"Suotin mo na 'yan, anak."
Kanina pa ako pinipilit na Mama na suotin ang maliit na damit na pang kasal. Ako ang kapartner ni Hikari sa kasal ng ate nya. Flower girl kasi siya.
"Ma, ayoko po siyang maging partner," pagtanggi ko. Ayoko siyang partner-an sa kasal dahil may paniniwala ako na kung sino man ang kapartner ko sa kasal kapag nagpartner ako sa flower girl, 'yon rin ang mapapangasawa ko.
"You have to wear it, anak. Just for this day. Do it for Mama, please?" Pagpapacute niya, dahilan para wala na akong magawa. Hindi naman siguro totoo ang paniniwala ko. Baka haka-haka lang iyon.
Ngayon ang araw ng kasal ni Hikari na si ate Hachi Daiki sa kababata rin nito na si kuya Marc na taga rito rin malapit sa compound. I wonder kung paano nangyari iyon dahil ang alam ko, wala namang nagkakatuluyan na magkababata.
Naligo na ako kaagad at nagbihis ng puting long sleeves na sukat na sukat sakin. Nagsuot na rin ako ng itim na slacks at itim na sapatos. Nagsuklay ako ng buhok at nagpamake up sa make up artist.
Mabilis lumipas ang oras at nagsimula na ang seremonyas. Isa isa kaming pumasok. Nauna kaming mga bata habang nakasukbit ang kamay ni Daichi sa braso ko habang hawak niya ang bouquet ng bulaklak habang nagsimula na kaming maglakad. It feels surreal. Pakiramdam ko, kami ang ikinakasal.
Tumutugtog ang kantang This I Promise You. Habang tumutugtog iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan lalo na nang mapalingon ako kay Daichi na nakangiti habang nakatingin ng diretso sa harapan. May camera sa unahan, kaya malamang sa malamang na nakuhanan roon ang pagtingin ko sa kaniya.
Nang maghiwalay na kami, naupo siya katabi ng iba pang batang kasama rin namin habang ako ay naupo sa kabila sa tabi naman ng mga escort. Hindi kumalma ang puso ko, kaya wala sa sarili akong napahawak roon habang nararamdaman ko lalo ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng ganito, pero binalewala ko lang iyon.
"You may now kiss the bride," the priest announced. Nagtinginan ang dalawang ikinakasal sa unahan habang nagsimualng itinupi ng groom ang veil na nakaharang sa mukha ni ate Hachi. Nakangiti ang babae habang ginagawa iyon ng groom. After that, inabot ng lalaki ang pisngi ni ate Hachi at unti unting inilapit ang labi sa labi nito.
Napapikit ako nang biglang mag iba ang nakikita ko. It was suddenly me and Daichi. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naiimagine ko, pero nag humirantado ang puso ko habang naiisip iyon.
No, it's impossible to happen. Magkababata kami ni Daichi, kaya imposibleng mangyari iyon.
After that, akala ko ay babalik na sa normal ang nararamdaman ko, pero lalo lang iyong lumalala habang lumalaki kami. Sinusungitan ko nalang si Daichi dahil natatakot akong mas lumala ang nararamdaman ko at tuluyan na akong hindi makaahon.
"Anak, bakit hindi mo yayaing maging partner sa JS nyo si Hikari?" Tanong ni Mama sakin habang namimili kami ng damit para sa JS namin.
"Ma, may nagyaya naman na sa kanya. Tsaka isa pa po, ayoko po siyang maging partner," nanunuyang sagot ko kay Mama. Napanguso naman si Mama.
"Dapat kasi inunahan mo! Mabagal ka yatang kumilos, eh! Katulad ka yata ng Papa mo, eh!"
Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagsalita. Hindi ko alam kung bakit todo ship si Mama sa amin ni Daichi. Pakiramdam ko tuloy, gusto nya lang akong pagtripan.
Pero nakalimutan ko rin kaagad ang weird na nararamdaman ko para kay Daichi nang makilala ko si Sakura. Grade 9 kami naging magkaklase ni Sakura. Nagustuhan ko siya, kaya sinubukan ko siyang pormahan.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...