28

12 0 0
                                    

"Pa, pakibaba po ako sa ospital kung saan po ako naadmit noong nakaraan," sabi ko kahit pansin kong malayo pa kami.

"May check up ka ba sa doctor mo? Samahan ka na nanin," ani ni Mama, dahilan para mapansin kong tignan ako ni Papa mula sa side mirror.

"No need na po, Ma. I can handle myself," nakangiting sagot ko.

"Are you sure?" Papa asked, confirming it.

"Yes, Pa. Don't mind me. Just drop me outside the hospital," I answered. They nodded as I felt relief. Lumingon ako kay Tiffany at napansin na tulog siya, kaya naman napabuntong hininga ako at inayos ang pagkakahiga nya. Umusog pa ako ng konti sa bandang dulo para makahiga siya. Nilagyan ko siya ng unan sa ulo at kumuha pa ako ng unan na mahaba sa likod at ibinigay iyon sa kanya. Kaagad nya naman iyon na niyakap.

Mabilis lang ang naging byahe namin dahil wala namang traffic. Ibinaba nila ako sa labas ng entrance ng ospital. Bago ako makababa, nagbilin pa sila.

"Mag iingat ka. Don't forget to call us. Ipapasundo nalang kita sa Papa mo," bilin ni Mama.

"Magcocommute nalang po ako, Ma," sabi ko, dahilan para mapabuntong hininga sila.

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Mama. Ngumiti ako at tumango. KInuha ko na ang sling bag ko na may laman na wallet at cellphone ko.

"Do you still have cash? May pera ako rito. Wait," ani ni Papa, dahilan para mabilis akong umiling. Mabilis nyang kinuha ang bag nya at hinanap roon ang wallet. Akmang bibigyan nya ako ng makapal na tig iisang libo nang mabilis kong tinanggihan.

"Pa, I still have cash with me," mabilis na sagot ko, dahilan para lingunin nya ako habang hawak pa rin ang pera sa kamay nya.

"You sure? You can keep it. Don't mind us," Papa said like he still had a lot of cash in his wallet.

"Pa-" Mama immediately cut me off. She turned her gaze on me and raised her eyebrows.

"Magtatampo kami ng Papa mo kapag hindi mo tinanggap 'yan," Mama warned me. "Keep it. You can eat outside after your check up. Don't ever starve yourself."

Matamis akong ngumiti habang nagpapa-lipat lipat ang tingin ko sa kanila ni Papa. Kinuha ko ang cash sa kamay ni Papa at niyakap silang dalawa ni Mama. Niyakap rin nila ako at pinatakan ako ng halik sa magkabilang sentido ko.

"Thank you for everything, Mama, Papa," I wholeheartedly said while hugging both of them. "I'm so grateful that you are my parents. I love you so much."

"We are grateful too that you are our daughter, Daichi. We love you so much too," Mama sincerely said.

"Kayo ng Mama at ate mo ang kayamanan ko, anak. Masaya ako basta nandito kayo sa tabi ko at masaya kami ng Mama nyo basta masaya kayo. That's more than enough for us, anak," Papa whispered to me sincerely too.

Napangiti ako at agad pinalis ang tumulong luha sa mata ko. Natawa ako ng bahagya at humiwalay sa pagkakayakap sa kanila.

"Tama na nga po ito, Ma, Pa. Baka po mag iyakan pa po tayo rito," natatawang sabi ko. Natawa rin silang dalawa at ginulo ni Papa ang buhok ko habang natatawnag kinurot ni Mama ang pisngi ko.

"Take care, ha? Magtext at tumawag ka," paalala ulit ni Mama.

"Yes, Ma," sumaludo pa ako sa kanilang dalawa, dahilan para matawa lalo sila sa kalokohan ko. Matamis akong napangiti nang abutin ni Papa ang noo ni Mama at pinatakan iyon ng halik. Kahit hindi ako si Mama, hindi ko mapigilang kiligin at mainggit.

"Halika nga ritong bata ka," malambing na sabi ni Papa, kaya lumapit ulit ako at kaagad nyang pinatakan ng halik ang sentido ko kagaya ng ginawa nya kanina. "Mag iingat ka, ah?" Paalala ni Papa.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now