ko.

“Your friend is a very jealous guy, ‘no?” I can sense that he’s now smirking. Hindi ako nag abalang lingunin siya at straight body lang na nakatingin sa harapan habang nakapatong sa ibabaw ang dalawang kamay kong magkasiklop. “Magkaibigan lang ba talaga kayo? O baka more than friends?”

“Why do you care?” I strictly told him. “You’re also my friend, but you're minding my business. Mizuki was not like you.”

I heard him chuckle. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis. Pakiramdam ko, masyado naman yata siyang nang uusisa.

“I like you.”

Doon ako natahimik. Hindi ko mahanap ang tamang salitang dapat kong sabihin dahil isang pagkakamali lang, baka mag assume kaagad siya.

“I like you more than a friend,” he clarified.

Now that he’s confessing his feelings, I don’t know what to say. Magkaibang magkaiba sila ni Mizuki. I can say that Mizuki confessed his feelings because of his anger, while Yuki confessed to me without any reason.

“I told him about that, but he ended up being pissed and punched me. Your friend acting like your boyfriend, Hikari Daichi.”

Hindi ako makapaniwalang tinawag nya ako sa full name ko. Kahit si Mizuki, hindi ako tinatawag sa buong pangalan ko. Minsan ay Hikari o Daichi ang tawga nya sakin, pero ngayon ay may bagong siyang tawag sakin na Kari.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now