Nang turn na namin sa pagpasok sa simbahan, marahan at maingat ang bawat galaw namin. Ang bawat paglalakad namin ay maingat at may respeto dahil simbahan ito, bahay ng Diyos.
Isa isa kaming tumigil para humawak sa mga santo. Nagdasal pa ako bago lagpasan iyon nang makapagpunas na ng panyo roon. Nag sign of the cross ako bago kami umikot sa kabila dahil may misa pa at bawal ang maingay sa simbahan.
Nang makalabas, nagstay lang kami sa labas habang naghihintay sa iba pa naming kaklase na naiwan sa loob habang ang iba ay bumibili ng souvenir sa mga stall.
Nang makabalik na ang mga hinihintay namin, nagdesisyon kaming bumalik sa bus. Nawala kami sa pila dahil pabalik naman na kami sa bus at saktong pagpasok namin sa loob ng bus, umaambon na. Naupo ako sa upuan ko at katabi ko na ngayon si Yuki. Nasa may bintana siya nakaupo habang ako ay sa dulo. Naghahanap na ako ng pagkain sa baon kong malaking bag nang may maglahad sakin ng isang tupperware. Barbeque ang ulam na iyon.
Nang mag angat ako ng tingin, agad kong nakita si Mizuki. Umubo ako at naghanap ulit ng pagkain sa bag ko. Kinuha ko ang tupperware ko at kumuha ng kutsara. Binuksan ko iyon nang hindi na tinitignan si Mizuki na nakatayo parin sa harap ko.
"Gusto mo?" Pag aalok niya habang kumakain habang nakatayo. Pwede naman siyang sa tabi ni Marquel maupo para doon kumain, pero bakit dito pa siya pumwesto at nakatayo?
"Hindi. May ulam ako," malamig na sagot ko sa kanya.
"Masarap 'to," pamimilit niya pa.
"Hindi na. Sayo na 'yan para may ulam ka. Kumuha ka rito sa baon ko. Nagluto ako ng tuna at corned beef." Kahit may tampo sa dibdib ko, nagawa ko siyang alukin. Kumuha siya roon at tinikman iyon. Sa ngayon, isasantabi ko ang tampo ko dahil nakikita ko namang bumabawi siya sakin.
"Pre, nagtatampo lang 'yan," rinig kong sabi ni Yuki habang nakatayo na rin at kausap si Mizuki. Nagkunwari akong hindi ko narinig iyon at kumain nalang. Nararamdaman ko ang pagtitig sakin ni Mizuki, pero hindi na ako nag abalang mag angat ng tingin sa kaniya. Halata naman kasing tinitignan nya kung nagtatampo nga ako o hindi.
Dire-diretso lang ako sa pagkain hanggang sa magpaalam na si Mizuki na babalik na sa upuan nya sa tabi ni Marquel. Nang matapos na rin ako sa pagkain, ibinigay ko na kay Miracle ang chips na binilin nya. Madami akong dala, kaya ayos lang kung mamigay ako.
Mabilis lumipas at naghintay lang kami sa prof namin at sa tour guide namin na kasama. Isang oras ang nakalipas hanggang sa makabalik sila sa bus. Sumakay na ang driver sa loob at pinandar na ang bus. Nagsalita ulit ang babaeng tour guide sa unahan habang may hawak na mic at naglalakad lakad pabalik-balik sa loob bus.
"Ngayon, papunta na tayo sa Gardenia!" Masayang anunsyo ng tour guide. Maghiyawan naman ang mga kaklase ko. Ang iba ay tuwang tuwa, habang ang iba ay matamlay at para bang walang pakialam.
May nadaanan kaming mga factory at Lazada. Nakasalubong pa namin ang truck mula roon sa loob ng Lazada na mukhang dadalhin na iyon para ideliver.
"Oh, kuhanin nyo na anga mga parcel nyo!" Pagbibiro ng babaeng tour guide.
Dahil walang traffic, mabilis kaming nakarating sa factory ng Gardenia. Dahil may mga ibang school pa sa loob ng factory, halos isang oras kaming naghintay.
Kahit ako ay nababagot na. Kahit nasa loob kami ng bus, naiinip na ako sa paghihintay.
"Gusto nyo bang maghintay sa Gardenia o dumiretso na sa Enchanted Kingdom?" Nakangiting tanong ng babae. Doon kami nabuhayan.
"Enchanted na po!" Sabay sabay naming sabi.
"Kuya, enchanted na daw po," sabi ng babae sa driver. Binuksan ng driver ang makina ng bus at nagsimula magmaneho. Naghiyawan lalo ang mga kaklase ko habang si Yuki ay nagpaalam na matutulog muna dahil medyo malayo rin ang byahe.
YOU ARE READING
This I Promise You
RandomHikari Daichi Pelagio is being known as a kind and nonchalant woman. Everyone admires her. She admires her parents relationship that it became her standard. What will happen when her childhood that she really hate confessed his feelings for her when...