35

20 0 0
                                    

"Why don't you choose this dress?" Tanong ni Yuki habang ipinapakita sakin ang isang midi dress na kulay brown na sa tingin ko ay fitted dress. Simple lang iyon, pero dahil medyo nag aalangan ako sa damit na iyon, naghanap pa ako ng iba na mas pasok sa taste ko.

Nandito kami ngayon sa isang designer shop kung saan may damit na mga pang babae at panlalaki. Unique ang design ng mga iyon, kaya naisip kong dito nalang kami magpunta dahil free naman ako ngayon.

I'm now in a model agency kung saan nagagamit ko ang ganda at tangkad ko. Kasa-kasama ko lagi si Yuki dahil nanliligaw na siya sakin. Halos magdadalawang taon na nya akong nililigawan. Umuuwi kami ng Pilipinas at sabay rin na bumabalik rito dahil sa trabaho ko.

"What else? I'll pay for it," aniya, kaya mabilis akong humarap sa kanya at umiling.

"I have money! I will pay!" I said, refusing him to pay for my dress again.

"Nah ah! I'm your suitor, Daichi. I should pay," he kept on insisting. I pouted my lips and rolled my eyes at him, that made him chuckle.

Mas lalo akong nainis at namili pa ng mga damit na magagamit ko sa photoshoot ko mamayang hapon. Nakasunod lang naman siya sa bawat kilos ko hanggang sa tumigil siya sa may cashier. Hinayaan ko lang siya at namili pa ng mga tube na damit at kung ano anong revealing para asarin siya.

Nang matapos, halos punong puno ang tatlong basket kung saan nandoon ang mga damit na napili ko at tinulungan naman ako ni Yuki na iakyat ang mga basket sa cashier. Nilingon ko siya nang maiakyat nya na lahat at kaagad nya akong pinagtaasan ng kilay nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya. Inirapan ko lang siya at pinanood kung paano i-punch isa-isa ang mga damit na napili ko.

Napasimangot ako nang makitang halos ilang libo na kaagad inabot ang isang basket, pero dahil handa naman ako para rito, hinayaan ko lang iyon hanggang sa umabot ng 100,000 ang bill. Napanganga ako at akmang ilalabas na ang wallet sa bag na dala ko nang biglang magsalita ang cashier.

"It's already paid, Ma'am," she said, which made me gulp and turned my gaze on the man beside me. He smirked evilly at me when he saw my reaction.

"I told you, it's on me," prenteng sabi nya, na para bang mura lang inabot ang mga damit ko.

"Damn you!" I cursed him. He just smirked at me and got the paper bags of my dresses.

Binuhat niya iyon na para bang wala siyang dala. Nakasimangot lang ako hanggang sa makarating na kami sa sasakyan sa may parking lot. Inilagay nya sa backseat ang mga paper bags at inayos ang pagkakasalansan noon. Ako naman ay nandito na sa loob ng passenger seat habanf naghihintay sa kanya. Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto sa likod, pumihit siya sa kabila at pumasok sa driver's seat.

Nang makapasok na siya sa loob, sinulyapan nya pa muna ako bago nya paandarin ang makina ng sasakyan. Tahimik lang kami hanggang sa magdrive na siya paalis roon.

Habang nasa kalsada na kami, bigla siyang nagsalita.

"Anong oras ng shoot mo mamaya?" Kalmadong tanong nya habang nagmamaneho. Nakatingin lang ako sa unahan habang pinapanood ang mga kasunod namin na mga sasakyan.

"Two pm, pero pwede namang kahit hindi mo na ako ihatid. Hiniram ko naman kay ate ang sasakyan nya," sagot ko sa kanya.

"Ihahatid na kita. I have no patients for today. You know, I want to give my free time to you only," he said, sounding so serious and sincere.

Wala sa sarili akong napatango at napabuntong hininga. Hindi parin ako sanay sa lagay namin. Naninibago parin ako dahil mas sanay akong magkaibigan lang kami.

"I understand, but you should have time to rest. You look so smitten."

"Bakit, hindi ba?" Tanong nya, dahilan para nakangiwi ko siyang nilingon.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now