22

5 1 0
                                    

Ilang araw matapos ang nangyaring pag amin ni Ichad, nagkaroon kami ng bonding kasama sina Tita CJ at Tito Cy. Pati na rin si a Tiffany, Ichad at ang boyfriend ni Tiffany. Magkatabi sa kabila sina Papa, Tito Cy at Ichad. Habang kami namang apat na babae ang magkakatabi. Katapat ni Papa si Mama, habang katapat naman ni Tito Cy si Tita CJ at kaming dalawa naman ni Ichad ang magkatapat. Si Tiffany naman ay katapat ang kanyang boyfriend.

Kapansin pansin ang pagiging malambing at maalaga ni Xavier kay Tiffany. Sina Mama at Papa ay nagsusubuan, habang sina Tita CJ at Tito Cy ay nagtatawanan habang naglalagay ng pagkain sa plato ng isa’t isa. Nandito kami sa garden kumakain na para bang nasa picnic kami. Ang kaibahan nga lang ya may malaking lamesa sa gitna namin.

“Baby, eat this. I know this is your favorite,” rinig kong malambing na sabi ni Xavier habang nakatitig kay Tiffany.

“Ah! You’re so sweet, baby,” malambing na sagot rin ni Tiffany sa lalaki. Sinubuan siya ng lalaki habang nakangiting tinanggap iyon ng pamangkin ko. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang kumain.

“You want some?” Nag angat ako ng tingin kay Ichad nang alukin nya ako ng tapa na paborito ko. Napapabuntong hininga ko namang tinanggap iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero nanlalata ako at wala akong gana sa pagkain.

“Thanks,” matamlay na sabi ko sa kaniya.

“No problem,” sagot naman nya. Nagsimula na ako sa pagkain at hindi na nagsalita nang magsalita sina Mama at Tita CJ.

“May girlfriend ka ba, hijo?” Tanong ni Tita CJ sa lalaking katapat ko. Nakangiting umiling ang lalaki bilang sagot.

“No girlfriend since birth po ako, Tita,” sagot naman ni Ichad. Tumango tango naman si Tita CJ bago bumaling sakin. Akmang magtatanong siya sakin nang mapaubo siya na para bang may bigla siyang naalala.

“Ang babata nyo pa kasi, Ichad, pero sa ganyang edad, karamihan ang mga kabataan ngayon may mag girlfriend at boyfriend na,” nakangiting paliwanag ni Mama. “Pero siguro naman ay may nagugustuhan ka na. Meron na ba, Ichad?”

Napaiwas ako ng tingin at itinuon nalang ang atensyon ko sa pagkain. Hinintay kong makasagot si Ichad habang patuloy ako sa pagkain, hindi nagpapahalatang naghihintay ako ng isasagot nya kay Mama.

“Meron na po, pero hindi po pwede,” walang alinlangang sagot nya, dahilan para saglit akong nagpigil ng hininga. Hindi maalis sa sistema ko ang kaba dahil baka sabihin nya rin kina Mama ang tungkol sa nararamdaman nya para sakin.

“Hindi pwede? Bakit naman hindi pwede?” Curious na tanong ni Mama.

“Hay nako! Ganoon talaga, Dove! Hindi naman kasi lahat ng gusto natin, nagugustuhan rin tayo. Baka mas bata ang gusto nya o baka ‘yung gusto nya, may gusto nang iba kaya hindi na pwede,” si Tita CJ ang sumagot sa tanong ni Mama kay Ichad.

“Tama po kayo. Hindi niya po ako gusto,” pangsang ayom naman ni Ichad, dahilan para makuha nya ang atensyon nina Tito at Papa.

“Bakit, sino ba ang gusto mo?” Tanong ni Papa sa kanya, dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti si Ichad at palihim na sumulyap sakin, dahilan para pagkunutan ko siya ng noo.

“Why don’t we ask Daichi? I know she knows who I like,” sagot naman ni Ichad, dahilan para bigla akong mapaubo. Inabutan ako ni Mama ng tubig at kaagad kong tinanggap iyon bago dire diretsong inumin iyon.

“Magkasama nga pala kayo sa ibang bansa, ano? Bakit nga ba nakalimutan ko ‘yon?” Ani naman ni Papa, dahilan para lalo akong makaramdam ng kaba lalo na nang seryosong magpalipat lipat ng tingin sa amin si Tito Cy at Tita CJ.

This I Promise YouWhere stories live. Discover now