10

7 0 0
                                    

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mama habang may bitbit na tray ng pagkain pagpasok nya ng kwarto ko. Nandito ako ngayon sa bahay dahil kailangan kong ipahinga ang sprain ko. Kailangan kongf makarecover kaagad.

"Ayos lang naman po, Ma. It's been four days na rin, kaya po medyo unti unting nagiging maayos ang sprain ko," nakangiting sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya at inilapag sa ibabaw ng bedside table ko ang tray ng pagkain.

"I cooked your favorite! Sopas!" Nakangiting sabi niya bago ko abutin ang tasa na punong puno ng sopas. Medyo hindi na masakit ang siko ko kapag gumagalaw ako. Kailangan ko nalang talagang ipahinga ng mabuti ang mga ito dahil ayokong mas lumala pa ang pagka sprain ng siko at tuhod ko. "Dahan dahan, ah. Careful. Mainit 'yan."

Tumango lang ako at sumubo ng sopas. Napapikit ako sa sarap. Sunod sunod ang naging pagsubo ko, habang si Mama ay tatawa tawang pinapanood ako.

"By the way, hindi ko pa nasasabi sayo na may bago nga palang nakatira dito sa compound sa tabi ng bahay nina Mizuki," pagkukwento ni Mama. Hindi ako nagsalita at dire-diretso lang ang pagkain ko. "Her name is Aeleigh Diane Glaze."

Doon ako nabulunan. Nasamid ako at umubo ubo dahil sa init ng sopas. Kinuha ni Mama ang tasa at inabutan ako ng rolyong tissue. Inabutan niya rin ako ng tubig habang hinahagod ang likod ko.

"Sabi ko sayo mag ingat ka, eh."

Binalewala ko ang sinabi niya at nagtanong.

"M-Ma, tama po ba 'yung narinig ko? May bagong nakatira dito sa compound? I mean, how? Who is she?"

Napakunot ang noo nya at itinagilid pa ng bahagya ang kaniyang ulo na para bang nagtataka sa reaksyon ko.

"Si Aeleigh Diane Glaze. Hindi ko alam kung kaano-ano siya ni Hansuke, pero mukhang close na close ang dalawa. Meron rin siyang kasamang iba pang babae tsaka tatlong lalaki."

Hindi nakuntento sa isa. Marami pa siyang babae. Iba rin talaga ang karisma ng kumag na 'yon!

"AJ Madrigal, LJ Madrigal, Stephanie Madrigal," inisa isa ni Mama ang mga pangalan ng mga babaeng kasama ni Mizuki. Hindi ko maiwasang mainis. "Tapos yung apat na lalaki, si Mark Jay Madrigal, Marky Soledad, si Dexter Encelan, tsaka yung bata sa lalaki, si Morphy Soledad."

Napakunot ang noo ko sa pagtataka dahil parang magkakaparehas sila ng apelyido.

"Wait... kilala mo po sila, Ma? Paano?"

"They are Hansuke's cousin! Don't you know them?" Pagtatanong ni Mama sakin. Umiling naman ako bilang sagot. "Sabagay, hindi naman sila dito lumaki dahil nasa Bicol sila at ang iba ay nasa Cavite lumaki."

Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Pinsan naman pala nya ang mga iyon. I have nothing to worry about.

Wait, why would I worry about him?

"How about the other girl, Ma?"

Nagkabikit balikat siya, kaya naman nagsimula akong makaramdam ng kaba.

"I don't know if they are cousins or what, but cousins don't sleep on the same bed in one room alone."

Doon bumagsak ang balikat ko at parang umikot ang paligid ko. Nagtatabi sila? Natutulog sila ng magkatabi? At hinahayaan iyon ni Tita CJ? Bakit?

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tinapos ko nalang ang pagkain ko hanggang sa lumabas na si Mama para sabihin na ilalabas nya lang ang pinagkainan ko.

Tulala lang ako habang iniisip ang sinabi ni Mama kanina. May bagong nakatira rito sa compound. Live in na sila? Bakit? Masyado pa silang bata para magsama sa iisang bubong!

This I Promise YouWhere stories live. Discover now