Pagpasok namin sa room, natigil sa pagsasalita ang prof namin. Napalingon sila sa amin nang mag excuse kami.
"Sorry, were late, Miss," sabay naming sabi ni Yuki. Tinignan niya lang kami bago iminuwestra ang upuan namin. Itinuloy niya ang sinasabi niya habang kami ay nakaupo na sa mga upuan namin.
Nakinig kami sa discussion habang nagti-take notes sa notebook namin. Mataman kaming nakikinig nang sa peripheral vision ko, napansin ko ang paglingon ni Mizuki sa akin bago tumingin kay Yuki na nakikinig sa tabi ko. Blangko lang ang mukha niya habang nagpapalipat lipat ng tingin sa aming dalawa.
Napabuntong hininga ako bago mag angat ng tingin sa lalaki. Masungit siyang nag iwas ng tingin. Napansin ko pa ang pag igting ng panga niya, para bang may galit na naman sa mundo.
Napailing nalang ako at inalis na kaagad ang tingin sa kaniya. I should focus on our discussion and not on him. Wala naman akong mapapala sa kaniya. Mag aaral nalang ako.
And besides, may babae na siyang kinikita. Damn it! I'm surely fine with it! Wala naman akong pakialam!
"Ano naman ngayon kung may iba ka na?" Biglaan kong nasabi, dahilan para mapatigil ako dahil napagtanto kong hindi iyon pabulong.
"Excuse me, Ms. Pelagio? Is there a problem?" Untag sakin ng prof namin. Nag angat ako ng tingin sa kaniya at narinig ko ang mahinang halakhak ni Yuki sa tabi ko. Napalunok ako at kaagad na ngumiti.
"N-No po, Miss. I'm sorry," napapahiyang sabi ko.
"Okay, as I was saying..."
Napapikit ako at napamura ng mahina dahil sa katangahan ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko!
Nagawa ko pang iboses iyon samantalang akala ko ay bulong ko lang iyon nasabi!
"Oo nga, hindi ka nga nagseselos," natatawang sabi ni Yuki, dahilan para pandilatan ko siya.
Nang matapos ang discussion, umalis na kami at naglakad na papunta sa susunod naming subject. Habang naglalakad, napalingon ako sa gilid ko at nagulat ako nang makita si Miracle na nakasabay sakin sa paglalakad habang bitbit ang bag sa kabilang braso niya. Nakangiti siya pero hindi abot sa kaniyang mata.
"Akala ko ba aabsent ka?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Nag angat siya ng tingin sakin at maliit na ngumiti.
"Sayang, eh. Tsaka, malapit na ang exam, kaya kailangan ng maghanda," paliwanag niya. Tumango naman ako at hindi na nagsalita. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga, kaya hindi ko maiwasang mag alala.
"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko sa kaniya.
"Yeah... don't worry about me," napapabuntong hiningang sagot niya.
"You know that you can lean on me, right? We're friends, Miracle. I'm not just nobody. You can tell me anything, I won't mind," I assured her.
"Nah, I'm fine, really," she said. "How about you? Are you okay?"
Napalunok ako at kinalma ang sarili. Maliit akong ngumiti sa kaniya at marahang tumango.
"Yes! Of course, yes!" I answered with confidence. Napangisi naman siya at nang mapagtantong nasa tapat na kami ng room namin para sa next class, sabay na kaming pumasok sa loob.
Naghanap kami ng upuan at naupo sa bakanteng upuan. Pero kaagad akong natigilan nang makita si Mizuki na may kasamang babaeng nakacivilian. Nakacroptop ito na kulay puti at nakablue pants. Maputi siya, pero mas maputi ako sa kaniya. Malaki ang mga mata, habang ako ay singkit. May katangkaran rin ito at maganda ang hubog ng katawan.
Nasa labas sila at nag uusap habang nagtatawanan na akala mo ay sila lang ang naroon. Kasama nila ang Dean habang kinakausap sila nito.
"Are you the girlfriend of Mr. Encelan?" Nakangiting tanong ni Dean sa babae. Natigilan ako at parang tumigil sa paghinga ang puso ko. Nanatili akong nanonood sa kanila habang sila ay nakatalikod sa gawi ko, kaya hindi nila ako nakikita.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...