Ilang araw pa ang nakalipas hanggang sa maging maayos na ako at nakapasok na rin ako sa campus. Kapansin pansin ang pagiging busy ng mga tao.
Isang linggo lang akong nawala, pero heto at parang maraming nagbago.
Dumiretso ako sa court dahil may practice kami ng volleyball ngayon. Two weeks pa bago ang laro namin, pero kailangan naming maging seryoso sa bawat practice. We can't afford to lose.
Habang naglalakad, napansin ko ang bulung-bulungan ng mga estudyante sa magkabilang gilid ko. Hindi ko maiwasang magtaka, pero hindi ako nagtanong.
Nang makarating sa court, naabutan ko ang mga kasama ko sa volleyball team. Nag angat sila ng tingin nang mapansin ang paglapit ko. Lumapit ako sa kanila at naupo bago ibinaba ang bag ko. Nag ipit pa ako para hindi ako mairita sa mahabang buhok ko mamaya kapag nagsimula na ang practice.
"Nakapag routine na kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Yes." Si Sam ang sumagot. Tumango lang ako at kinuha ang jersey sa bag ko bago nagtungo sa comfort room ng court. Meron namang comfort room dito kung sakaling magpapalit ng damit o bathroom break.
Pumasok ako sa isang cubicle at agad hinubad ang damit na suot ko. Habang abala sa pagpapalit ng damit, narinig ko ang pagpasok ng kung sino man.
"Nakita mo na 'yung babaeng laging kasama ni Hansuke? Mukhang maarte!" Rinig kong sabi ng isang babae, mukhang mula sila sa badminton team.
"Oo! Nakakairita nga! Hindi na makapagfocus si Hansuke sa basketball dahil sa pag iinarte! Girlfriend nya ba iyon?" Iritang sagot ng isa pang babae.
Nakapagbihis na ako, pero hindi ako lumabas ng cubicle. Nanatili akong nakinig mula sa loob.
"I hope not! Mas ship ko pa sina Hansuke at si Daichi! Maldita man siya, mabait naman at responsable! I hate that Aeleigh! She's just obviously a flirt!"
Napakuyom ang kamao ko dahil sa narinig. Akala ko ba magpinsan sila? Bakit ganito ang mga naririnig ko?
"I heard, balak niyang sumali sa badminton or volleyball team! Hindi siya pinayagan ni coach Rel at coach Saf dahil halata namang hindi marunong!"
"Landi lang ang alam no'n! Ano naman kung maputi siya? Walang wala siya sa ganda at kaputian ni Daichi! Kinakalaban nya ang magiging girlfriend ni Hansuke! Ugh! That bitch!"
Halata sa tinig nila ang pagkasuka sa babae. Mukhang lumalabas ang ugali nya. Nagiging halatang may gusto siya sa sarili nyang pinsan.
"Disgusting bitch!" Rinig kong kumento pa ng babae. "Sana lang ay parusahan siya ni Daichi! Gusto kong makita si Daichi na nagmamaldita! Pambato ko siya! Bagay pa sila ni Hansuke!"
Maya maya, narinig ko ang pagsasalita ng isa pang babae na mukhang kakapasok palang para tawagin ang dalawa pang babae na nag uusap kanina pa.
"Girls, warm up daw sabi ni coach Rel!" Rinig kong sabi ng isa pang babae.
"Susunod na kami!" Sagot naman ng dalawa sa babaeng tumawag sa kanila. "Tara na nga! Hindi naman worth it pag usapan ang malanding iyon!"
Nang marinig ko ang yabag nilang papalabas, doon lang ako lumabas ng cubicle. Napabuntong hininga ako at bumalik sa mga kateam ko, pero agad akong napakunot ng aking noo nang makita si Aeleigh na kinakausap ang coach namin.
"Anong nangyayari? Bakit niya kinakausap si coach Saf?" Tanong ko sa mga kateam ko na nasa bench at nagpupunas ng pawis. Nag angat sila ng tingin sakin at si Zaira ang sumagot ng tanong ko.
"Well, she's convincing coach na kunin siya sa team. Desperada lang talaga," napapairap na sagot ni Zaira. Napairap rin si Sam at Viega na katabi ni Zaira.
YOU ARE READING
This I Promise You
De TodoHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...